Nakasimangot si Ma'am Nisyel at may disgusto sa mukha habang pinagmamasdan ang pregnancy tests sa lamesa. Umikot ang mata niya. Tumingin sa akin at muling umirap. Bakas na bakas ang insulto at... disgusto sa kaniyang mukha.
Padabog niyang ibinaba sa lamesa ang pregnancy tests kaya naglikha iyon ng ingay na ikinagulat ko. "She's pregnant..." nakasimangot na saad niya.
Napaigik ako nang kaunti dahil sa lakas ng pagkakalapag niya sa pregnancy tests. Nagkalat ang tatlong magkakaibang brand ng pregnancy tests sa lamesa. At sunod nun ay wala na akong narinig na nagsalita pa.
Kinagat ko ang aking labi dahil ramdam ko ang pag-iinit ng bawat sulok ng aking mata. Maya maya ay mahina na akong humihikbi at agad akong dinaluhan ni Sir Silas. Tumayo siya sa aking tabi, hinapit ako sa aking bewang at idinikit sa katawan niya.
Mas lalong lumakas ang iyak ko dahil sa ginawa niya. Itinago ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib, wala ng pakialam kung mabasa ko ang tshirt niya na mahigpit kong kapit kapit gamit ang aking kanang palad.
"Sshh, it's okay..." dinig kong saad niya. "I will take care of you... and the baby," pagpapatuloy niya pa.
Inaamin ko na gumaan ang loob ko dahil sa sinabi niya. Pero hindi napawi lahat ng pag-aalala ko dahil kung buntis na ako. Paano na sila Inay? Baka tanggalin ako ni Ma'am Nisyel sa trabaho dahil galit na talaga siya sa akin.
Hindi pa ako nakakasagot sa kaniya ay ramdam ko ang paggaan ng pakiramdam ko. Umikot ang aking paningin at ang huli ko na lang natandaan ay bumagsak na ako sa bisig ni Sir Silas.
Hindi ko tiyak kung ilang oras akong nawalan ng malay tao. Nagising na lang ako nang nasa tabi ko na si baby Remi, matunog siyang dumedede sa kaniyang baby bottle na puno ng gatas.
"You're awake already," saad ng boses sa aking gilid na agad kong nilingon dahil medyo nagulat ako.
Nakita ko si Sir Silas na prenteng nakaupo sa kaniyang black na couch. Nasa kandungan niya ang kaniyang mamahaling laptop, walang suot na pangitaas at nakasuot ng black rimmed glasses habang mabilis na nagtitipa sa kaniyang laptop.
"S-Sir.." hindi pa ako natatapos sa pagsasalita ay pinutol na niya ako.
"The doctor just left. Said that you got so stress that's why you fainted. Don't worry, the baby is okay..." sabi niya habang nagtitipa pa rin, hindi man lang tumitingin sa akin.
Kumurap kurap ako at napatitig sa aking impis pa na tiyan. Buntis na talaga ako... Parang hindi pa rin ako makapaniwala. Parang sobrang bilis. Nag-init na naman ang bawat gilid ng aking mata pero agad ko ring pinigilan ang sarili ko.
"T-Tatanggalin na ba ako ni Ma'am Nisyel sa trabaho?" nag-aalangan na tanong ko. "Pwede ba pakiusapan mo siya na huwag ako tanggalin. Ayokong mawalan ng trabaho, wala akong maibibigay kanila Inay," mahinang saad ko.
Ngayon, tumingin na siya sa akin. Umiling siya at ngumisi. Tinanggal niya ang suot na salamin, binaba niya iyon sa center table bago tiniklop ang laptop at lumapit sa akin. Lumunok ako.
Tumigil siya sa gilid ng kama. Yumuko at tinukod ang kanang kamay sa headboard ng kama bago mas lalo pang bumaba. Magkaharap na magkaharap tuloy ang mukha naming dalawa at isang galaw na lang niya ay magdidikit na ang labi namin.
"You can't work anymore," mahina at paos na saad niya. Magpo-protesta na sana ako ako pero agad niyang nilagay ang kaniyang hintuturo sa aking labi, dahilan para hindi ako makapagsalita.
"You can't work anymore because you have me inside you... my child inside you, my baby," nanghihinang saad niya. Mariin siyang pumikit at pinagdikit ang noo naming dalawa.
Sa puntong ito ay bumibigat na rin ang aking paghinga dahil sa mga sinasabi niya. Bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa mga salita na lumalabas sa bibig niya at... dahil magkadikit kaming dalawa.
"P-Pero..." pinigilan niya muli akong magsalita.
"You don't have to worry at everything, baby... I will provide all of your needs. The needs of your family because it's all my fault," sabi niya. Marahan nang humahaplos ang hinlalaki niya sa aking pisngi at nagdudulot iyon nang kakaibang pakiramdam sa akin.
Hindi na ako umimik dahil wala na talaga akong masabi. Dinamdam ko lang aking bilis ng tibok ng aking puso at ang magkadikit naming balat.
Mapungay ang mata niyang nakatingin sa akin. Marahan akong napapikit nang pagdikitin niya ang labi naming dalawa na agad kong tinugon pero mahina akong napaungol nang paghiwalayin niya rin ang aming labi.
Ngumisi siya sa akin. "I'm sorry but there's a child inside the room," anas niya kaya naman dali dali kong tinanggal ang pagkakayakap ko sa kaniyang leeg.
Tinalikuran ko siya at nahihiyang ibinaon ang aking mukha sa unan niya. Narinig ko ang pagtawa niya kaya naman napangiti na rin ako.
Bumalik na rin agad si Sir Silas sa pagtipa sa kaniyang laptop. Naka-serious mode na ulit siya at kunot na kunot na ang kilay habang nakaharap sa laptop. Ngumuso ako. Hinarap ko na lamang si baby Remi na agad akong nginitian nang makitang nakatingin ako sa kaniya.
Binuhat niya ang isang libro na punong puno ng mga pictures ng animals, fruits at iba pa. Nakalagay doon ang names ng mga bagay. Ngumiti ako at kinuha iyon bago binuklat.
"Ball!" cute na saad niya nang tumapat ang bolang picture sa page na binuklat ko. Inilipat ko ulit sa kabilang pahina. "Dog and c-cat!"
"Hmm, what is this?" anas ko sabay turo sa apple figure na nasa libro.
Kumibot ang pink na pink na nguso niya. Tumingin siya sa akin saglit bago tinuro ang picture tapos tumingin ulit sa akin, punong puno ng pagtatanong ang mata.
Mahina akong natawa dahil kahit nakakunot ang noo niya ay mas lalo niya pa rin naging kamukha si Sir Silas. "This is apple. Yaya Aila gave you one of these every morning!" masiglang anas ko dahilan para tumili siya.
Tumayo pa sa kama at tumalon talon bago nagsisigaw, "Apple! Apple!" irit niya.
Lumapad ang aking ngiti. Mahina akong tumawa at inawat na siya sa pagtalon dahil baka mamaya ay mahulog na siya. Sumunod din naman si baby Remi, naupo na rin siya at binuklat buklat na lang ang aklat bago sinasabi ang pangalan ng bagay na nasa picture. Minsan mali ang pangalan na binabanggit niya pero tinatama ko rin siya.
Lumingon ako kay Sir Silas at natigilan nang makita siyang titig na titig sa akin. Pinapaikot niya ang ballpen sa kaniyang daliri habang pinapaglaruan niya ng kaniyang hinlalaki ang kaniyang labi.
Tumikhim ako. Tumayo na ako mula sa kama at tinuro ang pintuan habang nakatingin pa rin sa kaniya. Tumaas ang kaniyang makapal na kilay, nagtatanong.
Tumikhim muna ako bago sumagot. "Uhh, babalik na ako sa kwarto ko," anas ko. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya dahil naglakad na ako pero napatigil din agad nang magsalita siya.
"This is your room now," napapaos na anas niya na nakapagpalaglag sa aking panga.
__
hello, kumusta kayooo? it's been a while since I last updated, huhu. anyway, been busy because of practical research. ugh, ayaw ko na mag-aral! *nag-drop, emeeeeee. hopefully, matuloy ko na talaga itong story kooo. miss u all poooo. lovelots xx
BINABASA MO ANG
Single Dad Club: Tempt
Ficção GeralDahil sa hirap ng buhay ay napilitan si Aila Ramirez na magtrabaho sa Maynila. Iniwan niya ang buhay sa probinsya at nag-trabaho sa puder ng mga Montero. Ang akala niya ay magiging maid lamang siya na puro household chores ang ginagawa. Ang hindi n...