Chapter twenty-one: Like a fever
---ᕕ( ᐛ )ᕗ
Nico's POV
Tangina ba?
"Oh ba't parang di ka makapaniwala diyan? Totoo nga, may crush ako kay Seri"
Hindi naman ako makapaniwalang tumingin kay Lincoln, ngiting ngiti pa ang hayop.
"I thought you like Sharlenne?"
Tanong ni Yugen
"May gusto rin siya kay Aden kaya it's a tie lang, tsaka naiirita na siya sakin so mag-move on nalang siguro ako"
Natatawa nalang na bumalik sa pagsusulat si Yugen at napa-iling.
"Ano naman nagustuhan mo dun sa panget na yun?"
"Panget daw, ganda niya kaya"
"Nagka-crush ka sakaniya kasi maganda siya? Tangeks attraction lang yan"
Napakamot naman siya sa batok niya.
"Oo nga, wala naman akong sinabing inlove ako ang sabi ko crush ko siya"
"Ah so paghanga lang?"
"Parang ganun"
Tumango-tango naman ako
"Oh nginingiti-ngiti mo diyan?"
"Wala, inaantok ako"
Sagot ko nalang at saka masayang dumukmo sa desk namin, attraction lang naman pala.
"Friday na, ano balak niyo bukas?"
"Baka umuwi ako sa bahay mamaya pagkatapos ng klase"
Napatingin naman ako sa pinto nang padabog itong bumukas.
"Mukhang bad mood nanaman si Caspian"
Rinig kong bulong ni Hannah nang pumasok ang sibangot na Caspian, kasunod nito yung kambal niya.
"Kung bad mood siya huwag siyang nandadamay ng iba, sarap ng tulog ko rito eh"
Bugnot kong sabi at pinatong yung baba ko sa kamay ko, pinikit ko ang mga mata ko at binalak na matulog pero may kung sinong herodes nanaman ang tumabig sa braso ko. Muntik pa akong masubsob.
Si Hamilton lang pala
May kausap nanaman siya sa cellphone niya at naglakad palabas ng room, lagi nalang siyang may kausap sa phone, wag mo sabihing may ka-bebe time siya?
Kaagad ko namang kinalabit si Lincoln
"Yung crush mo oh"
Sabi ko sabay turo ko kay Hamilton na nasa labas ng room
"Oh? Nu gagawin ko?"
Taka naman nitong tanong, oo nga naman bakit ko siya kinalabit?
Maya-maya ay bumalik na siya sa classroom at umupo sa tabi ni Aden, nasa likuran lang namin sila kaya rinig namin ang usapan nilang dalawa.
"Any updates?"
"They said they can handle it, but I know they just don't want me to interfere"
Sabi ni Hamilton at narinig ko pa yung tsk niya
"They don't trust me"
"They do, they just don't want you to get involved"
BINABASA MO ANG
The Pieces Of The Mafia's Heart
Teen FictionThey always say follow your heart, but what if your heart is shattered into million pieces... which piece do you follow? [Language: Tagalog]