Chapter 18

67 2 0
                                    


SOPHIE'S POV

"And this year's Battle of the Bands champion is no other than

The Kingston Band!!!"

Ha? Ano daw?

Loading pa ako ee! Teka nga! Wait! Champion kami? Di nga?

Whaaaaaaat? Champion kami??????? OH MY GOD!!!!!!! Thank you Lord!!!!

Nagbunga ng maganda ang matagal naming pinaghirapan. Hindi namin inaasahan to. Shet na malagket!!! Agad kaming nagtatakbo sa stage kasama si Erin noong tinawag ang banda namin! Itong si Erin umiiyak pa. Hahaha. Ang cute niya e! Hindi pa din ako makapaniwala hanggang ngayon! Grabe! Niyugyog ko ng niyugyog ang balikat ni Zia. Haha. Kawawa naman siya!

Si Vince ang tumanggap ng trophy at cheke na nagkakahalagang P10, 000. Mukhang nangangamoy celebration! Rak na ituuu! Hahaha.

Picture picture!

Pagkababa namin ng stage agad naman kaming nilapitan ng mga kaklase namin at ng SC. Kinongratulate nila kami .Lumapit din sa amin si Tristan at ganun din ang ginawa niya. Buti naman hindi na niya kasama yung pinsan niya.

"Guys! Party ss bahay on firday night!" Anunsyo ni Eros kaya naman lalong lumakas ang sigawan. Hmmmn. Nangangamoy pizza! Hahaha. Sumangayon naman ang lahat. Ako? Ayaw ko namang maging kj. Sana nga lang payagan ako ni mama.

Napakaingay naming lahat dito sa byahe. Its almost 8pm na at hindi pa din nauubusan ng energy ang mga ito. Hindi ko nga alam kung saan sila humuhugot ng shakra e. Napansin yata ni Eros na medyo tahimik ako kaya hinawakan niya ang kamay ko.

"Okay ka lang Sophia?" Nag aalalang tanong niya. Ito namang si Eros masyadong concern. Kinikilig tuloy ang senses ko. Hahaha. Syempre naman nalolowbat din ako. Hay!

"Oo okay lang ako. Pagod lang siguro." Nginitian ko naman siya pabalik. Isinandal niya ang ulo ko sa balikat niya. Inakbayan niya ako gamit ang kanang kamay niya at hawak naman ng kaliwang kamay niya ang kamay ko.

Pakiramdam ko safe na safe ako pag kasama ko siya. Hindi ko maipaliwanag tong nararamdaman ko ngayon. Para bang kaming dalawa lang ang sakay dito sa van. Parang walang ibang tao. Parang huminto ang mundo ko habang nagtatambol ang puso ko at naglalaro naman ang mga paru paro sa tiyan ko. Amoy na amoy ko ang pabango niya.

Nanatili kami sa ganoong posisyon. Wala kaming pakialam kung maingay ang nasa paligid namin. Basta kami ni Eros, okay na kami sa ganito.

"Ehem ehem. Mukhang lowbat na ang lovebirds ah!" Puna sa amin ni Zia. Napatawa naman ako sa reaksyon niya. Tsaka nagsimulang mang asar ang iba pa.

"Wag kayong maingay. Natutulog na ang baboy ko." Hanggang ngayon ba naman baboy pa din? Hahaha. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko dahilan para makatulog ako.

***

Pagmulat ng mga mata ko, nandito na ako sa kwarto ko.

Huh? Teka? Ang huli kong natatandaan, nasa van ako kagabi nung nakatulog ako. Sino naman ang nagdala sa akin dito? Hmmmm.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay agad naman akong bumaba para kumain.

Nadatnan ko sa hapagkainan sina mama at yaya.

"Good morning ma, good morning ya!"

"Goodmorning anak! Kumusta ang tulog mo? Congratulations nga pala anak! I'm so proud of you!" Bati sa akin ni mama. Nakakatuwa naman si mama. Pero paano niya nalaman? Sasabihin ko palang sa kanya e.
Kinuha naman ni yaya ang mga pagkain sa kusina.

The Battle for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon