kChapter 2

1.4K 56 21
                                    


Althea's POV

"Hay nako tsong, wag mo na nga isipin yon! Hanggang pag kakaibigan lang kaya ibigay sayo nun! Straight yon eh!" batchi

"Bakit ba? May sinabi ba akong more than friends ang habol ko dun? Tigilan mo ako batchi ha!"

"Eh halata ka naman eh! Kanina ka pa tanong ng tanong kung pano kami nag kakilala, san ko siya nakita, ano mga napagkwentuhan namin? Oh? Ano yon?"

"Masama naba magtanong ngayon? Para mas lalo ko siyang makilala no. Magkaibigan narin kami, kaya yon"

"Lul Althea! Wag mo ako paandaran ng mga ganyan! Kilala na kita simula highschool! Alam ko na kung interesado ka sa isang babae!"

Tumalikod nalang ako sakanya at humiga sa sofa. Hanggang ngayon hindi parin siya maalis na isipan ko eh. Crush ko na ba si Jade?

"Pasalamat ka at may jowa na ako! Kasi kung hindi..."

Napatayo ako sa pag kakahiga ko.

"Kasi ano? Aagawin mo si Jade sakin?!" natutop ko naman yung bunganga ko sa nasabi ko. Ano ba yung sinabi mo Althea!

"Oh edi umamin ka rin! Hay nako Althea! Tigilan mo na yan kasi wala kang mapapala dun. Sa ganda nyang yun, walang boyfriend? For sure may boyfriend yun! At! Chinese kaba?" umupo si Batchi sa tabi ko, may dala na siyang chips ngayon, pinakealaman pa ang mga pagkain ko -_-

"Hindi? Ano naman kung di ako Chinese?"

"Hindi kayo pwede! Kasi ang Chinese para sa Chinese! Mayaman pa naman yung si Jade, panigurado sinusunod nila yung tradition nila"

Hindi na ako nagsalita at kumain nalang, binuksan ko narin yung TV para tumigil na si batchi pero hindi parin talaga siya tumigil.

"Pero seryoso tsong, wag mo ng ituloy yan. Kung ano man yang nararamdaman mo, pigilan mo na" napatingin ako sakanya kasi napaka seryoso ng pag kakasabi nga. "Masasaktan ka lang tsong, at ayoko na nakikita kang nasasaktan"

Napangiti ako sa sinabi nya, nag lean ako sa shoulder nya. Hay! Answerte ko rin kahit papano dito kay Batchi eh :)

"Kahit madrama ka ngayon tsong, pagbibigyan kita. Hindi kapa ba uuwi?"

Umurong siya kaya nahulog yung ulo ko at nauntog sa sofa.

"Aray! Batchi naman eh!"

"Pina pa alis mo na ako? Pampasikip na ba ako dito sa condo mo?"

Kinakamot ko parin yung part na nauntog kasi medyo masakit talaga "May apartment ka naman eh! Saka baka hinihintay ka ni Wila!"

"Ayon naman! Concern kay Wila! Tapos sakin hindi!"

"Anong pinagsasabi mo?"

"Gabi na kaya! Pano pag may nagtangka sakin dyan sa daan?"

Tinignan ko lang siya, gusto ko ng matawa sa sinabi niya tbh.

"Sigurado ka batchi? Ikaw? Pagtatangkaan?"

"Oo naman! Kaya kung mahal mo talaga ako.."

"Ano?"

"Pahiram ng kotse mo?"

Sabi na eh! Ayan nanaman yung hihilingin nya. Ewan ko ba dito kay Batchi, gustong gusto yung sasakyan ko eh Fortuner lang naman tong gamit ko ngayon.

"Hindi! Halika at ihahatid kita, mag taxi ka!" aba! Pano pag may pupuntahan ako edi wala akong gagamitin.

"Pano pag holdapin ako nung taxi na masasakyan ko? Ay nako althea, alam ko na di ka papayag na mangyari sakin yon"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HeartachesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon