Talento
Written by: Gril18Ako ay may talento,
Nakakapagpasaya ng mga tao,
Talentado,
Nirerespeto,
At sige, isama na rin natin, matalino,
Masaya ako sa mayroon ako ngayon,
Oo, inaamin ko iyon,
Sobrang nagpapasalamat ako sa mga ibinigay sa aking pagkakataon,
Unti-unti akong nagkaroon ng pangalan,
Nakilala sa galing at husay ko,
Sa pag-arte sa entablado,
Sa pagsulat ng mga tula,
Sa pagpapalimbag ng sarili kong libro,
At siyempre, maging sa pagpapasaya ng mga tao,
Masaya ako,
Oo masaya ako sa mga nararating ko,
Masaya ako sa kung anong mayroon ako,
Hindi naman lahat nabibiyayaan ng ganitong talento,
Hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon,
Pero ewan ko ba kung anong nangyayari,
Pakiramdam ko unti-unti akong nawawalan ng gana,
Nawawalan ako ng interes,
Hindi na ako nakakaramdam ng saya,
Hindi ko na rin kayang magpanggap pa,
Hindi ko na kayang magsinungaling sa harap ng madla,
Kitang-kita na sa aking mga mata,
Ang matinding lungkot na aking nadarama,
Nasasaktan ako,
Nahihirapan nang lumaban sa hamon ng mundo,
Ang bigat na,
Sobra na,
Husto na,
Hindi ko na kayang magpanggap na kaya ko pa,
Pero ayokong maging mahina,
Ayokong kaawaan ako,
Ayokong bumaba ang tingin sa akin ng mga tao,
Pero hindi ko na kaya,
Punong-puno na ako,
Ano mang oras ay sasabog na ako,
Ayoko nang maging ganito,
Gusto ko na lang maging normal at walang talento,
Yung malaya kang makakaiyak kahit kailan mo gusto,
Yung hindi nila iisipin na para ito sa trabaho,
Yung yayakapin ka nila nang mahigpit,
Yung patatahanin ka,
Yung hindi ka iiwanang mag-isa,
Nakakapagod,
Nakakasawa na,
Gusto ko na lang muling bumalik sa dati kong buhay,
Yung walang pumapansin sa akin,
Yung hinahayaan lang ako sa isang sulok kahit na umiiyak na ng dugo,
Gusto kong maging mahina na walang ibang humuhusga,
Ayoko na munang umarte sa entablado,
Ayoko na munang pagtugmain ang mga letra at bigkasin ito,
Pagod na ako,
Pero ang pagtigil ba sa talento ko ang susi ng lahat?
Ito ba yung magpapasaya sa akin?
Makukuha ko ba yung katahimikan at kapayaan na hinahanap ko?
Magiging masaya ba ako rito?
Hindi ko na alam,
Naguguluhan na ako,
Sana may tumapik sa balikat ko,
Sana may yumakap sa akin nang mahigpit at iparamdam na mahal ako,
Sobrang nakakapagod at nakakaligaw ang madilim na mundong ito,
At kailangan ko ng kasama,
Yung masasandalan,
Yung maaasahan,
Yung hindi ako basta iiwan,
May talento man ako o isang pangkaraniwan.
BINABASA MO ANG
Spoken words poetry-tagalog
PoésieGinawa ko ang librong ito para mailabas ang sakit na nararamdaman dulot ng kanyang paglisan. Akala ko masaya pa siya ngunit gusto na pala niyang humanap ng iba. Pinaglalaban ko pa pero sumusuko na, minamahal ko pa pero nasa piling na ng iba.