Kiera's POV
tinapik ko ang kanyang kamay."Baka po may makakita mahal na hari, baka kung anong isipin nila"
napaisip sya bigla.
"tama! May naisip na akong paraan!"
"haa?? paraan saan po?"
"Paano kung pagselosin natin ang mahal na hari?"
napataas ang kilay ko.
"Ikaw at ako? pagseselosin ang mahal na hari? nahihibang ka ba?"
"hindi, isa pa, tignan mo. Gwapo ako, isang dyos! napakaswerte mo pa nga kung tutuusin!"
"Hindi ka naman po mayabang nyan ano?"
"sinasabi ko lang naman ang totoo. Payag ka ba?" napaisip ako.
Wala namang mawawala eh.
"Sige, payag ako"
ngumiti siya ng pagkalaki laki
"ayan! puntahan na natin ang mahal na hari, magpaalam na tayo"
"magpaalam saan?"
"pupunta tayo sa kaharian ko, hindi ba't may gusto kang malaman?"
"ay oo nga pala!"
dali dali kaming lumangoy patungo sa kaharian ng mahal na hari.
Kumatok siya at binuksan naman ni delaila ang pinto.
"M-Mahal na Haring kupido!"
saad nya na may pagkagulat.
"Nasaan ang mahal na hari? gusto ko syang makausap"
"n-nasa kwarto nya po. Ihahatid ko po kayo"
"sige!" sagot ni Haring kupido
hinawakan ni Haring kupido ang aking kamay. siniko ko siya ng mahina
"kailangan may pahawak ng kamay?" bulong ko
"para kapani-paniwala" bulong nya pabalik.
Hindi na lang ako umimik,
"nandito na po tayo, mahal na hari" saad ni delaila. Kumatok siya ng mahina at pumasok.
"Ako na lang ang magpapaalam, sa labas ka na lang" tumango nalang ako.
Pumasok siya at naiwan kami ni delaila sa labas ng kwarto.
"Anong meron babaita ha? bakit may *ehem* paghawak ng kamay?" mapanuksong tanong ni delaila.
"Wala!"
"wala? dyos lang naman na napakagwapo at dyos ng pagmamahal ang humawak sa kamay mo at inaasahan mong maniniwala ako na wala lang yun?"
inirapan ko na lang sya
Kupido's POV
"Anong kailangan mo?"
pambungad sa akin ni Poseidon.
"Kailangan agad? HAHAHA pero oo, may kailangan lang ako"
"ano ba yun kupido?"
"hihiramin ko muna ang alipin mo ha? may pupuntahan lang kami"
"sino? si delaila?"
"hindiii!! si kiera! pupunta kami sa aking kaharian" napahampas sya sa isang mesa.
"Hindi! hindi pwede!"
"bakit naman hindi? alipin mo lang sya, isa pa, kasintahan ko na sya"
napakunot ang noo nya at halatang galit na galit.
"Kapag sinabi kong hindi, HINDI pwede."
"pero kasintahan ko na sya"
"Bakit sya? ang daming iba dyan, bakit sya pa?!"
"bakit hindi? eh sya ang nakapagbihag sa puso ko eh"
"Alipin ko sya, sa akin lang sya maglilingkod"
"tama. Alipin mo lang sya pero ako ang kinabukasan nya, ako ang papakasalan nya."
"Wag mong sabihin na isusuko mo ang pagiging dyos?"
"oo, kaya kong isuko ang lahat ng meron ako para sa aking minamahal. Ikaw ba Poseidon? Ano ba ang kaya mong gawin? ano ba ang kaya mong isuko?"
"lahat, maliban sa pagiging dyos."
"Bakit?"
"anong bakit? ang pagiging dyos -"
"bakit hindi? Hindi ba't kapag nagmahal ka, handa mong isuko ang lahat kahit na ang kapalit ay ang lahat-lahat sayo?"
napatahimik sya bigla.
"Siguro ay hindi ka takot mawalan, sadyang takot ka lang magmahal"
"Ako? si Poseidon, takot?"
"oo, kasi kung hindi, handa kang magsakripisyo at mawala ang lahat sayo para lang sa pagmamahal."
Napabubtong hininga siya.
"Hindi ako kasing tapang mo, Kupido"
tinapik ko sya sa balikat.
"Nasa saiyo naman yun kung magiging matapang ka o hindi. Gawin mo lang ang bagay na alam mo sa huli, hindi mo pagsisisihan"
(A/N: Sorry again, sobrang busy lang talaga!)
YOU ARE READING
Poseidon's Pearl
FantasyWhat if ang buhay mo ay nakasangla sa isang pasaway na diyos? What if ang mga ninuno mo ay mga alipin ng dyos at ikaw ang magpapatuloy ng pagiging alipin ng inyong lahi? what if ang babantayan mong dyos ay ubod ng gwapo?