Loving Him

10 1 0
                                    

𝔂𝓸𝓾'𝓻𝓮 𝓵𝓲𝓴𝓮 𝓪 𝓶𝓸𝓸𝓷 𝓪𝓷𝓭 𝓪 𝓼𝓽𝓪𝓻.
𝓲𝓷 𝓶𝔂 𝓮𝔂𝓮𝓼, 𝔂𝓸𝓾 𝓪𝓵𝔀𝓪𝔂𝓼 𝓼𝓱𝓲𝓷𝓮.
𝓲𝓽 𝓻𝓮𝓪𝓵𝓵𝔂 𝓱𝓾𝓻𝓽𝓼 𝓫𝓮𝓬𝓪𝓾𝓼𝓮 𝔂𝓸𝓾'𝓻𝓮 𝓯𝓪𝓻,
𝓲 𝓴𝓷𝓸𝔀 𝓽𝓱𝓪𝓽 𝔂𝓸𝓾'𝓵𝓵 𝓷𝓮𝓿𝓮𝓻 𝓫𝓮 𝓶𝓲𝓷𝓮.

Pagod akong humiga sa kama. Saglit akong napatulala sa kisame bago ko inabot ang aking cellphone na nasa side table. I opened my fb account and search for his name. And there, I saw his clean account. Wala siyang profile picture pero mayroong cover photo, nakaupo siya habang nag s-strum sa gitara niya, kitang-kita ang pointed nose niya lalo pa't nakayuko siya. Napapangiti ko iyong tinitigan.

Gusto ko na sanang matulog pero pinilit ko ang sarili ko na tumayo para gumawa ng homeworks. Naisip ko rin na academic achiever si Brent, kaklase ko pa naman siya, nakakahiya naman kapag tinawag ako sa recitation tapos 'di ako makasagot.

Nang matapos ako sa ginagawa ay napagdesisyonan kong pumunta sa 7/11. Nililipad ang hibla ng buhok ko sa bawat hampas ng hangin, napahawak ako sa magkabilang bulsa ng jacket ko habang tahimik na naglalakad. Tumingala ako sa buwan at umaktong hinahawakan ito ng kamay ko.

Papasok na sana ako sa loob ng 7/11 ngunit bigla akong napaatras nang makita si Brent, kasalukuyan siyang bumibili ng ice cream. Inayos ko ang buhok ko bago pumasok sa loob. Nang makapasok ay hindi ko alam kung saan ako unang pupunta, nakalimutan ko na rin kung ano ba ang dapat kong bilhin. His presence is too much for me.

Nakatingin ako sa kaniya kaya kitang-kita ko ang pagpihit ng ulo niya patungo sa gawi ko. Our eyes met. My heart melts when I saw him smiled at me. I waved my hand and smiled back.

Nagulat ako nang ilahad niya sa 'kin ang hawak niyang ice cream. Napalunok ako at nag-uunahan na naman ang mga paruparo sa 'king tiyan. Handa ko na sanang kunin ang ice cream na nasa kamay niya ngunit may kamay na nauna sa pagkuha niyon. Napalingon ako at nakita ang magandang babae. She has a perfect face shape, tantalizing eyes, and a pointed nose. Her lips are also reddish. Napatitig ako sa kaniya bago lumipat ang paningin ko kay Brent na kasalukuyang nakatitig sa magandang babae.

I saw in his eyes the adoration while he was looking at that girl. I realized that his perfect smile is only for his girl, and that girl will never be me.

Napapanguso ako habang naglalakad pauwi, sinisipa-sipa ko ang bato na nakikita ko. Akala ko pa naman sa 'kin siya nakangiti kanina, natatawa at naiinis ako sa sarili ko dahil naisip ko pa talaga na bibigyan niya ako ng ice cream. Lumalala na yata ang pagiging assumera ko, patuloy akong umaasa kahit na sa umpisa pa lang ay alam ko nang wala akong pag-asa.

Nasasaktan ako pero wala naman akong karapatan, naiinis ako sa sarili ko dahil bakit doon pa sa tao na hindi naman ako kayang suklian. My insecurities hit me again.

I looked at the moon, then I remembered Brent. He's similar to the moon, too far. But I'll keep on loving him. He's far, but in my eyes, he always shines.

Introducing LifeWhere stories live. Discover now