Chapter 20 Phoenix

47 1 0
                                    


ERIN'S POV

'Urrrggghhhhhhh!!!! Sakit ng ulo kooooo! Shete!!!!!" Sigaw ko dito sa kwarto. Kasama ko si Zia na gising na pala at nakaupo sa kama habang nagtetext. Nandito pa din kami sa bahay nina Eros.

"Oy wag ngang maingay! Alam kong masakit, sa dami ba naman ng nainom natin kagabi. Pero hindi mo kailangang sumigay diyan Erin. Tingnan mo ako, hindi ko pinagsisigawan pero lihim na nasasaktan."

Taenang babaeng to! Sarap sampalin! Akala niya hindi ko alam yung mga pinagsasasabi niya kagabi ah? Hahaha. Oo nagsusuka ako nun pero naririnig ko pa rin siya. Sa lakas pa naman ng boses netong si Zia e. Teka nasan si Sophie?

"Hugot!!! Letche ka Zia! Alam mo ba ang nangyari kagabi? Yung pagtatapat mo kay Nathan?" Pang aasar ko sa kanya! Hahaha. Ano ka ngayon!

"H-ha? Ako? N-nag tapat kay N-Nathan?" Wait! Oo nga pala lasing siya nun!! Naku poooo! Lupa bumuka kaaaa! Ang tanga mo Erin!

Nagbuntong hininga na lang ako at kinuwento ang mga nangyari kagabi. Lahat ng sinabi niya tandang tanda ko. Hindi naman malakas tama ko e. Matibay to dre!

At yun na nga. Naiyak na naman siya! Nilapitan ko si Zia at niyakap siya.

"Okay na din yun Zia. Okay na din na nasabi mo yun sa kanya. Atleast nabawasan na yung bigat na dinadala mo. Kahit papaano nailabas mo." Sabi ko sa kanya habang hinihimas ang likod niya.

"Erin lalayuan ko muna siya. Siguro sa pag iwas ko nakakamove on ako. Sana. Erin ang sakit sakit! Tangina nawawasak na naman ang puso ko!" Alam kong mahirap ang pinagdadaanan niya. Mas masakit pa to sa hang over ko ngayon. Ayaw kong makitang nagkakaganito si Zia. Ang tanging magagawa ko lang ngayon ay maging isang kaibigan para sa kanya. Hindi ako marunong magcomfort ng ganito e. Kahit si Sophie alam niyang hindi ako expressive na tao. Pero gagawin ko ang lahat para kahit papaano hindi maramdaman ni Zia na nag iisa siya, na may kaibigan siyang dadamay sa kanya.

"Ssssshhhhh. Tahan na Zia. Nandito lang kami para sayo. " Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Hinimas himas ko na lang ang likod niya.

Nanatili kaming ganoon ng ilang minuto. Hinayaan ko siyang umiyak sa balikat ko. Kahit na basang basa na ko okay lang! Basta kahit sa ganitong paraan madamayan ko siya.

"Nagtext nga pala si Sophie. Umuwi na daw siya kasi may pupuntahan sila ng mama niya." Sabi niya noong kumalas siya sa yakap habang pinupunasan ang mga luha niya.. Tumango na lamang ako bilang sagot.

"Tara na sa baba! Gutom na ko e!" Hinila ko na si Zia sa baba para kumain.

Pagdating namin sa hapagkainan, nandoon na ang boys. Kami na lang pala ang iniintay.

"Zia." Sabi ni Nathan habang malungkot siyang nakatingin kay Zia. Naramdaman ko namang pinisil ni Zia ang kamay ko. Hindi na niya pinansin si Nathan at naupo na lamang.

"Kain na tayo guys! Gutom na ko e! Nga pala umuwi na daw si Sophie kasi may pupuntahan sila ng mama niya." Pilit na ngumiti si Zia pero kitang kita ko pa din ang pangingilid ng luha niya kaya hinawakan ko uli ang kamay niya. Tiningnan niya ako at ngumiti ng mapait na parang sinasabing okay lang siya.

Tahimik lang kaming kumain. Walang nagsasalita. Kung nandito si Sophie siguradong hindi niya magugustuhan ito.

This is awkward!

Pagkatapos kumain ng agahan ay agad ng nagpaalam yung tatlo. Uuwi na daw sila dahil lagot na sila sa parents nila. Hahaha.

"Zia hatid na kita." Alok ni Nathan.

Umiling iling si Zia at ngumiti. "Hindi na. Padating na yung driver namin. Nagpasundo na ko." Nakita ko namang napabuntong hininga si Nathan.

Nagpaalam na sila sa amin bago umalis.

**
"Erin. Usap tayo. Tungkol kay King." Agad naman akong kinilabutan sa sinabi niya. Kilala ko si King. Dati siyang sa amin.
Tumango ako at umupo katapat ni Eros.

"Anong tungkol kay King?" Seryoso kong tanong.

"Erin tanda mo ba noong tumawag siya sa akin noon? Pinagbantaan niya ako na sasaktan niya si Sophie. Hindi ko iyon pinansin dahil hindi na naman siya ulit nagparamdam pagkatapos noon e. Pero iba na ang kutob ko nung makita natin siya sa Battle, seryoso siya! Erin kilala natin si King. Ginagawa niya ang sinasabi niya! Erin noong isang araw nagpunta dito si Maxine. Kinausap niya ako at sabi niyang may sakit siya. Sabi niya sa akin na ang tanging makakapagpahaba ng buhay niya ay ang maging masaya siya, at ako daw ang makakagawa noon dahil ako ang kaligayahan niya. Erin hindi pa rin niya tanggap na hindi ko siya mahal! Si Sophia ang mahal ko! Inisip ko na nagloloko lang siya para mapunta ako sa kanya pero pagkaalis niya dito, tinext ako ni King. Sabi niya humanda daw ako oras na may mangyaring masama sa kapatid niya! Erin totoo. Totoong may sakit si Maxine. Erin hindi ko na alam ang gagawin ko! Tulungan mo ako parang awa mo na. Ayaw kong saktan si Sophia at ayaw ko siyang mapahamak!"

Naikuyom ko na lamang ang kamao ko sa narinig. Walang hiya yung magkapatid na yun! Maninira pa sila ng relasyon! Bakit hindi na lang tanggapin ng letcheng Maxine na yan na hindi siya kayang mahalin ni Eros!

Sandaling nabalot ng katahimikan ang paligid. Hinihintay ni Eros na magsalita ako.

"Eros pareho tayong ayaw mapahamak si Sophie! Pareho tayong ayaw siyang masaktan. Kahit ako hindi ko din alam! Eros mamili ka. Ang makasama si Sophia pero maaari siyang mapahamak? O ang malayo ka sa kanya pero alam mong ligtas siya? Eros ikaw lang ang makakasagot niyan!"

Nakita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata niya hanggang sa tuluyan na itong bumagsak. Awang awa ako sa pinsan ko. Hindi ko inaasahan na magiging ganito ang maaaring kahantungan ng pagmamahalan nila ni Sophie! Hindi ko kayang makitang nasasaktan si Eros at Sophie. Ikamamatay ko.

Three years ago noong nabuo ang banda, nabuo din ang Phoenix.

Kami nina Eros, King, Zia, Nathan at Vince ang mga miyembro nito. Itinatag ito ni Eros para labanan ang masasamang kabataan noon dito sa lugar namin. Ang tanging hangarin namin ay maturuan sila ng leksyon. Hindi kami ganoong gumagamit ng dahas sa pakikipaglaban. Hindi kami gumagamit ng sandata o kung ano man. Mano mano kaming nakikipaglaban kaya lumakas kami.


Yes we're gangsters. At hindi ito alam ni Sophie. Ayaw ko siyang masangkot sa gulo.

Kahit sa Xiavery nag aaral si King, isinali pa din siya ni Eros dahil kababata namin siya at matalik silang magkaibigan. Mas matanda sa amin ng isang taon si King.

Sa tuwing may pagpupulong ang Phoenix, isinasama ni King si Maxine, ang kapatid niyang kasing edad lang namin.

Minahal ni Maxine si Eros ngunit hindi siya nito pinapansin dahil ang mahal ni Eros ay si Sophie.

Isang araw sa hideout, nagulat na lamang kami ng biglang sinugod ni King si Eros. Galit na galit ito. Sinabi niya noon na hindi na kumakain ang kapatid niya at palagi itong umiiyak dahil kay Eros. At dahil doon, umalis si King sa Phoenix.

Last year tumigil na kami sa pakikipaglaban dahil nasira ang samahan nina Eros at King.


"Eros ibalik mo ang Phoenix." Seryoso kong sabi kay Eros habang umiiyak pa din siya. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya noong marinig niya ang sinabi ko.

"Pag iisipan ko Erin. Kung ano mang maging desisyon ko, alam kong maiintindihan mo ako. Wag mo na lang sasabihin ito kay Sophia.


Ingatan mo siya!"


Tumayo na si Eros at naglakad papasok sa bahay nila. Umuwi na din ako para matulog. Lalo lang sumasakit ang ulo ko.

Oo Eros. Maiintindihan kita.


END OF CHAPTER

VOTE, COMMENT & SPREAD

The Battle for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon