[Miena at Agos]
Kabanata Quatro: ᜋ̊ᜁᜈ ᜀᜆ̟ ᜀᜄ̥ᜐ̟
"OH!" Inabot ko ang isang pirasong karne na nilahad sa akin ni Meina, ang babaeng kamuntikan ng bumutas ng aking leeg kanina habang ang kasama nitong lalaki na si Agos ay nakasandal sa puno habang nakapikit na ngumunguya.
Si Miena at Agos ay residente sa bayan ng Magryo na gusto raw kunin ng mga maharlika. Kaya sila nagalit sa akin at walang awang tinutukan ako ng armas ay dahil sa akala nilang maharlika ako— na medyo totoo dahil tinawag nga akong prinsesa ng mga humahabol sa akin pero hindi ko sasabihin sa kanila yuon dahil gusto din naman akong patayin ng mga maharlika o sundalo ng mga maharlika.
Nandito pa rin kami sa gubat ng Mula habang iniisaw yung hayop na nahunting nila.
"Nga pala Meina, anong klaseng hayop yan?" tanong ko habang nakaindian sit.
Hindi sa akin pamilyar ang hayop. Kasing laki sya ng Persian cat sa bahay ngunit kamukha nya ang kuneho at baboy na may pulang mata. Pero nakakagulat na ang sarap ng karne nya, malambot at malinamnam.
Umayos sya ng upo at binaliktad ang stick. "Kuryo ang tawag dito, ito ang pinaka madaling mahuli dito sa gubat ng Mura," aniya habang kumakagat sa karne.
Dito na kami kumain dahil gutom na gutom na talaga ako, mabait naman pala sila. Galit lang talaga sa mga maharlika kaya nagawa nila ang kabayolentihan kanina.
Tumingala ako sa langit na natatakluban ng malalagong dahon ng matataas na puno. Sariwang sariwa ang hangin at ang mga ibon ay malayang nagpapalipad lipad sa paligid at umaawit. Huminga ako nang malalim at maluwag na ngumite. Kung pwedeng ganto na lang sana ang buhay ko.
"Ah Alis?" Lumingon ako kay Agos ng tawagin nya ako, kamuntikan ng tumikwas ang kilay ko dahil sa wakas nagsalita na sya. Kanina pa tahimik ang isang ito at iwas tingin sakin.
He called me Alis too. Kaunti lang ang tumatawag sa akin nuon. In fact, may tumawag na ba sa aking Alis? I can't even remember.
"Bakit, Agos?" Humarap ako sa kanya at kinagat ang natitirang karne sa stick ko.
"Napagusapan namin ni Miena na dalhin ka sa bayan namin, kung nais mo lang naman sumama. Tingin kasi namin ay wala kang patutunguhan." Natigil ako sa pagnguya dahil sa kanyang sinaad at napatitig sa mata nya ng malalim.
Wala kang patutunguhan sa buhay kung puro ganyan na lang ang ginagawa mo!
Yang pangarap mo, wala yang patutunguhan!
Hindi ka ba mag babago? Palamunin ka na dito! Tignan mo ang nangyayari sa buhay mo! Wala ng pinatutunguhan!
"Alis?"
"Alis?!"
Nabalik ako sa ulirat nang yugyugin ako sa balikat ni Meina, unti unting luminaw ang paningin ko at una kong nakaharap ay ang nag aalalang mukha ni Miena at ang nagtatakang mukha ni Agos na nasa likod nito. Umiling iling ako sa isip, dapat ko ng kalimutan yun. Binatawan ko ang stick na nabali sa higpit ng kapit ko.
"Ayos lang ako," ani ko at marahang tumayo. Pinagpagan ko ang pwetan at nilingon sila ng nakangite.
"Tapos na kayo diba? Tara na. Palubog na ang araw." Yaya ko sa kanila bago tumingin sa kalangitan na ginawa rin nila.
Nanlaki ang mata ni Miena at napatayo ng marahas. "Hala oo nga, sigurong nagaalala na si inang sa atin Agos," aniya at hinila ang kapatid upang tumayo na rin.
Tamad na tumayo si Agos at pinatay ang apoy gamit ang kapangyarihan nyang tubig bago kinuha ang basket na may limang Kuryong laman. Para raw sa kanilang inang at amang. Hinawakan ako ni Miena sa braso at sabay kaming lumakad papasok sa masukal na kagubatan. Nangunguna sa paglalakad si Agos na hawak ang tali ng basket na sumasabit sa dalawa nyang balikat.
These kind of treatment, madalas ko lang itong maramdaman sa mga matatanda. Mga kaedad ko o mga kaedad ng magulang ko ay hindi man lang ako matrato ng ganto, lalo na ang mga relatives ko.
Sila Meina at Agos, pinoprotektahan lang nila ang tirahan nila kaya nagiging bayolente pero nung nag-paliwanag na ako, na hinahabol ako ng mga sundalo ng mga maharlika at gustong patayin maagap nilang ibinaba ang sarili nila at nag-tiwala agad sa akin, ni hindi man lang sila nagtanong kung bakit at niyaya pa ako sa lugar nila.
Ang mga ito, paano pala kung masama talaga ako?
Umiling ako at ngumise, buti na lang at wala akong interest sa kung ano mang pananakop o pangugulo. Gusto ko lang ng kasagutan kung bakit ako napunta dito at kung nasan na ba ako. Kapangyarihan, ibang uri ng hayop at pagiiba ng kasuotan at ang buhok ko, gusto ko lahat malaman ang dahilan.
Kahit man lang bago ako mamatay uli, dahil unti unti ko ng natatanggap na buhay pa talaga ako at nasa ibang lugar na hindi nage-exist sa world map. I want to discover something in this world, I want to experience the things that I haven't yet experience in my former world called earth.
"Malapit na tayo." Lumingon ako kay Miena na nakangiteng naglalakad habang na ka angkla sa aking braso.
Tumango ako kahit hindi nya kita at tumingin muli sa dinadaanan, nakalampas na kami sa masukal na kagubatan at ngayo'y naglalakad sa gilid ng bundok, may konti pa ring mga halaman ngunit hindi na tulad kanina.
Mas kitang kita dito ang kalangitan na nagoorange na, itinaas ko ang isang kamay pantay sa aking mukha at inangat ito sa langit habang patuloy sa paglalakad, ang ganda talagang pagmasdan ng kalangitan lalo na pag papalubog at papaangat na ang araw.
Sunset at sunrise ang nagsisilbing reminder ko na hindi unfair ang mundo, na pareparehas pa rin ang tao, na maswerte pa rin ako sa bawat dampi ng init sa balat ko. These events constantly remind me that life is just like the sun, sometimes we're rising sometimes we're not. That being unstable is just normal.
Na kung papalubog na ang pag-asa mo at tingin mo wala ka ng mararating ay may bukas pa naman, panibagong pag-angat ng araw na magpapaalala sayo na meron pang pag-asa, na kaya mo pang baguhin ang isang pagkakamali mo o iwasan na muli itong gawin.
I exhaled deeply. Tulad nitong nangyayari sa akin. I didn't expect na mabubuhay pa ako pagkatapos kong magpatihulog at tamaan ng kidlat. Ano kayang nakita sa akin ng maykapal at hinayaan akong mabuhay pa? Nakita nya kaya ang paghihirap ko sa earth kaya naawa sya? O baka naman para lalong pahirapan? Na tipong papatayin ko uli ang sarili ko o kaya mabaliw sa pagiisip.
"Nandito na tayo."
Natigil ang pagiisip ko ng tumigil sila sa paglalakad. Inangat ko ang ulong nakayuko at tumitig sa bayan. Kitang kita dito ang masayang mga ngite ng tao habang iba iba ang ginagawang trabaho, humiwalay sa kapit ko si Meina at may tinawag. Hindi ako gumalaw sa pwesto ko at nilibot pa ang paningin, may konti ng nakapansin sa presensya ko at kinakamusta ako at ngingitean na sinasagot ko rin nang ngite.
Papalakad na sana ako sa pwesto nina Agos at Meina ng tawagin nila ako ngunit agad din akong napatigil dahil nakaramdam ako ng kilabot sa likod ng batok ko at ang pagdampi ng malamig na hangin sa balat ko.
"ALIS, LIERO!"
—
Vocabulary; Mishna Language
Liero- Yuko!
BINABASA MO ANG
Centre De Palacio
FantasyPaano kung makapasok ka sa mundong inaakala mo'y hindi totoo? Na tipong namatay ka na pero sa biglang paggising mo nasa ibang dimensyon ka? Si Allison ay isang babaeng malas sa buhay, lumaki sa karahasang ang mga malalapit pa nya mismo ang nagda...