Mag uumaga na pero tulala pa rin ako habang nakatitig sa kesame. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon nalang ang naging asta ko kanina. Ewan ko ba, ayaw kong mapalapit sa kanya pero may kung anong puwersang naglalapit sa aming dalawa na hindi ko kayang isawalang bahala nalang.
Bumangon ako at binuhay ang laptop. I typed Soulmate.
Sandali akong nagbasa ng mga articles pero ini- off ko rin kaagad dahil sa hindi ko iyon nagustuhan.
Padapa akong humiga sa kama at sumiksik sa ilalim ng unan. Soulmates, spiritual connections, reincarnations, parang history lang ng family namin ayon sa kwento ni Mama.
HIndi naman totoo.
Impossible. He's old.
Tumagilid ako at inabot ang cellphone.
ako:
Ilang taon na ba iyon bodyguard mo?
Pabagsak kong binaba ang cellphone nang maramdaman ang pagsisisi pagkatapos kong isend iyon kay Pat.
Pat:
Good morning to you too, Ysa!
Pat:
Sino sa kanila?
Nakagat ko ang labi ko nang mabasa ang magkasunod na reply ni Patrick. Pinadapa ko ulit ang phone at nagtakip ng unan sa mukha. Nakahiya! Ano ba itong pinaggagawa ko?
5:30 AM ay bumangon na ako para makapaghanda. Maaga dapat ako sa school dahil ilang oras akong maglilinis ng mga rest room. Kapag ganito pa namang alam ng mga student na may mag co-community service ay mas lalo nilang dinudumihan ang school.
Maliwanag na nang makarating ako sa school. Dumeretso kaagad ako sa janitor's room para sa mga gamit na panlinis pero nagulat ako nang makitang nakabukas na iyon. Hiniram ko kay Mang Dani ang susi kahapon kaya imposibleng siya ang nagbukas nito.
Tatawag na sana ako ng security pero hindi rin natuloy dahil nakita ko na si Marcus na naglalakad papunta sa kung nasaan ako— tulak-tulak ang cart na naglalaman ng mga gamit panlinis.
"You're early."
"Why are you here?" Sabay pa naming bigkas.
Agad bumungad sa akin ang multo ng ngiti sa kanyang labi. "I told you I can do it for you."
Huminga ako ng malalim para pigilan ang iritasyon. Maaga pa para ma badtrip, Ysa!
Pero hindi ko parin naitago ang pag-irap!
"Hindi naman ako pumayag, ah! Isa pa, ako ang may punishment dito. Ako ang estudyante rito, Marcus."
Mas lalo siyang nangiti dahilan para mas lalo akong mairita. Mukha ba akong nagjo-joke?
"Bakit?" I ask.
"You know my name."
Natahimik ako. Bakit ba big deal sa kanya iyon, eh, halos lahat naman ng kaibigan ni Patrick ay alam kung anong pangalan ng bodyguard niya. Isa pa, he's tall, gwapo, agaw pansin, kaya sinong hindi makakakilala sa kanya?
"Magkaibigan kami ni Pat, kaya ganoon." I rolled my eyes.
"Hmm."
Tiningnan ko siya ng masama. "It's none of your business, Marcus. We're not related, and we're not close. I can do my task here without your help."
"I know. I just wanna help." Ngumiti siya.
"Ayaw ko nga! Ang kulit."
Nabigyan ng tunog ang tawa niya. Umirap ako para ipakitang naiirita ako sa ginagawa niya. Ba't ang feeling close?