Kabanata 02

10 1 0
                                    

"Ma'am?" nawi-wirduhang tanong ng guard sa kabilang linya.

Bahagya akong natawa nang tumakbo papuntang bintana ang dalawang lalake saka tumalon palabas.

"Oww, no worries manong. They are already gone, sorry for disturbing you." Ibinaba ko na ang tawag saka pinatay ang aking phone.

Humarap ako sa babaeng nakaluhod pa rin at hindi makatingin ng diretso sa aking mga mata.

"What's your plan now, huh?" nakakaloko kong sambit.

"Why would I tell you?" Masamang titig ang ginawad niya sa akin bago tumayo at naglakad papalabas. "Try to tell this to daddy, and you will see."

"And what will you do if I tell them that you're going to leave this house for that guy?" tanong ko nang hindi tumitingin sa kaniya.

Nang hindi siya nagsalita ay natatawa akong bumaling sa kaniya. Namataan ko siyang gulat bagama't masama pa rin ang titig sa akin.

Nagsalita ulit ako, "What a reckless decision, are you out of your mind huh? Are you stupid?"

Nanggagalaiti niya akong dinuro. "You're the main reason why I wanted to leave this house! And yes, I'm stupid when it comes to him. I will always choose him over this fucking family!" asik niya sa akin.

Napa-buntong hininga ako bago nagkibit-balikat. "Your choice, go starve yourself with that idiotic guy."

Sasagot pa sana siya para umalma nang pinag-sarahan ko siya ng pinto. I turn off the light and go to the open window to close it. Natigilan pa ako nang makita ang dalawang lalake na kasalukuyang nasa taas ng puno dahil nakaabang sa kanila ang mga aso.

Kaya pala kanina ko pa naririnig ang pag-iingay ng mga aso.

I chuckled, they are currently fighting for their lives.

Isinara ko na ang bintana saka humiga sa kama. I get my earpods on saka ipinasak sa aking tainga at tinangay ako ng malamyos na musika sa mahimbing na pagkakatulog.

"You know them, Trina?!"

Kinabukasan ay nadatnan ko na lamang na nagtatalo si Daddy at ang kapatid ko kaharap ang dalawang lalaking nakayuko habang hawak ng dalawang guard namin.

Naka-suot na ako ng uniform at handa ng pumasok sa school tapos ito ang madadatnan ko?

"Again, kilala mo ba ang dalawang lalaking 'to?" tanong ulit ni Daddy.

"D-Dad, let me explain—" Napapikit na lang si Trina nang biglang sumigaw si Daddy.

"I'm asking you! It's a no or yes! I don't need your explanation!" palahaw ni Daddy na nagdala ng kaba sa dalawang lalake at sa kapatid ko.

"S-Sir, I'm at fault. It's not her fault, please don't treat her like that," biglang sabat ng boyfriend ni Trina.

I crossed my arms and look at them with a smirk on my face. This situation is exciting, what a beautiful morning for me.

"Shut up, I'm not talking to you." Bumaling ulit si Dad kay Trina saka nagsalita, "Did you know who are they?"

"Anak po kami ng kasosyo mo sa negosyo." Nakita ko ang pagkagulat ni Daddy nang sabihin iyon ng lalaking hindi ko kilala.

Pati ako ay nagulat sa sinabi niya.

"Who's your parents?" tanong ni Dad saka nameywang sa harap nila. Sinenyasan niya rin ang mga guard kaya binitawan ng mga ito ang dalawang lalake.

"We're both Villegas, mister Mallari," magalang na usal ng lalake.

Doon na ako tuluyang lumapit sa kanila at kunwaring nagulat nang makita ang dalawa. Napatingin naman sila sa akin saka namilog ang mga mata.

The Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon