Puntod (One Shot)

255 36 30
                                    

Isang linggo lang akong nawala sa school pero ang daming nangyari. Isang linggong pagkakasakit pero parang buong buhay ko ang nawala.

Ang sakit. Ang sakit isipin na pagdilat ko sa ospital, itong balita agad na to yung bumungad sakin. Wala na daw siya. Wala na siya.

Yung taong minahal ko sa loob ng tatlong taon, wala na. Yung taong nagpapasaya sakin sa loob ng maraming taon sa isang iglap, nawala. Nawala ng hindi man lang ako nakapagpaalam. Nawala nang wala man lang akong nagawa.

Ilang oras na kong nakaupo dito sa harap ng puntod niya pero hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Alam ko sa sarili ko na gusto kong umiyak, gusto kong ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko kaso pilit kong pinapalakas yung sarili ko. Kasi kung iiyak ako ngayon, baka habang-buhay na kong iiyak sa tuwing maaalala ko siya. Kailangan kong maging matatag. Alam ko, yun din yung gusto niyang mangyari.

Nakatitig lang ako sa pangalan niya. Sinasariwa lahat ng memoryang mayroon kami. Yung una naming pagkikita sa harap ng gate ng school, yung unang talsik ng pawis niya sakin. Yung unang ngiti niya na muntik ng tumama para sakin kaso hinarangan nung isang babae. Yung unang "hello" niya na dapat ako yung nakasagot kung hindi lang umepal yung kaklase kong bakla.

Lahat nanunumbalik sakin. Alam kong sa ginagawa ko, lalo akong nasasaktan. Pero ano? Ito lang yung tangi kong magagawa sa ngayon. Ito na lang. Hanggang dito na lang. Hanggang sa pag-alala na lang sa mga memoryang mayroon kami.

Muli akong tumitig sa lapida niya. Isang patalim na naman ang sumugat sa puso ko. Paano ako magpaparaya? Paano ko pakakawalan yung mga sandali naming dalawa kung ito na lang yung meron ako? Sabi nila, kung magmomove-on ka, kailangan mong pakawalan lahat ng memories at feelings. Para mas madali. Kasama ba yung pagkakataong to sa prinsipyo na yun?

Ang hirap. Nahihirapan ako. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang tanggapin to. Bakit? Bakit siya pa?

Kasabay ng pagpatak ng mga ulan ang pagpatak ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Kainis naman oh! Pinipigilan ko nga eh, kaso hindi mo pala talaga madadaya yung sarili mo. Kung meron mang isang tao na makakaintindi sayo, yun na yung sarili mo at Siya. Wala ng iba. It's only you and Him.

Bakit? Tanong ko sa Kaniya. Bakit po siya? Bakit ngayon na? Paulit-ulit kong tanong. Ramdam ko ang init ng mga luhang umaagos sa mga mata ko.

Alam kong wala akong karapatang magtanong ng bakit sa Kaniya pero wala eh, nasasaktan ako. Masakit na masakit. Yung kaninang tahimik na iyak, ngayon nagiging malakas na. Rinig na ang bawat paghikbi ko. Rinig na ang bawat pagsinghot ko sa uhog na nakikipagkarera sa mga luha ko.

"Lord, please give me another chance." Wala sa loob na sambit ko.

Habang binabanggit ko ang mga kataga na yun, parang niyog na pinipiga yung puso ko. Parang niyong na ginagata. Yung puso ko, pinapaluha.

Napapikit ako. Napahiling na sana, sana sa pagmulat ko nanjan siya sa harap ko. Makita at makausap. At sa huling pagkakataon, makapagpaalam.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakapikit. Umiiyak. Humikbi. Humahagulgol. Sumisinghot. Sa lakas ng ulan, namanhid na yung katawan ko.

"Lord, isa pang chance oh. Ngayon lang ako hihiling ng taos-puso. Pagbigyan niyo naman po ako," piping hiling ko sa Kaniya. Nagsusumamo na sana, sana sa huling pagkakataon makausap ko yung taong mahal ko na basta na lang akong iniwan.

Pagmulat ko ng aking mga mata, nagimbal ako sa aking nakita. Oo, hiniling ko to pero hindi naman biglaan. Wala man lang pasintabi. Nakita ko siya, nakakunot yung noo. Nakatitig sakin. Seryoso.

Napalunok ako. Be careful what you wish for. Lord naman, sana man lang nagwarning ka na ayan na, ibibigay ko yung hiling mo. Nakakagulat eh.

Natigil yung iyak ko. Huminto yung uhog ko. Hindi ko alam kung matatakot ako o matutuwa. Ilang beses kong ikinurap ang aking mga mata. Nandun siya. Nandun talaga siya. Nakatayo. Walang imik, tanging pagtitig lang sa akin ang ginagawa niya.

One-ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon