22 - Appointments

3.9K 37 0
                                    

Chapter Twenty-two

Ang next appointment ni Sir David ay ang lunch meeting with Miss Beatrice Lim. Nauna kaming dumating sa napag-usapan na restaurant. Ito yong high-class restaurant na kinainan namin nina mama at Shaun noong graduation day ko.. the very last day na nagkasama-sama kaming tatlo. Hindi ko mapigilang hindi malungkot sa naisip.

Kumusta na kaya si Shaun? Mahigit isang linggo na kaming hindi nagkikita. After my surprise visit to his apartment ay nabusy kaming pareho. Enrollment week na din kasi niya ngayon. I fished out my phone from my bag and composed a text message for him.

Me: Hi, mahal! First day ko as the new secretary of my boss. Nandito kami ngayon sa isang lunch meeting. Kumusta ka na? I missed you!

I waited for his reply. Pero dumating na lamang yong kliyente namin ay walang message ni Shaun na dumating. I sighed as I put back my phone inside my bag. Busy siguro siya..

Napakaganda pala ni Miss Beatrice Lim sa personal. Isa itong sikat na print-ad model. Magtatayo ata ito ng sariling boutique kaya kinuha ang serbisyo ng Ferrer Construction. Kasama din nito ang secretary nitong parang mataray.

"Your new secretary looks young, David," Miss Lim commented upong seeing me. I can't help but raise my brow at that. So, first name basis sila? Magkakilala na sila.

"Yes, she's a fresh graduate. Kaibigan ni Cholo," matipid na sagot ng boss ko. He distributed the menu to us para maka-order na kami ng pagkain.

Hindi na nagsalita pa si Miss Lim, but I can feel her and her secretary's scrutinizing look. I did my best not to look bothered by it. I even meet their gazes and gave them a faint smile.

"Dave, are you free after this? Can we watch a movie together, hun? I don't have appointment anymore," ani Miss Lim sa boss ko after their business talks. She really must be someone close to him..

"I still have an appointment after this, Miss Lim," seryosong saad ng boss ko.

"Maybe after your appointment?" hindi parin sumusukong tanong ng babae.

Sir David stared at her with his face void of emotions. "I'm sorry, miss. I am only interested with things regarding business."

Miss Lim's shoulder slacked with the rejection. Ouch!

Pero hindi nga siguro ito marunong tumanggap ng pagkatalo. Galit nitong dinuro ang boss ko. "What's happening with you, David? Why are being so pakipot? Tell me, may bagong babae ka na ba?!" Nawala na ang composure nito.

My inner Marites became interested with the chika that I heard.. at nahawa na din ako sa pagiging conyo ng maarteng babaeng ito.

My boss' expression suddenly turned dark. "Wala kang pakialam kung may ibang babae na ako, Miss Lim. Matagal na tayong tapos. You are already a part of my past that is intended to be forgotten. So please stop following me around and treating me like we're still together." So, ex niya pala ang conyo na to.

Bago pa makasagot si Miss Lim ay tinalikuran na ito ni Sir David. Nagmamadali naman akong sumunod sa boss ko palabas ng restaurant. Naiwang nakanganga ang babaeng maarte at ang mataray nitong secretary.

"Sir, sandali lang po! Hintay!"

Parang natauhang binagalan ni Sir David ang kanyang paglalakad upang makasabay ako sa kanya. "I'm sorry, Miss Cruz." Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kanyang black sedan nang marating namin ang parking lot ng restaurant.

"Sir, ex niyo pala ang magandang model na yon?" feeling close kong tanong sa kanya habang nagda-drive siya papunta sa bahay nina Cholo. Pasensya na, kalahi to ni Marites!

"Unfortunately," hindi ko inaasahang sagot niya.

"Sabagay, kahit gaano pa kaganda kung ganun naman kasama ang ugali," hindi ko mapigilang komento.

Akala ko magagalit sakin si sir dahil sa katabilan ng dila ko, but he smiled at me instead. "Kung sana kagaya mo nalang na maganda na, mabait pa.."

I blushed with what he said. Gosh! Ilang beses na ba akong namula ng dahil sa boss ko?! Hindi na ako nakapagsalita pa hanggang dumating kami sa mansiyon ng mga Ferrer.

The automatic gate immediately opened upon scanning the car's plate number. High tech!

First time kong makapunta dito sa mansiyon nina Cholo. Napakaganda nito! Ang malawak na garden ay halatang alagang-alaga. Napakaraming naggagandahang mga bulaklak at halaman ang nakatanim doon. Their mansion looks like an Egyptian palace. Malalaki at magaganda ang beams nito at intricate ang designs ng archs. Kulang nalang ng costumes at parang nasa loob na kami ng Babylonian temple.

"Kuya David, my favorite cousin!" sinalubong kami ni Cholo sa labas ng pintuan ng kanilang mansiyon. Nasa tabi nito ang bestfriend kong si Zariah.

My boss rolled his eyes at him. "Ako lang ang nag-iisang pinsan mo, Pocholo," basag niya sa trip nito. Pareho kasi silang nag-iisang anak ng kanilang mga magulang. Dalawang magkapatid lang din sina Tito Patrick at Ma'am Portia.

Cholo just scratched the back of his head. "Cousin, this is Zariah Mae Leviste, my girlfriend," proud na pagpapakilala nito. "Babe, this is Engr. David Ferrer-Khan, my one and only cousin."

Sir David pulled Zari for a hug. "Welcome to the family, Zariah," he said, tapping her back.

Medyo nainggit ako sa eksena sa aking harapan. Nauna akong magka-boyfriend kaysa kay Zari, pero mas nauna siyang maging legal ang kanilang relasyon sa kanya-kanyang pamilya. Kami ni Shaun, kailan kaya?

"Bes! Buti sumama ka?" Zari greeted me with a hug.

"Wala naman akong choice noh! Dakilang secretary ako," nakaingos kong tugon.

Napailing nalang sina Sir David at Cholo sakin. "Mukhang nagkamali ata ako ng ni-recommend sayo, kuya. Baka makunsumi ka lang sa bagong secretary mo," bulong ni Cholo sa pinsan, na dinig na dinig ko naman.

"Hoy, narinig ko yon!" singhal ko sa kanya. Malakas ang loob ko kahit nasa pamamahay nila kami.

"Joke lang, bestfriend!" bawi ni Cholo habang iginigiya kami papunta sa theatre room nila. Libangan daw nilang magpinsan mula pagkabata ang panonood ng movies.

"Sir, bakit di niyo nalang isinama si Miss Lim dito? Diba niyayaya din kayong manood ng movie?" I suddenly blurted out, making my boss look at me with annoyance.

"Miss Lim? You mean, Beatrice Lim?" naiintrigang tanong ni Cholo. "Nagkikita pa pala kayo nun, kuya? Ayyiiee!"

Napasimangot si boss. He glared at me. I just laughed at him. "We just talked about business. Ayoko nang makausap pa ang babaeng yon kung hindi lang dahil sa trabaho."

Cholo just shrugged his shoulders with what his cousin said. "Sabagay, may bagong crush ka na kaya alam kong naka move-on ka na sa kanya."

To my shock, Sir David yelled at Cholo. "Isa ka pang matabil ang dila, Pocholo!" Nagulat talaga ako dahil nakilala ko ang aking boss bilang isang calm and composed na tao.

Mas lalo akong nawindang ng biglang sumigaw ang dalawang lalaki ng mag-umpisa na ang pelikulang isinalang ko sa component. Isa iyong horror movie at ang biglang paglitaw ng mukha ng isang tiyanak sa screen ang nagpasigaw sa dalawang machong matatakutin. Napailing nalang si Zariah sa boyfriend.

~~~

I would love to hear your thoughts. Please leave your comments below.
Please support my story by clicking the ⭐ icon. Thank you so much! ❤

Bawal na Pag-ibig (SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon