SOPHIE'S POVOkay. I'm ready for the partey! Pers taym dude! Well, alam ko naman ang mga ginagawa sa mga party pero hello? We're third year high school palang kaya!
Gabi na kaya nagpakasundo ako kay Eros. Hindi din kasi pumayag si mama na umalis ako mag isa ngayon. 7pm na kasi e delikado na daw sa daan lalo na at babae ako at mag isa pa.
"Tita alis na po kami ni Sophia." Paalam ni Eros kay mama.
"Okay. Enjoy kayo ha. Eros ingatan mo ang baby girl ko." Bilin ni mama. Tumango tango naman si Eros at umalis na din kami.
***
Napakaingay! Nakakabingi naman yung tugtog! Ang dami pang iba't ibang kulay na ilaw. Ang sakit sa mata. Yung mga kaklase ko nagkalat dito sa loob ng bahay nina Eros. Yung iba may hawak na drinks, yung iba nakaupo sa sofa at nakukwentuhan. Yung iba naman nagsasayaw. Hahaha. Buti na lang nakita ko na agad sina Erin. Kasama na niya sina Zia, Vince at Nathan. Nandun sila sa may balcony at nagtatawanan. Lumapit naman kami doon ni Eros.
"Ayan na pala ang turtle! Hi Sophie!" Wow! Ang gandang bati naman nun galing kay Erin.
"Hi Sophie!" Sabay sabay yung tatlo. Buti pa tong mga to e.
"Hello." Bati ko naman sa kanina tsaka umupo na din sa tabi ni Erin.
"Guys anong gusto niyong kainin?" Tanong ni Eros sa aming lima.
"PIZZA!" Sabay sabay kami! Aba! Pare-pareho pala kami ng gusto e! Nakakalungkot kasi akala ko masosolo ko ang pizza, hindi pala. Haha. Pero syempre joke lang! Mas masaya kaya kumain kapag may kaagaw!
"Osige. Kukuha lang ako. Sophia wag iinom ha?"
"Aye aye captain!" Sabay saludo kay Eros. Haha.
Umalis muna saglit si Eros para kumuha ng pizza samantalang kaming lima ay nagkwentuhan na lang.
"Guys look at the pipolets. They are getting wild na!" Sabi ni Erin kaya napalingon kami sa mga kaklase namin. Aba oo nga! Kung kanina konti pa lang yung mga nasa dance floor ngayon halos lahat na! Grabe! Ni hindi ko naimagine na ganito pala sila kawild!
"They're drunk." Sagot naman ni Nathan.
"Have you seen Samantha? Parang wala siya ah? Nakakapagtaka naman ang isang yun. Hindi nun papalampasin ang ganitong party." Nagtatakang tanong ni Zia. Hmmn. Bakit nga kaya. Di bale na di naman kami close e hahaha.
"Teka nga guys! Kanina pa kayong english ng english diyan ah! Maawa naman kayo sa skin!" Biglang sigaw ni Vince kaya lahat kami ay napatawa. Hahaha. Kahit kailan talaga lokoloko tong si Vince e.
"Here are your orders!" Dumating naman agad si Eros na dala ang ilang kahon ng pizza. OMG! Nagwawala na ang mga alaga ko sa tiyan! My peybolit!
"Tangina pati ba naman ikaw Eros nag eenglish?" Muling reklamo ni Vince kaya napatawa na naman kaming lahat! Grabe talaga siya! Maluwag na ang turnilyo niya sa utak!
Makaraan ang ilang oras ay nagsimula ng magsiuwian ang mga kaklase namin hanggang sa kaming anim na lang ang natira. Kaya pala malakas ang loob magpaparty netong si Eros e dahil nasa business trip ang parents niya at ang kuya naman niya ay nasa sarili daw nitong condo. Naks!
Nandito kami ngayon sa living room ng second floor ng bahay nila.
Paikot ang pwesto namin.
Ako-Eros-Vince-Nathan-Zia-Erin
"Laro tayo!" Masiglang sabi ni Nathan! Parang bata! Hahahaha.
"Ano namang laro?" Sabay sabay naming tanong sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Battle for Love
Teen FictionNagmahal, nasaktan, naiwan, nagtiwala, natuto, nagmahal ulit.