Betty's POV
"Inang, uhmm napag-usapan na po namin ni Nanay yung pagcocollege ko" sabi ko kay inang habang inaabot yung kanin
"Naku Biray ha tigilan mo na yang..." hindi ko na pinatapos si Inang at nagsalita na ako kasi alam ko naman din ang sasabihin niya eh
"Inang ba't ba yaw niyong pumayag? napag-usapan na namin yan ni Nanay at pumayag na siya" nakatitig lang sa akin si Inang habang nasa ere pa yung pinggan ng kanin
"Biray tama naman si Inang eh, makinig ka nalang. Delikado sa seyodad, maraming magnanakaw holdaper isnatser" tinignan ko si Badong na nagsasalita
"Pero nang..." hindi ko natapos ang sasabihin ko nang magsalita si Tatang "Ano ba! Nasa hapagkainan tayo" kaya napayuko nalang ako.
"O siya! Kung sadyang mapilit ka" agad akong napaangat ng tingin kang Inang "Ba't ko naman hahadlangan ang kung anong magpapasaya sa'yo?" dagdag pa niya
"Nang, pangako. Hinding-hindi ako gagawa ng bagay na ikakapahamak ko at ikasisira ng kinabukasan ko"
Si Inang ang ina ng nanay na nasa US ngayon kasama ang daddy ko. Si daddy ay amerikano at si nanay naman ay filipina.
Plano nila akong kunin pero di pa sa ngayon. Mayaman ang daddy ko, may sarili kaming companya at mga corporations.
Gustuhin ko mang sumama sa kanila ay ayaw naman ng Nanay. kasi daw, lalaki akong mabait at may takot sa diyos dito.
——
Nasa simbahan kami ngayon, actually isa kaming Seventh-day Adventist.
"Noong una, iniwan kami ng nanay mo. At ngayon, ikaw naman" napatingin ako kay Inang na biglang nagsalita habang nagmimisa
Hinawakan ko ang kamay ni inang, napatingin naman siya doon at saka marahan itong hinawakan pabalik.
"Mag-aaral lang naman po ako doon Inang eh"
Ngumiti si inang ng pilit kaya napangiti nalang din ako.
———-
"insan sigurado ka bang dito ka titira? Eh ang dami nang tao dito eh" tanong ni Badong habang hila-hila ang mga gamit ko "oo naman no" sagot ko
Nakatayo lang kami ngayon sa harap ng isang Boarding House, plano nila mama eh bumili nang bahay para sa akin dito sa Maynila
Pero saka na daw kung makakauwi na sila para sabay kaming bumili, next month narin naman yun eh
Kaya pagtyatyagaan ko nalang muna ang isang buwan na kasama ang mga Housemates ko.
Tumango lang si Badong, senyales niya para pumasok na kami kaya ganun din ang ginawa ko.
At...
"Oh dai churva! He's so yummy!"
"Yeah i know right!"
"Do you like my nail color?"
"Hey! Phoeb blowdrying is so nakakapatay ng hair"
"WAAAAHHH! tingnan mo nagreply si Chad waaahh!"
Ingay!
grabe
Super
Sobrang Ingay
Nakatunganga lang kami ni Badong dito sa pinto ng makapasok kami. Di man lang nila kami napansin sa sobrang ingay
Grabe ang ingay
"Insan, uwi nalang tayo" siniko niya ako habang bumubulong "Hindi, ok na ako dito" sagot ko sa kanya.
Itutuloy....
a/n: This will be so short :D :D i'll try to make atleast 10 chapters of this :)
BINABASA MO ANG
Si Probinsyanang Liberated ( slow-update )
Narrativa generale"I am a virgin" but it was a long time ago. A prequel sa isa kong story na Project SPG: Turuan ang Ignoranteng Makipagsex Do you know the real story of a loner slash nerdy type slash silent slash sweet at pagenius babe? I guess no HAHA :D her real n...