IRINA
Maaga ng Lunes nakisabay na ako kay Ivan since sayang kung mamamasahe pa ako. Kumag na 'to dalawang araw akong ginawang body pillow. Hindi naman ako galit kaso...paano kung matuloy kami roon? Argh! Mahirap na noh!
"Mukha kang living emoticon diyan,"
"Che! Kasalanan mo kasi!" hiyaw ko sa kanya.
Na-trap kami sa traffic dito sa crossing, at halos hindi kami umaandar. Nakasarado ang binatana ng sasakyan namin since kung bubuksan ko'y usok ang masusulaok ko rito. Tapos nakabukas na rin ang air conditioner ng sasakyan kaya hindi ko na rin mabubuksan ang bintana.
"Ano ba ang pinag-aaralan sa narsing ha?" tanong niya.
"Hmm," nilingunan ko siya, "Marami," tugon ko.
"Katulad ng?" tanong niyang tumingin sa akin.
"Mga dapat kainin at hindi, mga emergencies kung ano'ng gagawin mo kapag that time, paano magsagip, ugali ng matatanda, pananatili ng moralidad mo, posisyon para sa mag-asawa, ukol sa kemikal mga toxicity at causes ng sakit, pagsasaulo ng buto at laman--"
"Teka nga muna." Pautos niyang natigilan tuloy ako.
"May hindi ka naintindihan?" tanong ko.
"Ano'ng posisyon para sa mag-asawa ha?"
Iyon talaga ang napansin?
"Sa lahat ng sinabi ko iyon pa ang pinansin mong kumag ka!" inis kong hiyaw sa kanya.
"Ano nga iyon? Paki-explain."
"Halimbawa mayroong mag-asawang gustong magka-anak tapos sinasabi namin ang dapat nilang posisyon para magka-anak."
Kung gaano katagal ang tigil namin sa traffic ganoon din ang tagal ng titig sa akin ni Ivan. Don't tell me nahulog siya sa paliwanag ko?
"Bakit nila tinuturo ang ganoon sa estudyante nila ha?" iritang tanong niya.
Jusko Ivan...
Ngumiti ako sa kanya kaso hindi ko napigilang hindi tumawa. Ang top one namin noon naniwala sa kalokohan ko.
"Irina,"
"Itsura mo top one aba!" sambit ko.
"Pero hindi nga? Sinasabi ng guro iyon?" tanong niya pa.
"Hindi ah!" tugon ko na pinisil ko na lang ang kaliwang pisngi niya.
Inilapit ko ang katawan ko sa kanya, at doon ko siya hinalikan sa labi. Wala akong nakuhang reaksyon kung hindi ang nakatitig siya sa akin.
"Nakakatuwang ako lang nakakakita ng ganitong side mo Ivan,"
"Akala ko seryoso ka sa sinabi mo ukol sa posisyon," wika niya na bumalik-tingin sa harapan.
Hindi ko tuloy sure kung nagalit siya this time.
"Kung wala tayo sa ganitong lugar," tigil niya saka tumingin sa akin, "Papasadahan na kita, at makikita mo kung ano'ng posisyon ang gusto ko,"
"Gagu!" sambit ko sabay hampas sa kanang braso niya.
"Pasaway ka kasi!" hiyaw niya sa akin.
Can't stop myself to laughed at him. Hindi ko expected kasi.
"Patawad. Hindi ko inaasahang maniniwala ka roon, akala ko alam mo rin."
"Kapag ang alaga ko nagalit...uuwi na tayo, at hindi na ako papasok." Banta niyang sabi.
"Ha?" nagutla kong tanong na tiningnan ko agad ang alaga nga niya.
It wasn't angry...yet. At nang tumingin ako sa kanyang mukha, there he was...smirking. Kumag.
"Ina-antabayanan mo talagang magalit noh?"
"Ano na naman ba binatak mo ha, Boss?" pang-aasar kong tanong sa kanya.
"Pabangong gusto mo saka ikaw," tugon niya na napansin kong iba ang titig niya sa akin.
Ito iyong sinasabi ng mga dalaga na once na tumitig saiyo ang minamahal mo na ikakatunaw mo. Physically hindi ako natutunaw pero emotionally...medyo. Staring contest kami ngayon since hindi ko rin alam ang sasabihin ko sa kanya.
"Staring contest na ba tayo ngayon hm?" narinig kong tanong niya.
