Sorry sa super late update T__T
---------------------------------------
Chapter 32 - The One With The Province Vacay Pt. 4
Sinag ng araw sa umaga ang bumungad sakin pagkadilat na pagkadilat ko ng mga mata. Kung sino mang nag bukas ng bintana at kurtina, napakasama niya dahil halos mabulag ako sa sinag ng araw na parang spotlight diretso sa mata ko.
Nang makabawi sa pagkahilo, dahan dahang nag sink-in sakin kung saang kwarto ako naroon ngayon. Dahil din dun ay mabilis akong napalingon sa paligid. Pero laking pagkadismaya ko nang makitang mag isa lang ako sa malamig na kwartong 'to at bakante ang pwesto sa tabi ko.
Hindi sa nag eexpect akong pagkagising ko may maganadang babaeng mala anghel ang mukha habang payapang natutulog sa tabi ko...
Pero ganon na nga.
As I could clearly remember last night; I took a few deep breaths before completely drowning in my dreams, staring at Thera's face which was just a few inches away from mine, while she was comfortably lying in my arms. I was smiling. It sounds like a dream, but it happened.
Last night really happened...
Mabilis kong hinila si Psyduck na nasa gilid ko lang at yun nalang ang niyakap ko ng mahigpit dahil sa kilig na biglang bumalot sa pagkatao ko. Halos madeform yung bibeng dilaw sa higpit ng pagkakayakap at pagkakapisat ko sa kanya. Kaamoy na kaamoy ni Thera.
Mas okay sana kung siya ang yakap ko ngayon, pero tulad nung unang beses kaming natulog magkasama, nagising na naman ako na wala siya sa tabi ko. Morning person siguro talaga siya at maaga siyang bumabangon. Pero kung iisipin kong mabuti at pagaganahin ko yung utak kong mahilig mag overthink...
Last night was different from the first night we slept beside each other. We almost shared something special, kung di lang dahil sa mga distractions. What if natuloy talaga? Hindi sa masyado kong bini-bigdeal yung nagising akong mag isa, pero...
Di niya parin ba ko hihintayin magising man lang at iiwan parin sa kama mag isa?
Pinakawalan ko si Psyduck nang umiral na naman kaka-overthink ko. Dahil napaka OA ko madalas, unti unti akong nakaramdam ng lungkot at pagka dismaya. If it really is something special, she'd stay beside me, like I would for her, kung ako mauunang magising saming dalawa.
What if...
BINABASA MO ANG
The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)
RomanceDisclaimer: This story is written in Taglish. Another disclaimer: It's bloody, wordy, and GAY. (Alexa, play Don't blame me by Taylor Swift) ---------------- For love, would you play the role of the hero or the villain? Killings have been happening...