Poseidon's POV
"Pumapayag na ako"
napatingin sa akin si Kupido.
"Pumapayag na ako na dal'hin mo sya sa iyong kaharian pero bago iyon, papuntahin mo muna sya dito. Gusto ko lang siyang makausap"
"o sige" Narinig ko ang tunog na nagpapahiwatig ng pagsara ng pinto.
Kiera's POV
Habang naghihintay kami ni delaila, bumukas bigla ang pinto at lumabas si Haring Kupido at nagtama ang aming mga mata.
"Pinapatawag ka ni Poseidon sa loob."
tumango na at papasok na sana ngunit nagsalita syang muli.
"Pumayag na sya na sumama sa ka sa akin sa aking kaharian. Pagkatapos nyong mag usap ay mag impake ka na babae"
"opo, mahal na hari." sagot ko sabay pasok sa kwarto ni haring Poseidon.
Lumakas bigla ang tibok ng aking puso ng makita ko ang makisig na likod ng mahal na hari.
Kahit ang kanyang matipunong likod ay nakakaakit.
"*ehem* pi-pinatawag nyo daw po ako mahal na hari?"
"Kayo na pala ni Kupido?" tanong nya.
Humarap sya sa akin at nasilayan ko ang kanyang asul na mga mata, matangos na ilong, mapupulang labi.
Napakaperpekto nya.
At dahil sa pagiging perpekto nya, imposibleng maging akin sya.
Napabuntong hininga na lang ako.
"o-opo, mahal na hari."
Unti unti siyang lumapit sa akin at siya namang paglakas lalo ng tibok ng aking puso.
"Maligayang pagbati mula sa akin. *sabay ngiti* Nawa'y magtagal kayong dalawa"
hindi ko alam pero.....nasaktan ako dahil sa pagbati nya.
Yun na ba yun? Wala lang ba yung mga pag-aalala nya sa akin dati? wala bang ibigsabihin yun?
Gustong gusto ko syang tanungin ngunit hindi ko kaya.
"Sa-salamat po mahal na hari"
pilit kong pinipigilan ang sarili ko sa pagluha lalo na't nasa harap ako ng mahal na hari.
"May gusto lang akong sabihin sayo bago ka umalis"
"a-ano po yun?"
lumapit sya lalo sa akin at napapikit na lang ako
"S' agapó, skláva mou" bulong nya.
"p-po?"
"Wala. Maaari ka nang umalis"
sabay tumalikod ulit siya.
Lumabas ako sa kwarto nya habang may pagtataka.
Ano yung sinabi nya?
Poseidon's POV
Lumabas siya ng kwarto ko at napabuntong hininga na lang ako.
S' agapó, skláva mou.
Pero mukhang huli na ang lahat.
Mukhang hindi na pwede.
"delaila!"
dali daling pumasok ang isa sa aking alipin.
"m-mahal na hari, ano pong maipaglilingkod ko?"
"Iimpake mo ang gamit ko, may pupuntahan ako."
Someone's POV
"pakawalan nyo ako, ano ba?!" Sigaw ni shalla, ang isa sa alipin ni poseidon.
"Manahimik ka shalla. Hindi mo ba napapansin? ang dyos na iyong iniibig ay may minamahal na! HAHAHAHA!"
Napaunok siya at may tumulung likido mula sa kanyang mga mata.
"Yan! tama yan! umiyak ka! HAHAHA! mahinang nilalang!"
Kinuha ko ang aking latigo at saka hinampas siya.
Napadaing siya dahil sa sakit na akin namang ikinatuwa.
"Kung sana ako na lang ang iyong minahal, e hindi ka sana nahihirapan ngayon! HAHAHA!" sabay hampas ulit.
"H-hinding hindi kita mamahalin, kailan man hindi!" nagpantig bigla ang tainga ko dahil sa aking narinig.
Hinawakan ko ang mahaba niyang buhok at saka siya itinapon sa pader.
Dahil sa lakas ng impak, sumuka siya ng dugo.
Gamit ang aking kapangyarihan, napunta ako sa harap nya ng wala pang segundo at saka siya sinakal.
"Bago kita patayin, paliligayahin mo muna ako."
sabay halik sa kanya ng mariin.
Nagpupumiglas siya ngunit wala siyang magawa.
Tinanggal ko ang kanyang damit at sinimulan ang matagal ko nang nais na magawa.
YOU ARE READING
Poseidon's Pearl
FantasyWhat if ang buhay mo ay nakasangla sa isang pasaway na diyos? What if ang mga ninuno mo ay mga alipin ng dyos at ikaw ang magpapatuloy ng pagiging alipin ng inyong lahi? what if ang babantayan mong dyos ay ubod ng gwapo?