TRUTH IN LIES

67 0 0
                                    

"Hey guys ano ba kayo, malayo pa ang holy week pero, parang ang nagpepenitensiya ang mga mukha niyo diyan. Anong problema?" puna ni Pabs nang madatnan nila sina Arcel, Dambo, Ken,Kristel at Merra sa kanilang tambayan na subrang tahimik at hindi nagkikibuan.

"Ano ba kayo, minsan na nga lang tayo nagkikita- kita dito tapos ganyan pa ang maabutan namin dito. Di na lang sana ako pumunta dito." Sabi pa ni Sashal na kasabayan din ni Pabs

"Hay naku tanong mo dito kay Arcel. Kanina pa iyang tahimik. Hindi makausap. Nahawa na lang kami ng ambiance." sagot ni Krestel

"Pasensiya na mga dude, hindi ko naman gustong maging ganito ang pagkikita natin. Just don't mind me. May iniisip lang ako. Pasensiya na talaga." tugon ni Arcel.

"Pare ano pa at naging tropa mo kami kung hindi mo sinasabi sa amin ang problema mo. Kung ano man iyan,try us baka may maitutulong kami sa Inyo." Sabi pa ni Ken.

"wala akong problema mga tol,may iniisip lang talaga ako. So since kumpleto na tayo, Tara na sa milk tea haus,libre ko kayo." Ayon pa kay Arcel

"I guess we're missing one, si Jelo baby nga pala? lately parang hindi na active sa group ang tao na iyon. Ano kaya ang nangyayari doon?" Pansin pa ni Sashal.

"knock knock, Am I still welcome for this group?"

"Jelo" Ang masayang reaksiyon ng lahat nang makita si Jelo maliban kay Arcel.

"oo naman pare, na miss ka na nga ng tropa. Saan ka ba kasi nag sususuot? Naiisip na nga namin na kinalimutan mo na kami eh." tugon ni Dambo

"Salamat , by the way may kasama nga pala ako. Bagong kaibigan. Si Pao. Pao mga kaibigan ko. Si Sashal, Dambo, Krestel ,Merra, si Pabs, si Ken at si Arcel." pakilala ni Jelo kay Pawi sa mga kaibigan.

"Hi foreigner ka ba cutie boy? Ang ganda kasi ng mga mata mo kulay green." pansin ni Krestel kay Pawi.

"Sorry nga pala mga dude nag text si dad urgent lang, Cancel muna ang lakad. I'll better go." Ang pagmamadali ni Arcel. ni hindi man lang pinansin si Jelo.

Nagtaka naman ang lahat sa ginawa ni Arcel. Napansin ni Jelo ang ginawang pag iwas ni Arcel. Kaya sinundan niya ito.Pasakay na sa kanyang motor si Arcel nang maabutan ito ni Jelo.

"May problema ba tayo pare?" tanong ni Jelo.

"W-wala, may lakad lang talaga akong importante. Sige aalis na ako." sagot ni Arcel.

"Dahil ba ito sa nangyari sa atin?" Tanong pa ni Jelo.

"Kalimutan mo na iyon. May lakad lang talaga ako." At hindi na nagpaliwanag pa si Arcel at umalis din ito.

Naiwan si Jelo na may ilang katanungan sa nangyari at sa kinikilos ni Arcel.

Lumipas pa ang mga araw at mas lalong napag hahalata ni Jelo ang mga pagiwas sa kanya ni Arcel.

"Siya parin ba?" tanong ni Pawi kay Jelo.

"Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit iniiwasan niya ako. Wala naman akong maisip na kasalanan ko sa kanya. Pero bakit niya ito ginagawa sa akin. Hindi ako sanay eh. Hindi kami ganito." sabi pa ni Jelo.

"Nabasa ko dito sa libro, na kapag na namimiss mo ang isang tao ibig sabihin mahalaga ito sa iyo, at posibleng mahal mo na ang taong ito.  Hindi kaya, mahal mo siya?" sabat pa ni Pawi.

"Huwag ka nga mag papaniwala diyan sa mga binabasa mo. Hindi naman lahat ganun. Nagtataka lang talaga ako sa pagdistansiya ni Arcel sa akin. Na para bang natatakot sa akin. Iba kasi ang pagiwas niya sa akin." ayon pa kay Jelo.

"Hindi kaya nalaman niya ang sekreto natin?, Isipin mo. Naroon siya sa gabi ng Ugsad.Sa tingin mo?".  hinala pa ni Pawi.

"Iyan din ang iniisip ko , Kaya kailangan kong malaman ang sagot. Dito ka lang , Pupuntahan ko Arcel. kailangan malinawan ako."

A Lover, Lair and a Legend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon