Chapter Twenty-four
Hindi ako nakatulog sa magdamag. Nakatulala lamang ako habang nakahiga sa kama, pero gising na gising ang aking diwa. My mind went to flashback my memories with Shaun. Inalala ng aking puso yong mga pangako niya sakin.. na siyang nagkumbinsi sakin noon na ipaglaban siya. I recalled him saying how much he loved me. I remembered even our steamy moments. Magdamag kong iniyakan ang pagwasak ni Shaun sa puso ko.
Nahihiya ako dahil alam kong naririnig ako ni David sa kabilang kwarto. Baka hindi siya makatulog ng dahil sakin. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko mapigilan eh. Kusang lumalabas ang mga luha mula sa aking mga mata, at mga hikbi mula sa aking lalamunan.
Pagsikat ng araw ay kinatok ako ni David sa aking silid. Hindi parin ako nakakatulog. Dahan-dahan akong bumaba ng kama upang pagbuksan siya ng pinto. Ngunit hindi si David ang nasa labas..
"Z-Zari.."
"Bes, tinawagan ako kaninang madaling-araw ni Kuya David. Puntahan daw kita dito sa condo niya," I can see concern in her eyes when she looked at me. Marahan niya akong hinila papasok sa silid at naupo kaming pareho sa kama.
"Ano bang nangyari?" she asked me softly.
"Bes, samahan mo ko," I said instead of answering her question.
Hindi na siya nagtanong pa at tumango nalang. Ganun parin ang suot ko kahapon dahil hindi na ako nag-abalang magpalit pa kagabi. Naghilamos nalang ako at sabay na kaming umalis sa unit ni David. Wala na ito doon at marahil ay nasa opisina na kaya hindi na ako nakapagpaalam.
I went back to Shaun's apartment.. this time ay kasama ko na si Zari.
Nandoon na si Chester at wala na yong babae doon. Shaun's expression hardened upon seeing me again. "Ano na naman ang ginagawa mo dito? May nakalimutan ka ba?"
To everybody's shock, I slowly kneeled infront of him. "Mahal, sabihin mo sakin kung anong kailangan kong gawin. Gagawin ko lahat, Shaun! Wag mo lang akong hiwalayan. Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka. Mahal na mahal kita, Shaun!"
I heard Zariah gasped behind me. Kagabi ko pa pinag-isipan to. Mahal na mahal ko si Shaun, at nakahanda akong gawin ang lahat para sa kanya.. kahit ang lunukin ang aking pride at magmakaawa sa kanya.
"Anong ginagawa mo, Charity?! Tumayo ka nga diyan!" he looked so frustrated seeing me.
I cried as I pleaded infront of him. "Parang awa mo na, Shaun! Gagawin ko lahat para mahalin mo lang ako ulit. Bigyan mo ko ng isa pang pagkakataon para patunayan sayo na ikaw lang ang mahal ko." Niyakap ko ng mahigpit ang kanyang baywang.
Ngunit binaklas niya ang aking mga brasong nakayakap sa kanya. "Tumayo ka nga diyan! Wag kang magmakaawa sa lalaki, Charity! Magkaroon ka naman ng kahihiyan sa sarili mo!"
Nang hindi parin ako tuminag mula sa pagkakaluhod ay muling nagsalita si Shaun. "Hindi mo ba maintindihan yong sinabi kong hindi na tayo magwowork-out, Cha?! Noon palang alam na nating pareho to, pinipilit lang nating ipaglaban kahit mali. Pero nakakapagod din pala. Ikaw, hindi ka ba napapagod? Kasi ako, pagod na pagod na ako!"
Napayuko ako. "Handa akong ipaglaban ka, Shaun! Alam mo yan! Pinanghahawakan ko lang yong mga pangako mo sakin noon na hinding-hindi ka bibitaw."
"Pwes, wala na ang mga pangakong yon! Sira na dahil bumitaw na ako! Ayoko na, Cha! Nakakapagod kang ipaglaban, alam mo ba?! Gusto ko ng magkaroon ng normal na buhay.. yong walang ikaw at yong mama mo na palagi kong isinasaalang-alang sa lahat ng mga desisyon ko." Shaun's words hit me like a bullet. Parang patalim na dahan-dahang humiwa sa aking laman. Parang cancer na unti-unting pumatay sa aking katawan.
BINABASA MO ANG
Bawal na Pag-ibig (SPG) COMPLETED
RomanceThe story of how young Charity dela Vega-Cruz fell inlove with her uncle, Shaun Ysmael dela Vega. WARNING❗: THIS STORY CONTAINS MATURE SCENES. Disclaimer: This is written in Taglish, or a mix of Tagalog and English. This is raw and unedited, so expe...