Probinsyana in the City

3.9K 59 35
                                    

Probinsyana in the City

LalaLove_00|Wattpad

 

 Story Sypnosis: Anong mangyayari kapag nalaman ng probinsyanang si ANA na kasama niyang titira sa iisang bahay, hindi lang ISA kundi SAMPUNG NAGGAGWAPUHANG PRINSIPE. Pano na lang ang pangako niyang hinding-hindi na ulit siya makikipag-usap sa kahit sinong gwapo?!

 

 //Prolouge

 AKALA ng ibang taong nakatira sa syudad, ang mga Probinsyanang katulad ko ay ..

 Isang taong BADUY, walang alam na suotin kundi isang mahabang bestida na mula pa ata sa baul.

 Madaling Maloko, yung tipong, iyakan mo lang at sabihing nanakawan ka kahit hindi naman ay maaawa na sayo at bibigyan ka agad ng pera .. 

 Mang-Mang, mga taong walang alam sa modern gadgets. 

 Madaling ibully, kasi kahit ipahiya mo siya sa buong mundo, hindi pa rin siya lalaban sayo.

 Uto-Utong Mabait, yung kahit na halos maging alalay mo na siya sa kakautos mo, gagawin at gagawin pa rin niya yung mga utos mo .. 

 Madaling Mapaniwala, ung tipong konti bola mo lang, bibigay na ..

 Pero lahat ng mga yan .. AKALA lang nila .. Hindi kami ganyan, at hindi kami magiging ganyan. LALO NA AKO! 

 Hindi kami baduy! May sarili lang talaga kaming fashion sense. Kung naiingit sila, bat di sila gumaya? Insecure much? 

 Hindi kami madaling Maloko, siguro yung iba pero ako HINDI. Kung iiyak sila sa harap ko, siguraduhin muna nilang dugo ang lalabas sa mata nila para maawa ako. Pag nagawa nila yun, bigyan ko sila bente :D

 Hindi kami Mang-mang. Siguro nga wala kami masyadong alam sa mga modern gadgets, pero haller! Uso rin cellphone, computer at internet sa probinsya! Yung dati ko ngang school sa probinsya, de-wifi eh! Daig pa mga school dyan sa tabi-tabi!

 Hindi kami madaling i-bully at subukan lang nilang ipahiya kami, ipapahabol namin sila sa mga kalabaw namin sa bukid. 

 Mabait kami pero hindi kami Uto-Uto. Uso na utak ngayon. Alam namin kung humihinga lang ng favor ang isang tao o ginagawa na kamng utusan. Poor much lang? Buti pa sa probinsya uso maid. Dito hindi? Cant afford? Cant afford? XD

 At pinaka huli, hindi kami madaling mapaniwala .. kung naloko man kami, yun ay dahil sa nagmahal kami .. Hoy! Masarap magmahal ang mga Probinsyana! Shunga mo na lang kung pakawalan mo pa kami XD

 Ako na ang nagsasabi sa inyo, wag niyo kaming susubukan ..

 Dahil kaming mga probinsyana ...

 Hindi basta-basta :D 

-----------------------------------------------

A/N: 2nd Official Story ko po! Haha! Alam ko di pa tapos yung He's a Ghost pero trip ko talaga tong story na to :D Haha!  Thanks guys! Watch the trailer video on the side nga pala. Salamat! --->>

VOTE-COMMENT-FOLLOW !!

Probinsyana in the City [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon