Ryla
It's been one week since the contest. Unfortunately, hindi ako nanalo pero worth it naman kasi nagkabati-bati na kaming lahat and bestfriend ko na ulit si Rence. Alam ko na-bestfriend zone ako pero medyo okay lang sa akin. These past few days mas naging close kaming dalawa, hindi GANUNG close, as in bestfriend close ba. Parang bumalik na yung dating samahan namin. Yung mga biruan at lokohan namin, miss ko na yun.
Maraming nangyari in one week. Major news is niligawan ni Rence si Princess. At um-oo naman si Princess.
Nagpapatulong pa nga sa akin si Rence eh pero hindi ako pumayag. One reason is busy ako sa pag-aaral. Malapit na exams eh. Another reason is I don't want to hurt myself. Syempre ayaw kong pilitin sarili kong gawin yung ayaw kong gawin. Isa pa, masasaktan lang ako.
I'm trying my best na ipaalala sa sarili ko na itapon na feelings ko para sa kanya. Ang problema, di ko kaya. Kaya kakalimutan ko nalang na nagkagusto ako sa kanya.
Tuwing nga may date sila gusto akong isama ni Rence pero nireject ko. Ano ako? Third wheel?
Nasa bahay ako ngayon, gumagawa ng project kaso parang nasa kawalan ata utak ko ngayon. Hindi ako maka-focus. Kinuha ko phone ko at tinawagan ko mga kaibigan ko para magyayang gumala kaso lahat sila busy o kaya aalis.
Nilapag ko phone at ballpen ko, "Hay, sino kaya pwede?" Bigla kong naisip si Rence. "Oo nga, si Rence!"
Dinial ko agad number niya, kaso bigla kong naalala na may date pala sila ni Princess ngayon. I-eend ko na sana yung tawag pero agad naman niyang sinagot.
"Hello Rye?" agad niyang sinabi. Yung tono niya para bang natutuwa siya.
"Sorry, nakaka-istorbo ba ako?"
"Hindi hindi. Bakit ka napatawag?"
"Gusto ko lang sana gumala. Yung iba kasi busy kaya tinawagan kita kaso naalala ko bigla na may date ka pala ngayon. Sige, ibaba ko-"
"Okay lang Rye. Hindi pumunta si Princess kasi sinugod raw sa ospital mama niya so.." in-explain niya.
"Soo..?" tanong ko.
"Punta ako diyan sa inyo o ano?"
"Awkward pakinggan hahaha. Ako nalang pupunta diyan sa inyo." Kapag iisipin niyo yung sinabi ni Rence, ang awkward talaga.
"Hahah sorry. Sige."
At, binaba na niya.
Nagpalit ako ng damit. From my cyclings to a pair of 'happiness' gray jogging pants, a oversized shirt, and sneakers. [http://stealherstyle.net/wp-content/uploads/2013/08/zendaya-happiness-sweatpants-outfit-updated.jpg]
Habang naghihintay, napaisip ako bigla. Bakit ako sasamahan ni Rence kung nasa ospital mama ni Princess? I mean, dapat i-comfort nalang niya si Princess kesa samahan ako.
The thought of it made me blush. 'Ryla! Remember, WALA kang feelings sa kanya!'
Ayan na naman si konsensya.
"Ryla! Tara na!" sumigaw si Rence sa labas ng bahay. Kinuha ko phone ko at susi since nasa trabaho si mama.
Nagsmile ako kay Rence. Nakasuot siya ng black jeans, blue t-shirt, black and white checkered polo at nike basketball shoes. Naglakad-lakad kami
"So... Rence..." medyo nagdadalawang-isip akong tanungin ito kay Rence.
"Hmm?"
"Bakit hindi mo sinamahan si Princess sa ospital?" sabay tingin ko sa kanya, gusto kong malaman kung paano siya mag-rereact sa sitwasyon. Tumingin rin siya sa akin at agad tumingin sa ibang direction.
Napatahimik siya. Para bang nag-iisip kung anong sasabihin.
Huminga ako nang malalim, "Kalimutan mo nalang tinanong ko yun." Then, nagpatuloy nalang kami maglakad.
Walang ingay, walang boses na naririnig, tahimik ang paligid habang naglalakad kami. Biglang may humawak sa braso ko. Lumaki mata ko at napatalikod. Haay, si Rence lang pala. Hinila niya akong papalapit sa kanya.
I swear, bumilis tibok ng puso ko. "Rye, kaya... kaya hindi ko sinamahan si Princess kasi..." And in a moment, ilang inches nalang layo ng mukha namin. Hahalikan ba ako ni Rence?! No, hindi 'to tama.
Biglang tumunog phone ni Rence. Nag-one step backward ako sa kanya. I can say that this is awkward.
"Hello?"
"Bakit babe?" Oh, si 'Princess' pala yung tumawag. Tahimik akong nagpasalamat sa kanya eventhough hindi kami, umm, close. Nakakasuka naman yung tawagan nila.
"Oh sige sige. Papunta na ako." at binaba na niya phone niya.
"Uhm, sige uuwi na ako." Sinabi ko sa kanya. Hindi ko na hinintay sagot niya at naglakad nalang ako palayo.
"Ryla, hatid na kita!" tumakbo siya sa harap ko.
"Wag na. Mas kailangan ka ni Princess ngayon." Hindi ko nalang pinahalata yung selos na nararamdaman ko ngayon. Tumayo lang siya doon habang nakatingin sa akin. Hindi ko na siya tinignan pa at dumeretso pauwi.
A/N: Sorry suuuupeeer laatee :( Writer's block + no internet :( Tapos ang ikli pa.
