Napakabilis ng panahon at isang linggo na lang sembreak na namin kaya eto kami exam na lang ang inaatupag kaya pagkatapos ng lahat ay pwede na kaming magbakasyon.
Tungkol naman sa relasyon namin ni Cyrax, okay naman. Kung tutuusin nga habang tumatagal ay tumatatag kaming dalawa na hawak ang kamay ng bawat isa. Hindi pa rin naman nawawala ang mga death threat sa buhay ko pero hindi ko na lang sinasabi kay Cyrax. Threat lang naman iyon kaya wala dapat akong alalahanin.
Sa family ko naman, tanggap nila ang relasyon namin ni Cyrax. Masaya daw sila sa akin pero hindi naalis ang mga paalala nilang bilang magulang. Ganun din sa side ng family ni Cyrax. Nahiya nga ako noon ng nagkaroon pa ng mini party dahil official on na kami ni Cyrax pero mas ikinagulat ko ay si Cyrax pala ang may plano nun. Hindi sumagi sa isip ko na kayang gawin iyon ni Cyrax sa akin.
" Uwi na ako Thea. Ikaw na bahala dyan magpasa kaya Ma'am PolScie. Babush! " paalam ko at lumabas na ng kwarto.
Bumaba na ako sa building at dumaan sa isang pasilyo na hindi masyadong nilalakaran ng mga estudyante. Ano ba meron dito?
Napahinto ako sa paglalakad ng may makita akong stuff toys na kulay pink sa sahig na dinadaanan ko. Tumingin muna ako sa paligid pero wala namang ibang tao kaya pinulot ko na. Pagtayo ko ay may biglang tumakip sa ilong ko at nakaramdam ako kaagad ng hilo at pagdidilim ng paningin hanggang sa mawalan na ako ng malay.
~
CYRAX POVKanina ko pa tinatawagan si Ren pero hindi nya sinasagot. Yayayain ko sana syang lumabas kami kaso mukhang busy ata pero namimiss ko na sya kaagad.
Langya! Nagkaroon naman ako ng girlfriend pero sa kanya ko lang naramdaman ang ganto basta ibang-iba ang pagmamahal na nararamdaman ko. Lakas ng tama ko sa lalaki na 'yon na mukhang babae.
Hinagis ko na lang sa couch ang cellphone ko at nagtungo sa mini bar dito sa tambayan. Narinig ko naman na nagring ang phone ko kaya nagmadali akong kunin pero unknown number.
Sinagot ko na lang baka kakilala ko na hindi nakalagay sa phonebook ko.
[ Hello Cyrax? ] pamilyar yung boses na 'yan sa akin. [ Its me Tracy ]
Napabuga ako sa iniinom kong alak. Kanina kasasabi ko lang tungkol sa mga naging ex ko. Eto nagparamdam yung isa.
Si Tracy Collin, sya lang ang naging serious ata na nakarelasyon ko. Tumagal ang relasyon namin ng dalawang taon. Naghiwalay kami kasi dahil sa pangarap nya. May nag-alok sa kanya na maging model sya sa America kaya umoo sya. Two years na ang nakalipas kaya wala na akong nararamdaman sa kanya lalong-lalo na nasa buhay ko na si Ren.
" Bakit ka napatawag? " agad kong tanong.
[ Wala ka pa ring pinagbago. Ang sungit-sungit mo pa rin. By the way, nandito ako sa bahay nyo pero wala ka naman ] pabebe nitong sabi. Sya rin naman wala pa ring pinagbago sa pananalita.
" Nasa school ako "
[ Pumunta ka naman dito. Namiss kita ]
" Sige " tipid kong sagot tsaka inend ko na ang call.
Walang malisya ang pagpunta ko sa kanya. Gusto ko ring makita kung nagtagumpay pa ang pagpalit nya sa akin sa pagiging model nya. Saka hindi ko magawang magalit sa kanya dahil alam kong mahalaga ang pangarap nya.
REN POV
Nakaramdam ako ng hilo ng bumangon ako sa 'di pamilyar na kwarto. Nilibot ko ang paningin ko at may nakita akong nakasulat sa salamin.
" Thanks "
Salamat? Para saan?
Hindi ko na lang iyon pinansin saka lumabas na lang ng kwarto. Duon ko lang napansin na nasa isang hotel pala ako. Pagbaba ko sa first floor at makita ang labas ay madilim-dilim na.