Umiling ako saka bumalik-tingin sa harapan. Medyo kumukulimlim ang kalangitan kahit na mag-a-alas siete pa lang ng umaga. Na-ialis ko sa isipan ko ang panaginip kong iyon pero katulad ng kalangitan ngayon ay ganito rin ang nakita ko.
I hate to believe in my dreams lalo pa't tragedy ang mangyayari. Daig ko pa ang may sakit na tao, I feel abnormal...tapos may nagmamahal sa akin na perpekto na parang nananaginip lang ako.
"Paano kung mangyari iyong panaginip ko?"
"Na?"
"Ha?"
"Anong ha? Ano iyong panaginip mo?" tanong niya.
Teka, napalakas ba? Haaa...
Tumingin ako sa kanya. Ayakong mangyari sa kanya ang panaginip ko, "Nasa sasakyan din tayo at," kaya ko bang sabihin?
"At?"
"Nilalamayan ka na namin nina Tita," dugtong ko.
Naramdaman ko ang init ng kanyang kamay na ipinatong sa kaliwang kamay ko. Seryoso mukha niya nang inilapit sa akin saka bumulong na...
"Magpatalik ka na raw sa akin kasi."
"Gagu!" hiyaw ko sabay tampal ko sa kanang pisngi niya kaso hindi malakas.
"Ano na naman ba ang pinanunuod mo at natatakot ka sa nakikita mo ha?"
"Dati na akong ganito Ivan," seryoso kong sabi ngunit hindi ako nakatingin sa kanya.
"It's either mag-iingat ako sa kalsada or may sisingit na naman sa relasyon natin," wika niya na ikinatingin ko.
"Hypothesis mo?" tanong ko.
Ngumiti siya, "Siguro. Kung mangyayari iyong panaginip mong iyon, ano'ng gagawin mo?"
Simple.
Ngumiti ako sa kanya pabalik, "Wala ng makakakita pa ng katawan ko,"
Natahimik kaming pareha kaso nang itaas niya ang kanang kamay niya saka naramdaman ko na ang saltik ng kanyang pitik sa noo ko.
"Imbis na magpakasaya ka sa buhay mo kung anu-ano pinaplano mo."
"Sira ka, ikaw ang mahal ko tapos irereto mo ako sa iba!" hiyaw ko sa kanya.
"Alam ko. Pero kapag dumating ang araw kung ganoon ang mangyayari sa akin, mas gusto kong masaya ka sa piling ng iba kaysa pinutol mo ang kaligayahan mo dahil sa akin." Paliwanag niya.
Naramdaman ko ang hinlalaking kamay niya sa ilalim ng mata ko. Napaluha na pala ako.
"Hindi ko expected na mamatay ako since alam kong masamang damo ako."
"Sira ka," sambit ko.
"Nang nawala ka noong graduation. Nawala ang mabait na Ivan na kilala mo. But since naririto ka, pasalamat sila dahil nagiging maamong lobo ang Boss nila." Diin niya sa salitang boss.
"Maka-masamang damo ka eh, masungit na boss lang naman ang ginampanan mo," singit ko, at bumalik sa puwesto ko.
Naka-seat belt kaming pareha kaya panatag na rin ako na hindi mangyayari ang panaginip ko. Masyado lang akong negatibong tao at parang ang positibo'y walang pag-asa sa isang kagaya ko, gustuhin kong alisin sa kaisipan ko'y parang lalo lang nabalik.
"Hmm, mukhang worth it ang kuwentuhan ah!" narinig kong sabi ni Ivan.
Pagtingin ko sa kanya'y nakarinig ako ng isang malakas na pagsalpak mula sa likuran namin. Inalis ko ang seat-belt ko, alam kong mali pero ayakong mawala sa akin si Ivan...iyon ang totoo! That moment ay tumingin siya sa akin na nagutla pero doon na rin nagdilim ang paningin ko.
Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ・ᴀɪxɢʜ・Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ
BINABASA MO ANG
Imperfect
Aktuelle Literatur[OLD] Sa paglipas ng taon, nanatili si Irina bilang siya ngunit tanging pinagkaiba lang sa noong hayskul siya at ngayon ay lumalaban na siya pabalik. Malimit na biktima si Irina ng bully na hindi niya aakalain sa ikalawa niyang kurso'y hindi lang es...