'twas a great sunny afternoon when I was escorted by my mom and dad to the isle. -- it was my College Graduation.
After I graduated college, I volunteered as an Instructress in a Technical/Vocational School managed by the Salesians of Don Bosco (SDB).
Nung pumasok ako sa gate ng school, kinabahan ako. Dumirecho ako sa office ng Training Director.
"Miss Ocampo, please be seated. Alam mo na ba anong subject ang iha'handle mo?" Tanong ng TD.
"Opo. Sinabi na po sakin ni Mrs. Salazar."
"That's good. Good luck!"
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~Bago magsimula ang Flag Ceremony, halos lahat ng mga estudyante nakatingin sa'kin. Nagtaka siguro sila kung sino o ano ako sa eakwelahang kinatatayuan nila. Pagkatapos ng Convocation ipinakilala na kung sinu-sino ang mga guro nila at ano ang kanilang mga subjects na ituturo. Unang tinawag ang mga matagal nang nagturo at ako ang huling tinawag. Marami sa kanila ang nagbubulongan. May narinig pa nga akong isang boses sabi nya "ayy teacher pala natin yan? parang estudyante lang ah!"
Ayun nga! Parang estudyante lang talaga. Kasi nka'jeans and shirt lng ako. Tapos nka-back pack pa.
Pero habang nakaupo ako sa isang sulok na bahagi ng malaking gym ng eskwelahan, may napansin akong isang lalaki na parang estudyante lang din. Nang tinitigan ko sya, bigla syang lumingon sa kin at nginitian ako. Bumilis ang tibok ng puso ko. Nginitian ko na rin sya bilang ganti.
Simula nung araw na yon, kahit sa pagtulog ko lagi syang nasa isip ko. Hindi ko alam kung anong misteryo ang bumabalot sa kanyang pagkatao kung bakit ako naging interested sa kanya. Kung bakit gusto ko syang kaibiganin. Kung bakit gusto kong lagi syang nakikita. Haay naku! ewan! Love at first sight ba?
Natawa nalang ako nang bigla siyang lumapit sabay sabi "Miss, Teacher ka diba? Ba't dito ka nagtuturo? Diba dapat dun ka sa Formal Schools?"
Aba! ganun agad ang itatanong nya? pambihira! hindi ba dapat tanungin nya muna ang pangalan ko? tss!
"Ah kasi di pa ako nkapasa sa Teacher's test eh. Kaya habang ngre-review ako, naisip ko mag-volunteer muna dito. Kapag nakapasa ako, saka pa ako maga-apply sa Formal School.
Nga pala, anong pangalan mo?"
Ako na ang unang nagtanong."Inunahan moko dun ah! Louie nga pala. Louie Sandoval. Ikaw?"
"Ah Jonna. (inabot ko ang kaliwang kamay ko para makipag'shakehands).
Jonna Ocampo.""Nice meeting you, Jo."
Ngumiti lang ako at simula nung araw na yun, naging malapit na kaibigan ko na si Louie.
Ngunit di ko parin maipaliwanag kung bakit ganu ako kasaya nung nakilala ko siya.