Chapter 44

24.4K 873 232
                                    

Third Person's POV

Halos hindi nakakibo sina Heiro sa sinabi ni Brizto. Masyado silang nagulat sa naging desisyon ng Elemental Ministry sa kalagayan nina Fire.

Nandito pa rin tayo sa eksenang ito. Dito pa rin sa loob ng Elemental Hall kung saan hindi na nagiging maganda ang takbo ng pag-uusap ng mga Elemental Heads at Elemental Ministry.

"Brizto, 'wag tayong padalos-dalos sa pagdedesisyon. Mga bata lang sila at hindi dapat humantong sa ganito," sabi ni Heiro na akala mo ay talagang isa siyang ama na nag-aalala sa kalagayan ng kaniyang anak. Gano'n katindi ang attachment niya kina Aria. Ayaw niyang mamatay sina Aria at Fire dahil kahit noon pa man ay tutol na rin siya sa batas ng Elemental World. Kahit na alam niyang mali ang ginagawa nina Aria ay hindi niya pa rin matatanggap na bigla na lang mamamatay ang dalawang bata na wala namang ibang ginawa kundi ang magmahal lang naman. Tarush!

Ang totoo kasi niyan ay nakikita ni Heiro ang katauhan niya kina Fire. Nagtatanong ka ba kung bakit? Hindi naman dahil sa pisikal na anyo ang tinutukoy ko. Hindi porke gwapo si Fire ay kaya nakikinita ni Heiro ang sarili niya dito. Hindi gano'n. May mas malalim pang dahilan. Mas malalim pa kumpara sa balon na pinaghuhugutan ni Aria ng mga kadramahan niya.

May nangyari kasi noon kina Heiro at Shebah na siyang naging dahilan kung bakit tutol sila sa desisyon ng Elemental Ministry na patayin sina Aria.

Sina Heiro at Shebah ay tulad din nina Fire at Aria. Nagtataka ka kung paano naging katulad nina Fire at Aria ang kalagayan nina Shebah at Heiro noon? Ganito kasi 'yan.

Pareho silang nagmamahalan noon oo totoo. Nagmamahalan silang dalawa kahit masakit sa urinary bladder na tanggapin 'yon wala kayong magagawa dahil 'yon ang totoo pero dahil nga isang earth person si Shebah at air person si Heiro ay inihinto na nila ang kung ano man ang nararamdaman nila para sa isa't-isa. Masyado silang masunurin sa batas ng Elemental World. Hindi nila pinili ang lumaban o ang tuluyang labagin ang batas dahil nga ayaw nilang maging makasarili. Kumbaga, para sa kanila ay mas okay pa na sila ang maghirap kaysa madamay pa ang Elemental World sa kahibangan nilang dalawa.

Hanggang sa mas pinili na lang ni Heiro ang magpakasal kay Awen at bumuo ng isang pamilya at nagbunga ang kanilang pagsasama. Iyon si Zephyrus.

At si Shebah? Simula noong naghiwalay sila ni Heiro ay hindi na siya nagmahal ng iba. Hindi siya nag-asawa. Para sa kaniya ay si Heiro lang ang mamahalin niya. Wala nang iba. Kahit na nasaktan siya sa ginawa ni Heiro ay mahal niya pa rin ito at hindi ipagpapalit.

Kaya pala mukhang miyembro na ng kulto si Shebah dahil habang-buhay na siyang nagluluksa sa namatay nilang pag-iibigan ni Heiro. Kaya gano'n na lamang ang pag-intindi nilang dalawa sa pinagdaraanan nina Aria at Fire.

O ngayon, alam niyo na ang kwento sa makabasag pusong pagtutol ni Heiro at ang kwento sa likod ng itim na damit ni Shebah. Balikan na natin ang eksenang kasalukuyang nagaganap.

"Hindi ka ba sang-ayon sa desisyon namin, Heiro?" tanong ni Brizto na nag-uumpisa nang makaramdam ng galit sa pagpoprotesta ni Heiro. Alam naman ni Brizto na hindi talaga sang-ayon si Heiro kasi halata naman iyon sa kaniya. Kaya lang, si Brizto kasi ang tipo ng tao na kung ano ang batas, 'yon ang susundin niya. Wala siyang pake kung bata ba ang mapapahamak o anak pa 'yan ng Diyos at Diyosa dahil para sa kaniya, ang batas ay batas.

"Ang sinasabi ko lang ay hindi dapat humantong dito. Isa pa, nasa kanila ang elemental stones," sagot ni Heiro na agad namang ikinatawa ni Brizto. Natural, alam niya ang tungkol sa Elemental Stones dahil isa siya sa Elemental Ministry. Alam niya rin na mamamatay ito kapag namatay ang nagmamay-ari ng elemental stone at kapag nangyari 'yon ay pwede itong bigyan ni Valgemon ng itim na kapangyarihan. Pero alam niya rin na hindi 'yon sapat na dahilan para hindi sundin ang batas na meron ang Elemental World.

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon