Panimula

21 3 1
                                        

Ang istoryang inyong mababasa ay kathang isip lamang at hindi sineseryoso.

***

It Started With?

WRITTEN BY: CHINIKKOSKA

Panimula

Haysss, simula na naman ng araw, at grabe ang tamad ko.

Paano ba naman kasi, pasukan na naman.

Sobrang boring, puro lang naman "introduce yourself" kahit na magkakakilala na naman kami.

At eto pa, wala akong nakikitang pogi kaya paano ako gaganahang pumasok kung wala akong inspiration?

Hayss talaga.

Habang palabas ako ng gate namin, may biglang nangahas na pumalo sa balikat ko kaya hindi ko naiwasang mapamura.

"Ang putangina naman, ano ba?!" mura ko habang hawak ang balikat na pinalo ng magaling kong kaibigan na ngayon ay tumatawa.

"Kumusta ka na? Lalo kang pumuti saka gumanda, ah. Saan ba kayo nagbakasyon ng pamilya mo at nang mapuntahan ko rin ha!?" tanong sa akin ng best friend ko na si Samantha habang ang dalawang palad ay nakahawak sa magkabila kong pisngi.

"Para kang ogag talaga, eh no? Pwede ka namang mangamusta nang hindi namamalo, 'di ba?!" saad ko pero hindi niya iyon pinansin.

"Tapos namumula rin ang pisngi mo at ang labi mo. Grabe, sobrang ganda mo, oy! Blooming na blooming, ah," saad pa niya.

"OA na, sis. Parang dalawang linggo lang akong nawala rito tapos makapag-react ka diyan," sabi ko at nagsimula na kaming maglakad papuntang school dahil malapit lang naman. Nagkuwentuhan kami tungkol sa mga nangyari sa bakasyon namin.

Papatawid na kami sa school gate nang mapahinto kaming dalawa ni Samantha. Paano ba naman kasi, naroon si crushie niya na si Benedict kasama ang isa pa niyang asungot na kaibigan na si Jian.

Si Jian ang palaging dikit nang dikit sa akin 'pag nakikita niya ako.

Kaya naman, bago pa nila kami makita ay hinila ko na agad si Samantha papunta sa school gate.

"Halika na, Sam!" natataranta kong saad dahil papunta na sila sa amin. Eto na nga ang isa sa dalawang itlog, kumakaway pa.

Hindi ko sila pinansin at patuloy lang sa paghila sa tulala at tila wala sa sariling si Samantha nang may mabigat na braso ang umakbay sa akin.

Kaagad ko namang tinanggal ito dahil ang bigat talaga.

'Putek, lahat ba ng kinakain niya, doon dumidiretso?'

"Ang tagal mong nawala, ah..." malambing na ani ni Jian habang hinahaplos ang pisngi ko.

"Ano ba?!"

Inis na tinampal ko ang kaniyang kamay at iniwan na si Samantha roon.

"Wait for me, my love!" sigaw naman ng gungong na si Jian, pero hindi ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad.

"Hey, you look really, really beautiful," ani Jian na nakasunod sa akin na parang aso.

Hindi ko na siya pinansin pa at dumiretso na ako sa room namin. Huwag niyo nang itanong kung nasaan ang matino kong kaibigan.

Umupo na ako sa pinakadulong upuan para makatulog habang wala pa ang aming guro. At ayun na naman si Jian, umupo agad sa katabi kong upuan at kinalabit ako kaya napalingon ako sa kaniya.

"Here," saad ni Jian sabay abot sa akin ng color red na box, "Don't worry, this isn't an engagement ring!" dagdag pa niya habang nakangisi nang nakakaloko sa akin.

"Anong gagawin ko riyan?" saad ko, hindi tinanggap ang binigay at bumalik ulit sa pagkakatulog.

"Huy, dali na, tanggapin mo na 'to. Pinacustomize ko pa naman 'to," malungkot niyang sabi pero hindi ko na siya pinansin pa at natulog na ako.

Narinig ko pa ang buntong-hininga niya bago ako tuluyang nakatulog, pero hindi pa man nagtatagal ay nagising ako sa ingay ng mga kaklase ko, hudyat na naroon na ang teacher sa oras na ito.

Natapos ang unang subject namin na puro pagpapakilala lamang hanggang sa nag-break time na.

During our break, kapansin-pansin ang pagiging tahimik ni Jian at parang wala sa sarili. Hindi ko na lang siya pinansin dahil baka nagtatampo siya dahil hindi ko tinanggap 'yung binigay niya.

Uwian.

"Hay, sa wakas, natapos din," ani Sam habang nag-iinat. "Best, kita mo 'yung mga transferree kanina? Grabe ang lalakas ng dating!" ani niya.

Hindi ko naman mapunto kung sino ang mga tinutukoy niya dahil wala naman akong pake, hehe.

Habang papalabas kami ng gate, ay kataka-taka ang mga kumpol ng mga girls malapit sa gate.

Ano kayang meron?

Papalapit pa lang kami ay nakikinita ko na ang mga matatangkad na mga lalaki— ng biglang may humila sakin, napatingin naman ako kung sino yun at napasimangot na lang ako ng makita ko ang pamilyar na ngisi ni Jian.

"Ano na naman ba?!" Inis na sabi ko, pero sa loob-loob ko ay may konting relieved dahil ngumiti na siya.

"Please," naka-pout niyang sabi sabay lahad ng pulang box sakin.

Umirap ako sabay hablot sa kaniya ng box.

Oa na napa-yes naman siya saka ako inakbayan na agad kong inalis at saka sabay-sabay na kaming lumabas sa gate.

***

Thank you for your support for those who read my story even if every chapter is short, thank you.

If you like this chapter please VOTE and COMMENT, if there's a typography error.

Thankyou 🥰, your beautiful author

Chinikkoska.

See you in next chapter 😉

It Started With?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon