Fight IX [ 2 ]

19.1K 689 31
                                    


" Hi...di ako ma...ka..hinga " sabi nito sa akin kaya lumapit ako kaagad sa kanya na nakaluhod na sa sahig.

Halah! Napasobra ata ako sa ginawa ko.

Hinawakan ko kaagad ang kamay nya na nakahawak sa tyan nyang sinuntok ko. Kita ko na nahihirapan syang huminga.

" Anong gagawin ko? " takhang tanong ko habang nag-aalala.

" I-C..CPR mo...ako " sabi nya.

CPR? Diba para lang 'yon sa nalulunod kapag wala ng hangin. Ah tama! Nawawalan na sya ng hangin baka ikamatay pa nya.

Inayos ko sya kaagad ng higa. Hinawakan ko ilong nya saka baba nya at huminga ng malalim. Inilapit ko kaagad ang labi ko sa kanya pero nagulat ako sa sunod nyang ginawa. Hinawakan nya ang ulo ko at mas lalong diniinan ang paglapat ng labi nya at ginalaw pa nya ang labi nya sa akin.

" Ano..hmmm bamm " layo ko sa kanya pero masyadong syang malakas.

Pinagpatuloy nya pa rin ang paghalik sa akin hanggang sa maging gentle na ito kaya hindi ko na napigilan ang tumugon.

" I'm sorry " kaagad na sabi nito ng magkahiwalay ang labi namin.

Umupo sya harap ko at hinawakan ang pisngi ko. Hinalikan nya rin ako sa noo.

" Ikaw ang may kasalanan nito " nag-umpisa ng tumulo ang luha ko.

Ito ang unang pagkakaton na makita nya akong umiyak mismo sa harap nya. Naramdaman ko naman ang pagyakap nya sa akin at paghagod nito sa likod ko.

" Shhh.. Tumahan ka na. I'm sorry sa mga inaasta ko. Sorry " paulit-ulit na hingi nya ng tawad.

" Bakit hindi mo ako pinapansin? Kanina pa ako nag-iisip kung ano bang ginawa kong mali pero wala akong maisip. Mabuti pa 'yung Giselle na 'yon pinapansin mo " reklamo ko sa kanya. Bigla naman nya akong hinarap.

" Nagseselos ka ba? " tanong nya sa akin kaya umiwas ako ng tingin.

Hindi pa ba halata sa inaasta ko? Oo nagseselos ako kasi hindi ako sanay na hindi nya ako pinapansin at ang cold ng treat nya.

" Kasi ginagawa ko lang ang utos mo. Since na ayaw mong ipaalam sa kanila na nililigawan kita, umaakto ako na Cyrax na kilala nila. Yung walang pinapansin, tahimik at may sariling mundo. Kasi sa oras na pansinin kita masyado, mahahalata nila " paliwanag nya sa akin. " Saka si Giselle, she is my cousin. Remember, family reunion ito "

" Dapat pinaalam mo na kanina pa para di ako magmukhang tanga. Akala ko talaga galit ka sa akin " sabay pout ko sa harap nya.

" Sorry pero dahil sa mukhang nakakahalata na sila. I don't need to act " tumayo na sya at inalalayan nya akong tumayo pero nagulat ako ng isandal nya ako sa pader.

Tumingin sya ng seryoso. " Sinong boyfriend ang tinutukoy ng mga bata kanina? " tanong nya.

" Ah si Jae. Niloloko lang nya 'yung mga bata " sagot ko tsaka ipinalupot ang braso ko sa batok nya. I know nagseselos sya.

" Anong dahilan nya para tawagan ka " sabay yakap nya mula sa bewang ko pero still nakatingin pa rin sya sa akin.

" Nagyaya syang pumunta ng bahay ampunan pero sa tingin ko hindi na ako makakapunta next time na lang. Nagkaayos na tayo " nakangiti kong sabi.

" Mabuti naman. Halika na pumunta na tayo sa sala sure akong nandoon na sila. "

" Kiss ko muna " sabi ko sabay nguso ko. Hinalikan naman nya ako kaagad kaya ngumiti na ako at sabay na kaming maglakad.

~

Nakaupo kami dito sa may sofa. Naglalaro yung mga bata pati na rin mga matatanda nakikisali na rin. Mga board game naman nilalaro namin. Opo kasali ako.

I Can Fight Him Back (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon