Asawa ko
Nang magising ako ay wala na si Sir Augustus sa aking tabi at tanging unan nalang 'yon. Ngumuso ako at pupungas pungas na bumangon. Chineck ko pa na baka may tumulong laway sa aking pisngi pero wala naman.
Napagpasyahan ko ng bumangon at magtimpla ng kape para sa aming dalawa ni Sir. Pero bakit kaya wala si Sir Augustus nug magising ako? Baka naman nakalimutan niya na ang sinabi niya sa akin kagabi? Hala huwag naman sana!
"Yaya Pia, nasaan po si Sir Augustus?" tanong ko.
"Wala, hija. Hindi ko rin alam kung saan siya nagpunta," sagot niya sa akin.
Tumango lang ako at nilibot ang buong bahay pero wala si Sir Augustus, naiiyak na ako rito na baka naman panaginip ko lang lahat? Hindi ba totoo ang sinabi niya sa akin? Oh baka napagtanto niya lang na hindi ako karapat dapat para sa kaniya.
Meron din akong nakasalubong na kasambahay, medyo matanda na siya. Bago sigurong kasambahay? Eh paano 'yun kapag umalis na kami mamaya rito, paano sila? Paano kaya ang sweldo nila?
"What on your mind, baby?" tanong ng lalaking biglang yumakap sa akin.
Napasinghap ako sa hangin ng marinig ang malalim na boses niya at medyo husky 'rin. Ang pogi pogi, ang sarap sa tenga, puta.
Lumingon ako paharap sa kaniya at napalunok ng maramdaman ko ang paghinga niya. Kunwari ay sinuntok ko ang dibdib niya para sana masaktan ngunit ako pa yata ang nasaktan dahil sa tigas ng kaniyang katawan.
"Bakit mo na ako niyayakap, Sir Augustus? Hindi pa nga kita sinasagot," sambit ko. Ngumuso lamang siya at kaagad lumaki ang aking mata ng mapagtanto kong wala siyang damit pang itaas at apron lang nagtatakit 'non ngunit sapat na para makita ang muscles niya at biceps niya
Ginaya niya ako papuntang kusina at inupo sa counter table, nagluluto siya habang walang suot? Paano kung makita ni Bea si Sir Augustus na walang suot na damit habang nagluluto.
"Sir Augustus, magdamit ka nga. Baka makita ni Bea 'yang abs mong eights packs," pag aalala ko sa kaniya.
"Pinaalis ko na si Bea, huwag ka ng mag alala."
Lumaki ang aking mata nang sabihin niya sa akin 'yon, hindi ako makaimik dahil sa ginawa niya, baka ako pa ang magmukhang kontrabida sa kanila.
"Bakit naman, Sir?" inis na tanong ko sa kaniya.
"You hate her, aren't you?" balik niya. Oo ayoko sa kaniya pero hindi naman tamang paalisin siya nang dahil lang sa akin, baka mamaya nagtatanim na ng galit sa akin si Yaya Pia. Close silang dalawa. Hindi na ako kumibo at kinuha niya na ang niluluto niya at nilapag sa mesa.
Nagningning ang dalawang mata ko dahil sa niluto niya pero hindi ko alam ang pangalan 'non kaya nagtaka ako. Wala pa akong nakakain na ganito ah. Pero may nakita akong banana bread at may avocado sa topings 'non.
Kaagad kong nilantakan 'yon at hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko, naiinlove ako lalo kay Sir Augustus kapag ginagawa niya sa akin lahat nang 'to at tintreat niya akong parang baby.
"Ang sarap naman nito, Sir,"
Naramdaman ko ang pagngisi niya nang sabihin ko 'yon at umupo narin siya. Kasabay nang pag upo niya ay nararamdaman ko ang kaniyang pagtitig sa akin na parang matutunaw ako. Utang na labas Sir, huwag mo akong titigan baka mahulog ka lang lalo sa akin.
"Mas masarap ako," segunda niya.
Oo masarap siya. Kagabi nga naghalikan na kami kahit hindi ko pa siya sinasagot, hindi ko kasi alam kung paano ko putulin ang masarap na halik niya kagabi na nakakatanggal ng ulirat. Kung siguro pag maghahalikan kami at sasabihin niyang araw araw ay papayag pa ako. Ganoon ako kadesperada.
BINABASA MO ANG
The Culprit (De Viola #1)
Roman d'amourHe's the ruthless, he's too heartless and and I don't mind, my mind is clever to think that he's dangerous man. A man that have no heart. I'm into him, so I will be. Note: I don't claim the photo, credits to the owner❤️