Huminga ako ng malalim bago maglakad. It's been 2 years nung umalis ako sa Pilipinas. Sa 2 years na yun madami akong pinagsisihan, madaming luha ang nasayang. I migrated to paris to fix myself, to move on.
And now I'm back.
Flashback
I woke up early to fix myself. I'm so excited, it's our 1st anniversary and he asked me for a date.
I just want a simple date. Like, a date in a park. Eating some dirty ice cream and cotton candy, sitting at the bench and watching the kids playing and taking pictures.
I really love taking pictures because for me every happy memories should capture not only through cameras but also in our hearts.
I'm done fixing myself. It's already 2:30 Pm. And it's already time. I go downstairs and my smile automatically flash. I see the guy that makes me nervous every time he calls my name. The guy that made me feel butterflies in my stomach. The guy that I truly love.
"Let's go?" He asked.
Sumakay na kami sa sasakyan niya. He opened the door for me. Habang nasa biyahe kami nagtanong ako to break the silence.
"Ahmm, Bryce san tayo pupunta?"
"Just wait Sasha."
"Okay"
Huminto siya sa isang park. Ang park kung saan kami unang nagkita.
"We're here." Sabi ni Bryce
"Ang ganda talaga ng park na to. Napaka peaceful."
"Yeah right. Sasha upo muna tayo. May sasabihin lang ako."
Umupo na kami sa isang bakanteng bench malapit sa puno.
"Anong sasabihin mo Bryce."
"Nakikipag break na ko Sasha."
Wait. Anong sabi niya? Nakikipag break? Bakit?!
"W-what?!?" Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang luha ko.
"Nakikipag break na ko Sasha. Di na kita mahal. Nakakasawa ka. Actually di naman talaga kita minahal. Pinag pustahan ka lang namin ng mga tropa ko para sa isang sasakyan. Pinaglaruan lang kita. Pustahan lang 'to Sasha. Pustahan lang!"
I slapped him. My tears are starting to fall.
"Isa kang gago bryce. Napaka laki mong gago! Dapat di ako nagtiwala sayo. Di ka dapat pagkatiwalaan. I hate you! Leave Bryce! I want to be alone!"
"I'm sor--"
"JUST LEAVE!!" di ko na siya pinatapos. Umalis na siya. I burst out my cry.
"Be ready Bryce. Magsisisi ka. One day masasabi mo sa sarili mo na 'nagkamali ako di ko dapat siya niloko. Ang tanga tanga ko'" after kong sabihin yan umalis na ko sa park
Tinawagan ko ang mga katulong at sinabi ko na i-impake na lahat ng gamit ko. At nagpa book na din ako ng ticket papuntang Paris.
It's time to renew myself and change the old me.
End of the flashback
Nandito ako ngayon sa park. Ang park na saksi sa aking pagkakilig, pagiyak at pagtawa kasama siya.
"Ineng gusto mo ba ng ice cream? Mukhang malungkot ka eh" sa sobrang lalim ng iniisip ko di ko napansin na may cart na pala ng dirty ice cream sa harap ko.
"Sige po. Penge po akong isa" sabi ko
"Eto oh."
"Salamat po." Aalis na sana siya pero may sinabi siyang nagpagulo ng isip ko.
"Nagsisisi na siya ineng." Pagtapos niyang sabihin yun ay umalis na siya.
Sinong nagsisisi?
"Ang tanga tanga ko. Bakit ko siya sinaktan? Bakit ko siya niloko? Bakit ako pumayag na pag pustahan siya? Prinsesa ko siya eh. Nagkamali ako. Di ko dapat hinahayaan na masaktan siya. She's so precious. Sa dinami dami ng mga nagpapantasya sakanya ako ang pinili niya. Ako na sinaktan at niloko siya. Ang laki kong Gago!" ang boses na yun. Si bryce yun.
Mukhang di naman ako ang tinutukoy niya.
Aalis na sana ako sa Park pero...
"Mahal na mahal kita aking prinsesa, mahal na mahal kita Sasha Javier!" Omyghad! Ako nga tinutukoy niya.
Naramdaman ko na may tumulong luha mula sa aking mata. Sasha! Di ka pwedeng maging malambot ulit. Hindi pwede!! Niloko ka niya. Di siya karapatdapat.
Pumunta ako sa parte kung saan di niya ko makikita pero siguradong maririnig niya ko.
"Minahal kita pero sinayang mo ang pagmamahal na yun. Pinagpustahan niyo ko ng dahil lang sa isang pesteng sasakyan. Sinaktan mo ko. Pinagkatiwalaan kita pero ginago mo ko. Niloko mo ko. Isa kang walang kwentang lalaki. Ginawa mo kong isang laruan na madaling pinagsasawaan. Madaming luha ang nasayang ng dahil sayo. Oo gago ka. Tanga ka. Manloloko ka. MANLOLOKO KA!!" Lumingon siya ng may gulat na expression.
"S-sasha?"
"Oo, ang babaeng sinayang mo ng dahil sa isang pustahan."
After I said that words, I left him with a tear.