'And for Sky's 17th dance, let's all welcome Mr. Thunder.'
It's been a while since the last time I saw him. Siguro nga ata isang taon na din noong huling kita ko sa kanya e. Sa isang taon na un, walang communication. Wala talaga.
'Thank you Kuya Cloud. You're the best!' Sabi ko sa aking nagiisang Kuya.
'I know. No need to tell me. Pero nagtatampo pa din ako dahil pang16 mo ako, tapos pang17 ung si Thunder.' Tatawa tawang niyang sinabi. ' Anyway, nandyan na ung long lost love mo.'
'Argh. Kuya naman e. Pang 17 ka kaya tapos pang 18 si Papa. Hindi ko alam bakit napunta ka sa 16. Promise!' Sabay taas pa ng aking kamay.
Bago tuluyang umalis si Kuya, bumulong siya at sinabing 'Well.' Kumindat pa at pinakita ang kanyang perfect set of white teeth.
♫ Every now and then we find a special friend ♫
Hindi ko alam pero habang naglalakad si Thunder, tumigil ang oras. He's wearing black fitted pants and white long sleeves. Naaamoy ko na ung pabango niya. Hindi ko alam kung saang lupalop niya nabili un pero siya lang talaga ang may ganong amoy. Kahit sinong babae siguro, mapapatigil at mapapatingin sa kanya kapag nakita siya.
'Hi Sky.' Inabot niya sakin ang isang pulang rose. Nakatingin siya sa aking mga mata. Dahan dahan niyang nilagay ang aking kaliwang kamay sa kanyang balikat at hinawakan ang aking kanang kamay.
'Yo!'
'Happy Birthday!' Sabay halik sa aking pingi. '18 na ang bata!'
'Haha. Yes! 18 na tayong lahat sa barkada. Pwede ng magroad trip!' Masayang bati ko sa kanya. Hindi ko alam pero parang sobrang hyper ko ngayong kausap ko siya. Nahahalata niya kaya un?
'Makapagaya ah. Parang papayagan ka.' Tukso niya sa akin.
'Well, kayo ng bahala. Abogado ko kayo diba?'
'Yes. Just like the old times.' Nakangiti niyang sabi. Grabe talaga. Ibang klase talaga tong si Thunder. Hindi ko alam pero kapag kasama ko siya, para akong nasa ibang mundo.
♫ I'll make a make a wish for you and hope it will come true that life would just be kind to such a gentle mind. If you lose your way, think back on yesterday. Remember me this way ♫
Habang magkasaway kami, nakatingin lang kami sa isa't isa. Medyo corny kung sasabihin ko to pero nagslow mo ang paligid. Parang kami lang dalawa ang nandun sa hall. Sana hindi na matapos tong oras na to. Sana ganto nalang lagi.
'Time's up Princess. Andyan na ang mahal na hari.' Kahit kelan talaga, corny. 'Let's meet sa garden during the after party.'
Umalis siya ng nakangiti at iniwan niya akong parang nasa ulap.
'Ang aking Prinsesa, abot tenga ang ngiti. I can see that you are very happy.' Sabi ng aking daddy.
'Yes Daddy, very happy. Thank you.'
'Skyler, I know it's been years since we had you know...'
'What?' Tanong ko sa kanya. Gusto ko sa kanya mismo marinig, sa sarili niyang mga labi.
'You know, noong nasa more-than-friends-almost-lovers stage tayo.' Hindi ko alam pero sabay kaming napangiti ng sabihin niya un. Siguro pareho naming naalala ung mga araw na tawa kami ng tawa, ung tipong parang wala kaming poblemang iniisip.'
'Siguro medyo mahirap tong hihilingin ko sayo pero pwede bang...'
'Ano un Thunder?'
'Pwede bang ituloy natin ang ating na-director's cut na love story to eternity?'
Ito. Ito ung mga salitang matagal kong iniintay. Worth the wait. This is the best birthday gift ever!
Kinabukasan, nagising ako ng basa ang aking unan, basang basa. Bigla kong naalala, pagdating ko dito sa kwarto, bigla nalang bumuhos ang luhang kanina ko pa sa party pinipigil.
May party. Walang Thunder. Walang Thunder na dumating. Walang Thunder na nakasuot ng black pants and white long sleeves. Walang Thunder na sumayaw sa akin. Walang Thunder na nagtanong sakin. Lahat ng nangyari, panaginip lang pala.
BINABASA MO ANG
Waiting for You
Teen FictionAm I waiting for something or Am I waiting for nothing?