Chapter 15

141 7 0
                                    

Hay, kumukulo ang dugo ko!

Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Ayokong mag-stay rito sa loob kaya bumalik na lang ako sa balcony area. Wala masyadong tao rito dahil hindi na naririnig ang live band sa loob. Tahimik akong umupo sa isang bakanteng table habang umiinom.

Tumingin ako sa mga ilaw ng sasakyan sa malayo para ikalma ang sarili ko. Maaliwalas ang langit ngayon at kitang-kita ang mga bituin. Masarap ding magpahangin.

"Hey."

Napatingala ako sa lalaking lumapit at nakita ko si Serrano na nakatayo na sa harap ko ngayon. Umirap ako saka sumandal sa kinauupuan. The fact that he was with that sick-ass bastard earlier, it makes me want to hate him even more.

"Kung nandito ka para sermunan ako, pwede bang umalis ka na lang?"

"Are you okay?"

Kumurap ako dahil hindi ko inaasahang ganito ang magiging takbo ng usapan. Napaiwas ako ng tingin, hindi nakasagot agad.

"Okay lang ako."

Hindi siya nagsalita. Ibinaling na lang niya ang tingin sa malayo. Maya-maya pa, hinila niya ang upuan sa tapat ko at umupo roon saka bumuntong-hininga.

"Next time-"

"Ayokong marinig," pagputol ko agad sa sasabihin niya. "Next time, ano? Mag-iingat ako? Huwag akong pupunta sa bar mag-isa kung ayaw kong mabastos?"

"No..." depensa niya. "I was gonna say that next time, just leave or call for help if you can. Better to be safe than sorry."

"Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko."

"Of course. Sa pagkakakilala ko sa 'yo, you wouldn't let anyone step on you." Ngumisi siya bago uminom sa hawak niyang beer. "But everything wouldn't be in your favor all the time. So learn when to fight and when to walk away."

Bahagya akong ngumisi. I wasn't used to him talking like that. "Sige. Salamat sa concern." Sumimsim ako sa baso ko.

Binalot kami ng katahimikan. Nilapag niya sa table ang isang bote ng beer na hula ko ay wala nang laman. Nakasuot siya ngayon ng plain navy blue shirt at gray pants. Simple lang naman, parang hindi isang anak ng politiko.

"Why are you still here?"

Natahimik ako saglit bago nakasagot. "May kausap pa 'yung kasama ko. Ayoko namang iwan. Ikaw, bakit ka nandito?"

"Ayokong umuwi. Hindi ako makatulog. Wala akong ibang mapupuntahan."

Napaismid naman ako roon. "Hindi ka makatulog? E 'di dapat sa doktor ka pumunta. Hindi dito."

"Pwede bang mag-usap naman tayo nang hindi nag-aaway?" seryoso niyang sabi bigla. "Kahit ngayong gabi lang."

Kumunot ang noo ko, nabigla.

"Bakit? Bored ka?" Ngumisi ako bago binottoms-up ang hawak kong drink. Inilapag ko sa mesa ang glass na walang laman. "Ano namang pag-uusapan natin?"

"Anything under the sun." Sumandal na rin siya sa upuan. Nilabas niya ang isang kaha ng sigarilyo mula sa bulsa saka alanganing tumingin sa akin bago kumuha ng isang yosi roon. "Is it okay if I smoke?"

"E bakit ako ang tinatanong mo? Kumustahin mo 'yung baga mo," suplada kong sabi.

"Kakasabi ko lang, Soria," anas niya bigla.

"Hindi ako nakikipag-away."

"You're being sarcastic."

"Sinasabi ko lang na hindi 'yan healthy."

"So you are concerned with me now?"

Inirapan ko na lang siya at hindi na sumagot. Sumandal din ako sa upuan ko habang pinapanood siyang sindihan ang sigarilyong nakaipit sa labi niya. Humarap siya sa gilid at doon inilabas ang unang buga ng usok.

A Chance on SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon