Mahigit isang linggo na akong nililigawan ni Cyrax. Wala namang nagbago dahil puro utos pa rin sya ng utos at kung mamitik ng ilong wagas, pero madalas rin naman kaming lumalabas. Halos araw-araw nga nagyayaya syang mamasyal at medyo naging sweet sya sa akin kaso wala pang nakakaalam na nanliligaw sya. Malaking issue ito panigurado kung sakaling malaman nila.
" Ma, Pa. Aalis na po ako " paalam ko sa kanila.
Nakauwi na sila Mama at Papa galing sa isang business trip. Successful ang pakikipag-usap nila sa pinuntahan nila. Kaso hindi pa doon natatapos dahil aalis pa sila para makipag-usap sa iba. Masipag, mabait at mapag-alaga ang magulang. Alam namin na para sa amin ang ginagawa nila kaya 'di kami makapagreklamo na wala sila palagi. Kita rin naman sa kanila 'yung pursige na mabigyan kami ng magandang buhay.
" Anak, anong oras ka uuwi mamaya? " tanong ni Mama habang nagluluto.
" Ewan ko lang po baka gabihin na po ako. Itetext ko na lang kayo " sagot ko kay Mama saka sya hinalikan sa pisngi.
" Mag-ingat ka. Ang rami kong nababalitaan na ginagahasang mga babae. Naku Ren baka pagkamalan ka " biro pa ni Papa.
" Si Papa talaga. Alis na po ako " sabay halik rin sa pisngi nya bago tuluyang umuwi.
Tumungo naman ako sa gate ng subdivision at nakita ko na ang kotse ni Kumag. Inaya nya kasi akong pumunta sa bahay nila saka sabi nya gusto daw akong makita ng Ate Trixie nya kaya pumayag na ako.
Nakarating rin kami kaagad sa mansion nila. Pinagbuksan nya ako ng pinto kaya paglabas ko, nagbulungan ang mga kasambahay na nakahilera papasok sa bahay nila.
" Kumag " tawag ko kay Cyrax na kasabay ko sa paglakad.
" Can you call me on my name, not Kumag " naiinis nyang sabi.
" Eh mas gusto ko yung Kumag saka bakit ka nag-eenglish. Ano meron? " takhang tanong ko.
Hindi sya sumagot at pinagpatuloy ang paglalakad. Kanina ko pa napapansin na mukha syang badtrip.
" Reenn! " salubong sa akin ni Ate Trixie ng makarating kami dito sa may pool.
Duon ko lang napansin na mukhang buong mag-anak ang nandito. May kanya-kanya silang ginagawa.
" Mabuti pumayag si Cyrax na pumunta ka dito sa Family Reunion namin. Halika dali " hila nya sa akin
Family Reunion? Buong pamilya nya ito. Halos nasa thirty sila.
Pinakilala nya ako isa-isa sa kamag-anakan nila. Mula sa Tito at Tita nila, mga pinsan, pamangkin saka kung sino-sino pa specially sa kapatid nyang si Xian na mukhang kaugali nya at si KuyaDraxen at sa asawa nyang si Ate Giselle.
" Dad, sya po yung kinukwento ko sa inyo. Ang ganda nyang lalaki diba? Saka Mom diba nakita mo na sya. " pakilala sa akin ni Ate Trixie.
" Hello po " magalang na bati ko sabay mano ko.
" Hello rin iho. I'm Rigo, Daddy ni Cyrax. Natutuwa ako na nakasama ka dito. Sana ienjoy mo ang party naman at isipin mo part ka ng family " sabi ni Daddy. Wow nakiki-Daddy na.
" Aletha is my name but you can call me Leth or Mommy " sabay tawa nito. Nakakatuwa naman at nakita uli kita. Mag-enjoy ka. Ren " sabi naman ni Mommy, hahaha.
" Salamat rin po sa pagwelcome " nakangiti kong sabi.
Nagtungo naman ako kaagad sa kinaroroonan ni Kumag na nagba-barbecue. Nakakunot noo syang nagpapaypay sa may baga. Gusto ko ngang pagtawanan ang mukha nya kaso baka lalong mabadtrip. Family day pa naman nila.
" Psst. Problema mo? " tanong ko ng makalapit ako sa kanya sa harap ng binabarbecue nya.
" Wala. Umalis ka dyan sa harap baka matamaan ka pa ng baga " hila nya sa akin at itinabi nya ako sa gilid nya. Tiningnan ko naman ang ginagawa nya.