Thrill Ride 8

30 4 1
                                    

November 16, 2021. Sa Wattpad lang ako nagsulat no'n until pinasok ko na ang mga paid writing platforms.

Wala talaga akong matinong rason no'ng nagsimula akong magsulat. Boring lang dahil sa pandemic at idagdag pa na online class lang. Pero no'ng nalaman kong may pera pala sa pagsusulat kahit na baguhan palang, mas naging motivated akong ipagpatuloy.

Ex ko HAHAHAHA. Char.
Pamilya ko. No'ng una kasi tutol talaga si Papa sa pinasok ko. As in, tutol siya. Patago lang akong nagsusulat no'n pero gusto kong patunayan sa kaniya na hindi lang basta writer-writeran lang ang ginagawa ko. At no'ng nakita niyang dumating ang unang sahod ko, bigla siyang nagbago. Nagbago na 'yong pakikitungo niya at pinapakita na niyang sumusuporta na siya sa'kin. At ang isa sa inspiration ko ay ang mga readers ko. Sila ang isa sa dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nagsusulat pa rin ako.

Ako lang yata ang writer na walang pangalan ang readers 🤣 kung meron man, siguro tatawagin ko silang Luna 🥰

Writer's block. Lahat siguro ng writer kinaayayawan 'yan. May mga kwentong hindi natapos dahil diyan.

Continue. Hindi mo malalampasan ang isang bagay kung hindi ka magpapatuloy.

Padayon. Lahat tayo nagsimula sa wala. Lahat tayo nagsimula na walang nagbabasa. Padayon lang sa pagsusulat hanggang sa matapos mo ang isang kwento. Ang isang kalaban lang natin ay ang ating katamaran. Palagi ko ngang sinasabi noon na hindi 'to "writer's block" kun'di "katamaran". Padayon lang, manunulat. Ipakita mo sa lahat ang tinatago mong talento. Laban!

-senyora_athena

Thrill Ride (The Journey Of Writers)Where stories live. Discover now