SPECIAL CHAPTER:SPECIAL DAY

527 10 0
                                    

ENJOY READING, HONEYS🦋

HERA woke up from her sleep when she felt something soft and warm thing trailing all over her face. Nang tuluyang bumukas ang mga mata niya ay doon niya nakita ang asawa niyang pinupugpog na naman ng halik ang buong mukha niya. Nang mapansin ni Clinton na gising na siya ay saka siya nito tuluyang dinaganan dahilan para mapailing na lang si Hera pero kalaunan ay napatawa siya nang kilitiin siya ng asawa through his lips, kissing her neck.

Kapagkuwan ay tumigil din sa wakas ang asawa niya. Nag-angat ito ng tingin, hindi parin umaalis sa ibabaw niya.

"Good morning," her husband's face was radiant.

Bahagyang kumunot ang noo ni Hera. "You look happy," puna niya.

Clinton's smiles widen even more. "Sinong hindi sasaya? Happy tenth anniversary, baby!"

Hera felt her heart beat faster than its normal. She still felt the same tremolant.  Lumamamlam ang mga mata niya habang nakatitig sa asawa niya. Today was indeed their tenth anniversary mula nang ikasal sila.

Bahagyang dumukwang si Hera upang bigyan ng halik sa labi ang asawa. "Happy anniversary, baby."

Sinupil ni Hera ang ngiti na gustong kumawala sa kaniyang labi nang makita ang pamumula ng tenga ng asawa niya kasabay niyon ay isinubsob nito ang ulo sa pagitan ng leeg at balikat niya. Awtomatikong umangat ang kamay niya sa buhok nito upang haplusin iyon.

"How could be an endearment baby makes me this weak and mushy?"

Hera heard her husband mumbled.

"I'm a manly-man, you know," sambit nitong muli pero sa malakas nang boses.

Hera chuckled. "Yes, you are manly-man. Why? Doubting yourself?" She teased.

She heard her husband groaned.

"Baby? Ngayon mo pa ba pagdududahan ang sarili mo e may dalawa na tayong anak pero kung ganun nga talaga, ayos lang naman sa akin tatanggapin naman—aray!"

Her husband just bit the skin of her neck. Kapagkuwan ay itinukod ni Clinton ang mga siko sa magkabilang gilid niya. Hindi maipinta ang mukha nito habang nakatingin sa kaniya.

"You are being weird again, baby. How could you think of your husband that way?"

Tinawanan lang ni Hera ang asawa. "Happy tenth anniversary, baby," ulit niyang bati.

She saw how his eyes softened then later on, he lean down and kissed her on the lips passionately, she kissed him back with the same.

A decade of being married to her husband, marami nang nagbago sa kanila or she better tell, they grew together. Marami mang taong nagdaan, isa lang ang sigurado siyang hindi magbabago o kukupas, iyon ay ang pagmamahal na nararamdaman nila sa isa't isa. Habang tumatagal ay mas lalo iyong tumitibay.

Nang maghiwalay ang mga labi nila ay nanatiling magkidit ang kanilang mga noo. Clinton's thumb was slowly caressing her cheek, his eyes was closed with serenity. While she was softly combing the hair above his nape. They enjoyed each others embrace for a moment. Both of them were silent, only the beating of their hearts was loud. Not until their two kids just barged in inside their room.

Parehas sila ng asawa na napailing. Clinton dropped little kisses on her lips, cheek, and lastly on her forehead before he got up.

Patakbong sumampa si Hiro at Rhea sa kanilang kama. Nasa siyam na gulang na si Hiro at malapit na ring mag-sampung taong gulang samantalang five years old naman ang bunso nilang babae na si Rhea.

Naupo si Hera at sumandal sa head board ng kama. Kaagad na niyakap ni Rhea ang ama nito at naglalambing na hinalikan sa pisngi samantalang naupo naman sa tabi niya si Hiro.

Desiring my Professor (Dark Series Book 1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon