Pagpasok ko sa room ay agad akong naglakad papunta sa puwesto ko.
"Cakes!" Aga naman mag-basa ng libro 'to.
Ibinaba ko ang bag ko at naupo "Ano naman 'yan, ha?" Tanong ko sabay siko sa kaniya ng mahina.
"Wala naman"
"Anong wala? Eh. ayan nga oh, binabasa mo" ako sabay nguso sa hawak niyang libro.
Hindi man ako magawang lingunin, e!
"Romance book, gusto mo bang basahin?" inabot n'ya sa akin ang librong hawak n'ya
Umiling ako at tinulak pabalik sa kanya ang libro.
"Wala ako sa mood magbasa ngayon" sabi ko at nagpangalumbaba.
"Sus, kunwari ka pa!. Alam ko nama'ng hindi ka nagbabasa ng romance." Sinarado n'ya ang aklat at ipinasok sa bag.
Yeah, she's right. Ayoko ng romance ang boring ng dating para sa'kin.
"Bitter ka kasi!" Humagikgik s'ya ng tawa.
"Eh, ano naman?" Love is like a poison. Kapag pakiramdam mo'ng hindi na tama at nagkakagusto ka na sa isang tao.
Magtayo ka ng panangga na haharang para hindi s'ya makapasok sa puso mo, kung gusto mo'ng wala'ng sumira ng tahimik mo'ng buhay.
Lalo na't kung toxic na ang dalawang tao na magkarelasyon, hindi magw-work ng maayos 'yan.
"Hindi naman halata" hindi ko na siya kinibo.
Lumipas ang oras at dumating na din ang teacher namin.
Sa buong klase ay wala akong ginawa kung di ang makinig at magtake down notes.
Pagkatapos ng class dissmisal ng third period ay syang break time na rin namin.
2 hours ang break kaya hindi nagre-reklamo ang iba, lalo na kapag may hinahabol silang gagawin.
At least may time pa ding matitira pagkatapos nang lahat diba. Hindi naman din madali ang mag-aral 'no.
Simula nu'ng bata ako, wala akong ginawa kung 'di ibabad ang sarili ko sa pag-aaral.
At mas magandang mag-aral sa tahimik na lugar.
Hangga't kaya ko'ng mag aral, magpapatuloy lang ako.
Lalo na't may pangarap ako na gusto kong makuha balang araw, sisikapin ko'ng makapag tapos.
Gusto ko makamtan ng mga sarili ko'ng kamay ang deplomang nakalaan para sa akin.
Deploma na aking maipagmamalaki maipakita ko lang na hindi ko kailangan ng tulong ng iba.
Babangon ako sa sarili ko'ng mga paa. At walang kahit na ano'ng dahas na ikakasakit nang iba, para lang sa bagay na hindi naman dapat sa kanya mapunta.
"Ano baon mo?" Tanong ni juliana.
"Fish fillet, ikaw?"
"Burger steak, pero special" tumango ako. Inayos ko ang sapin na uupuan namin dito sa field.
"Si tita ba ang nagluto?"
"Oo!. Pina sobrahan pa nga, eh."
"Bakit?"
"Para sa'yo, alam ni mama na mahilig ka din sa burger steak kaya... dinagdagan na niya ang luto" i nodded and smiled at her
"Love talaga ako ni, tita!" Nakangiti kong sabi
Hayan! Tapos na!
Medyo madamo ang field hindi naman ganon kalago, yung sakto lang ang liit ng mga ito.
Isa isa naming inilabas sa lunch bag ang mga dala naming pagkain.
Magkaharap kami ni cakes at na sa gitna ang mga pagkain.
Burger steak, fish fillet, slice fruit, sandwich, rice at dessert na naka arrange pa sa loob ng mga lunch box.
Oo mayaman s'ya pero hindi katulad ng iba na may arte lalo na sa pagkain, simple lang din ang gusto n'ya.
"Let's eat" nagsimula kaming kumain ng payapa at maayos.
Paminsan minsan ay tumatawa kami kahit wala namang nakakatawa.
Sadyang baliw lang kami, tumatawa ng walang dahilan. Tsk tsk
Takas mental nga naman.
"Akin na lang 'yan" sabi ko at ngumuso. Tumingin s'ya sa akin na may ngiting nakaka asar
"Gusto mo?" Tanong n'ya
"Syempre gusto, hindi ko naman sasabihin na akin na lang, kung hindi diba" mataray kong sagot at mas lalong humaba ang nguso ko ng dahan dahan niyang pinapasok sa bibig ang pagkain
"Eh!"
"HAHAHAHAHAHAHA, sarap mo'ng sampalin" sabi n'ya na ikina-irap ko naman sa hangin
"Ang sarap mo naman, batukan!"
"Sarap mo'ng sabunutan"
"Sarap mo'ng ingudngod sa lupa!"
"Mukha kang impakto"
"Mukha ka namang tingting"
"Mukha ka namang baboy!" Hindi s'ya nakapag salita sa sinabi ko at pinanliitan niya lang ako ng mata.
"HAHAHAHAHAHAHA" humagalpak ako ng tawa na ikinatawa rin niya.
"Hay na'koh!, cakes!" S'ya.
"Ano na naman?" Uminom ako ng isang basong tubig. Nauhaw ako dun.
"Sa'yo na'toh, HAHAHAHA" inabot niya sa akin ang kalahati ng apple na natira.
"Hindi na, hati na tayo" hinati ko sa ito sa gitna at inabot sa kanya.
Nakangiti naman niya itong kinuha at kinain.
Natapos ang isang oras at inayos na namin ang mga pinagkainan naming dalawa at binalik sa kanya kanyang lunch bag.
"Ano na balak mo?"
"Punta tayong, library?" Ako.
She nodded. Tumayo na kami at naglakad papunta sa classroom para iwan ang gamit gamit namin, saka umalis patungo sa library.
May mga studyante pero hindi ganon karami, may nagbabasa at may mga naghahanap ng libro, meron naman sa mismong number station na nagbasa at hindi na pumwesto sa upuan.
Sa Station 3 ako pumunta at Station 5 naman si juliana.
Actually, malawak at malaki ang library namin dito sa SLA, lahat ng librong kailangan mo ay nandito na.
May mga ibang studyante pa nga na dumadayo at dito nakiki-library dahil ang iba nilang kailangan na impormasyon ay nandito.
Hindi naman din ipinagbabawal na bumisita ang ibang studyante ng ibang school na pumunta dito.
it is the newest institution of higher learning in the Philippines.
Its influence, wealth and rankings have made it one of the most prestigious academies in the world.
SLA is a large, highly residential research Academy offering 55 undergraduate majors, 140 graduate degrees, and 36 professional degrees.
About naman sa ranking at reputation ng school ay nangunguna ang SLA.
REPUTATION AND RANKINGS
Among overall rankings, the Academic Ranking of World Academy's (ARWA) has ranked SLA as the first world's top Academy every year since it was. released.
Saint Lucus held the top spot every year and continued to hold first place on THE World Reputation Rankings ever since it was released.
Actually, Saint Lucus has a particular dorm for students na nag-aaral dito.
Usually two to four bedrooms and common room shared between 7 students as your roommates.
Malas mo na lang kapag kaaway mo ang naging roommates mo dito.
SLA has 11 House's for Students, pero mas pinili ko'ng mag stay sa bahay, at isa pa malapit din naman ang bahay ko dito kaya hindi ako nahihirapan bumyahe.