Chapter 1

195 5 0
                                    

_This one's for you, wherever you are._

Kanina pa ako nakatunganga sa harap ng tv. Wala kaming cable kaya iilang channel lang ang nasasagap ng signal. Wala sa sarili. Hindi ko na nga namalayan na wala na palang palabas. Matinis na tunog at malalapad na linyang may iba't ibang kulay na lamang ang lumalabas mula roon. Pero para pa rin akong tangang nakatulala doon na animoy nanonood ng makabag-bag damdaming palabas. Napapaisip ako sa nangyayari saken ngayon. May mga bagay kasi akong nararamdaman ngayon na akala ko ay hindi na babalik. Mga bagay sa nakalipas na apat na taon na akala ko ay nakalimutan ko na. Hindi pala. Napagtanto ko lang sa sarili ko na ang mga iyon ay nawala lang sa isip ko ng panandalian. At ito na ang panahon ng pagbabalik tanaw. Hindi ko talaga matatakasan ang katotohanan kahit pa napakagaling ko pang magtago.

Apat na taon! Puta! Binigyan lang ako ng apat na taon para matahimik. Hindi ko man lang naisip na isang araw ay bigla na lamang muling sasabog muli ang mga nagawang kasalanan nya saken ganun din ang kasalanan ko sa kanya. Nagtago ako dahil sa paniniwalang hindi na nya ako hahanapin. Patas lang ang kinahinatnan ng lahat samen kaya umasa ako na wala na dapat natitirang pakiramdam ni katiting na galit. Pero hindi. Dahil ngayong nabalitaan ko ang kalagayan nya ay doon ko lamang naisip na dehado ako at dominante sya. Kailangan kong gumanti. Kailangan kong makaganti. Hindi ako basta papayag na matapos ang lahat ng ganun ganun na lang.

Sa gitna ng pagiisip ko ay bigla na lamang pumatak ang luha ko. Magkahalong lungkot at galit ang nararamdaman ko.

"Bakit?!" ang tanong ko sa aking sarili. Bakit nya nararanasan iyon? Hindi nya dapat nararanasan iyon dahil walang ibang pwedeng magpahirap sa kanya kundi ako lang. Ako na walang ibang ginawa kundi ang mahalin sya noon. Pero nagdusa dahil sa kademonyohan nya. Pati na ng pamilya nya. Ako na nagpakatatag para sa relasyong binuo namen. Naging matibay para ipaglaban ang bagay na alam kong wala na. Ako noon na ultimo pag-iyak ay nagmimistulang napakalaking kapricho. Ni ayaw na halos pumatak ng mga luha ko noon dahil ayokong makita nyang nawawalan na ako ng pag-asa na maibabalik ko pa ang dati. Ayoko magpakita ng kahit katiting na kahinaan dahil pag nakita nyang susuko na ako ay siguradong katapusan na talaga namen. Nagtiis ako ng napakahabang panahon at nanalig sa relasyong alam kong ako na lang ang nakakapit. Marami akong tiniis para sa kanya. Pero bakit ngayon ay dadanasin nya ang isang bagay na makapagpapalaya sa kanya mula sa paghihiganti ko. Isa 'yong napakalaking kaululan. Hindi 'yon mangyayari dahil hindi ako papayag.

Pinipilit kong humanap ng paraan para pakalmahin ang sarili ko. Naglulumiyab ang galit ko sa apat na sulok ng tahanang ito na walang ibang laman kundi ako at ang dalawang musmos na nasa harap ko. Kapwa sila takot na takot sa nakikita nila. Magkayakap silang nakaupo sa isang sulok at panay ang pag-iyak na walang tunog. Awang awa ako sa kanila. Alam kong takot na takot sila. Pero hindi ko sila magawang tulungan dahil alipin ako ng isang demonyong naninirahan sa loob ng aking katawan. Ang tanging nagagawa ko lang ay ang bawasan kahit papaano ang galit na naipon sa loob ng napakahabang panahon. Hanggang sa makita ko na ang dalawang batang nakaupo sa isang sulok na kapwa nakatulog na. Sa kabila ng matinding poot na nararamdaman ko ay nagawa ko pa ring alalahanin ang kalagayan nila. Hindi nila dapat dinadanas ang mga ito mula saken. Kaya ilalayo ko sila.

Tumayo ako para buhatin ang dalawang bata at ihiga sa kanilang kwarto. Tahimik akong naglakad para hindi sila magising. Ngunit nang malapit na ako ay bigla na lamang nilang iminulat ang mga mata nila. Kapwa sila nagulat sa paglapit kong hindi nila namalayan.

"Tito?!" sabi ng pamangkin kong lalake na para bang nagaalala.

"Tito, galit ka pa ba?" tanong ng babae.

Ayaw kong magsalita ng anumang kasinungalingan sa kanila. Pero umiling na lamang ako para mapagaan ang loob nila.

"Doon na kayo matulog sa taas. Magaayos lang ako dito tapos susunod na rin ako sa inyo." sabi ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Clock Strikes TwelveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon