Chapter 9

780 26 2
                                    

Hindi pa rin ako makapaniwala na dito na ako matutulog sa kwarto niya. Sa kwarto niya na mas malaki pa ata sa bahay namin sa probinsya. Napanguso ako bago nilibot ang tingin sa loob ng kwarto.

Halos lahat ng gamit niya ay itim talaga. May mga puti pero bilang lang. Ang kurtina na nakatakip sa malaking glass wall ay kulay grey, mataas iyon at tumigil lang sa lapag. Pati ang couch at center table niya ay itim, isama na rin ang comforter, pillow case at ottoman niya.

Antok na antok na si Remi sa tabi ko. Ako ay hindi pa nakakaramdam ng gusto sa pagtulog dahil ala una na ako nagising kanina at nahimatay pa ako dahilan para makatulog ulit ako. Si Silas naman... nagtitipa pa rin sa laptop niya at kunot na kunot ang noo. Hindi ba sumasakit ang mata niya kakatutok sa gadget?

"Mag-sleep na ikaw?" malambing na tanong ko kay Remi. Hinaplos ko ang pisngi niya para tanggalin ang buhok na nakadikit sa kaniyang pisngi.

Umungot siya nang kaunti bago pipikit pikit ang mata na yumapos sa akin dahilan para mapangiti ako. Ang cute cute naman. Para tuluyan siyang makatulog ay pinampam ko ang kaniyang puwitan. Hindi naman nagtagal ay nakatulog na rin siya.

Tumayo ako at naglakad papuntang comfort room dahil kanina pa talaga ako naiihi. Hindi man ako nakatingin ay ramdam ko pa rin ang pagsunod ng tingin ni Sir Silas sa akin hanggang sa makapasok ako sa loob ng comfort room.

Saglit lang naman ako sa loob. Lumabas din agad ako pero nagulat ako nang makitang wala na si baby Remi sa loob ng kwarto pero... si Sir Silas ay nasa couch pa rin, parang hindi gumalaw.

"S-Si baby Remi?" nag-aalangan na tanong ko sa kaniya. Dumiretso ako sa kama at naupo doon.

Tumingin siya sa akin. "I moved her to her room, baby.." seryosong saad niya sa akin. Agad na namula ang aking pisngi dahil sa tinawag niya sa akin.

"O-Okay. Matutulog na ako," sabi ko na lang kahit hindi pa ako inaantok. Nagpanggap akong hihiga na sa kama pero napatigil ako nang marinig ko siyang tumayo kaya naman hindi ko na natuloy ang gagawin ko.

Lumapit siya sa akin. He's towering over me kaya naman kailangan ko pa tumingala para makatinginan siya sa mata. Lihim akong napanguso.

"You should drink your milk and vitamins first," sabi niya sa akin. Inilahad niya sa harapan ko ang palad niya.

Tinignan ko iyon bago ko binalik ang tingin ko sa kaniya. Kinagat ko ang aking labi at pinagpatong ang aming kamay. Ngumisi siya sa akin kaya ramdam ko na nag-init ang aking pisngi.

Lumabas kami sa kwarto niya. Dumiretso kami sa kusina at nakita ko doon ang dalawang malaking box ng gatas pati ang isang box ng gamot. Kumunot ang aking noo.

"P-Pero diba hindi pa ako nakakapagpa-check up? Bakit may vitamins agad?" nagtataka na tanong ko.

Kumuha siya ng babasaging baso at inilapag iyon sa counter top bago humarap sa akin. Humilig siya at pinag-krus ang kaniyang braso. "Our family doctor check your situation earlier. Don't worry, he's trustworthy," nakangisi na saad niya sa akin.

Napalunok ako at tumango. Medyo nahiya ako dahil parang hindi ko pinagkakatiwalaan si Silas dahil sa inasal ko. Kinagat ko ang aking labi bago naupo sa upuan.

"If you're craving for something, tell me..." biglang sabi niya. Tumingin siya sa akin habang nagtatakal ng powdered milk. "Don't hesitate to tell me all your wants and... needs," anas niya.

Ako lang ba o may ibig sabihin 'yung 'needs' na sinasabi niya? Kinagat ko ang aking labi at winaglit na lamang sa aking isipan ang naiisip kong kabastusan. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi.

Pagtapos kong inumin ang gatas at vitamins ay bumalik na rin kami sa kwarto. Ako ay dumiretso sa kama habang siya ay balik na naman sa pagtitipa sa kaniyang laptop. Nanatili lang akong nakatulala sa kaniya, paminsan minsan ay tumitingin din siya sa akin bago ngumingisi hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

Single Dad Club: TemptTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon