Chapter 18

90 4 0
                                    

TAKE ME BACK TO SEPTEMBER

CHAPTER 18:

Nagising ako nang makaramdam ako na para akong naiihi kaya bumangon ako. Natigilan ako nang makita kong nakahiga sa gilid ko si Gavin. Hindi sa higaan, nakaupo siya tapos nakahiga 'yong ulo niya malapit sa ulo ko.


Tumingin ako sa bintana, malakas pa rin ang ulan. Hindi ko alam kung may bagyo ba o ano.


Tumayo ako at nagulat ako nang hawakan ni Gavin ang braso ko.


"Nawiwiwi ako!" Hinaplos niya ang noo ko at nakita ko kung paano siya huminga nang malalim.


"Okay."


Tumayo ako at dahan-dahan na naglakad papunta sa banyo. Mabilis kong sinara ang pinto at saka nagbawas, umihi mga sis ah.


Lumabas ako ng banyo at nakita kong nasa balcony siya.


"Ayon lang ba ang dahilan kung bakit kayo naghiwalay?" Natigilan ako sa tanong niya.


Umupo ako sa kama at tinignan ang likod niya. Nakatalikod kasi siya kaya hindi ko nakikita mukha niya.


"Oo, at saka ayaw talaga sa akin ng magulang ng ex ko na 'yon. Siniraan yata ako."


Matagal siya bago nakasagot.


"Eli, are you talking about Mr. Chadwick Louis A. Rivera?"


Mabilis akong nakaramdam nang panginginig at hindi makapagsalita. Lumingon sa akin si Gavin at mabilis na lumapit sa akin at hinawakan ang magkabilang braso ko.


"Tell me." Tinignan niya ako sa mata.


Mabilis akong tumango dahilan para magbago ang ekspresyon ng mata niya.


"D4mn it."


"Kilala mo siya?" tanong ko.


Tumango si Gavin.


"Yes, kaaway namin ang pamilya niya sa business. Magkaaway ang magulang namin when it comes to business. Pero nag-uusap pa rin kami ni Chadwick tungkol lang sa company nila at sa amin. Kasundo ko naman si Chadwick. At nakita na kita before, kasama mo si Charlie. Nabanggit din sa akin ni Chadwick na kasal na nga raw siya sa iyo. That's why I didn't ask your name the first time that I saw you at the waiting shed."


Nanlaki ang mata ko, mabilis akong nalungkot nang banggitin niya si Charlie.


Natigilan kami pareho dahil sa lakas ng katok mula sa pinto ni Gavin. Mabilis na pumunta si Gavin sa pinto at may sinilip siya doon sa maliit na screen bago niya buksan.


"DUDE! NOOD TAYO NG CINE! NAKABILI AKO NG TICKET! LIBRE KO NA! A—"


TAKE ME BACK TO SEPTEMBER (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon