Kaibigan lang (one shot)

58 2 2
                                    

Dedicated sa kanya dahil sya ang Author na super bait saken. Pasensya na if panget tong akin. Bago lang po kasi ako sa Wattpad. di kamukha mo miss @xiomai na magaling. Basahin nyo pala yung mga story nya esp A HOT night with... my new TEACHER ? O.O at BED friends forever. Thank you. (n_n)v

*************************

Ako si Raine. 16 years old. 4th year high school. Simple lang ang buhay ko. Masaya sa piling ng pamilya at mga kaibigan ko. Masayin akong tao, mabait, masipag, matalino at may itsura naman. wala akong kaaway kahit na sino. at kung lovelife ang pag uusapan, wala ako nyan. Ayoko munang mamroblema sa buhay. Oo,para sa akin problema lang ang pag - ibig dahil nakikita ko ang mga kaibigan ko kung paano sila masaktan at umiyak ng dahil dito. Kya sinara ko muna ang oportunidad na magka boyfriend kahit na madaming gustong manligaw saken.

Kaso,lahat yan nagbago ng makilala ko si Jeffrey. Kakalipat nya lang ng school. 16 years old din sya at kaklase ko. Matangkad, maputi, matangos ang ilong, mahahaba ang mga pilik mata at gwapo. Dahil sa matangkad ako kaya sa likod ako naka upo. at dahil sa wala ng bakanteng pwesto, sa tabi ko na lang sya naupo. Nakasundo ko naman sya agad.Mabait kasi sya. Palatawa at ang sweet. Minsan nga nagbubuysitan pa kme.

"arbor!" biglang kuha ni Jeff sa panyo ko at tinakbo hanngang sa may pintuan ng room namen. "iih teka lang.wag! gagamitin ko yan" sabi ko naman. lagi ganyan ang ginagawa nya kapag pinagtitripan ako. Araw- araw,sabay kming kumakain ng miryenda at lunch.

Until one day, naradaman ko na lang na nahuhulog na ako sa kanya. Yung tipong nasanay na ako na sya ang kasama ko. yung tipong gustong gusto ko syang nakikita. MAHALko na talaga sya. Kahit na hindi ko alam kung may nararamdaman din ba sya sa akin. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin. pero ,Gusto kong sabihin sa kanya dahil ayokong mag sisi sa huli. Yung alam ko na may chance na sabihin sa kanya pero di ko sinabi. Bukas na bukas aamin na ako. Bahala na.

********

At the Canteen...

"Uy jeff may sasabihin ako sayo." sabi ko agd kahit kadarating pa lang nya.

"ako din may sasabihin ako Raine." sabay ngiti nya sa akin.

'oh sige mauna kana."- ako

"hindi, kaw na."-sya.

"hindi ikaw na.mukhang masayang masaya ka ee.ano ba yun?"-ako

"sige na nga.hmm kilala mo si Nica?" -sya

"ah oo. Sino ba naman hindi makakakilala sa kanya eh sya ang campus queen. oh napano?" -ako

"sinagot na nya ako! sa wakas! :)) " -sya.

Sa narinig kong yun, parang timigil ang pagtibok ng puso ko. Parang nagunaw ang mundo ko at nagka lasog lasog ang puso ko. Bakit hindi ko alam na may nililigawan sya? Dahil siguro sa sobrang pagmamahal ko sa kanya kay di ko na pinapansin ang mga ibang bagay. :(( I gave him a fake smile. Ano ba naman ang panaman ko kay Nica. Nasa kanya na yata lahat ang mga ng gugustuhin ng isang lalaki sa isang babae.

Dumaan ang mga araw, hindi na kmi nagkakasama ni Jeff. Sino pa ang kasama nya? syempre si Nica. Hinayaan ko sya. Kahit masakit. Pikit mata kong tinanggap. Wala namn akong karapatan na mgalit ee. kaya umiiyak na lang ako ng magisa. :((

hanggang sa isang araw...

Nakita ko si Jeff. walang ekspresyon makikita sa mukha nya. Pero makikita mo sa mga mata nya ang sakit at lungkot. Naawa ako sa kanya. ngayon ko lang sya nakita na ganun.

"jeff,napano ka? anong problema mo? may masakit ba sayo?" -ako

"break na kmi. Nakipag hiwalay sya na hindi ko alam ang dahilan."- sya

"baka may problema lang' -ako

'edi sana sabihin nya sa akin. Boyfriend na nya man ako. Lahat naman ginawa ko para sa kanya ee. hindi namn ako nag kulang. bakit kailangan nya akong iwan? ! :((" sabay suntok sa pader.

Simula nun, pinapasaya ko sya. Minsan nakikita ko na lang sya naka tunganga sa kawalan.Kaya bigla ko syang kinikiliti at tatawa na nun sya. Minsan kapagayaw nyang kumaen, nililibri ko sya at sasabihing "kainin mo yan. ba sayang yang pagkaing nilibre ko para sayo kung hindi mo kakainin". Kaya napipilitan syang kumain. ahe Minsan dinadala ko sya sa may park. May sarili kming pwesto dun na tago at di alm ng iba kay walang nakak storbo sa amin nun. Minsan nga humihiga pa kmi sa may damuhan. Dahil dun, mas napapatunayan ko na mas nahuhulog na ako sa kanya. Dahil pagkatapos kong mag effort para mawala lungkot nya, sya naman ang gumawa ng mga way para pasayahin ako. Yung tipong araw araw hatid sundo nya ako. Sabay kumain ng lunch at dinner. Binibili ng kung ano ano pag malungot ako. At ang pagtatakip ng mga mata ko sa tuwing darating sya. Nagpapalitan din kmi ng mga text messages gabi gabi bago matulog. Naisip ko na umamin ulit sa kanya. Baka sakaling sa mga panahon na magkasama kmi ay may chance na minahal nya ako. hayy. makatulog na nga. Goodnight sa inyo. zzzzzzzzzzzzzz

******

Kinaumagahan...

"Iha ready ka na ba? anjan na si Jeffrey. Bilisan mo. Naghihintay na sya sa labas". Sabi ni mama. Ba. bat ang aga nya? maya pa dapat sya magsusundo. suge na nga makababa na nga. Baka mainip pa.

"Hi. Goodmorning. :))" Bati agad ni Jeff. Ang gwapo nya talaga. Nakakainlove.

"Goodmorning din. Nagbreakfast kana? bat ang aga mo?" sagot ko naman.

"AH oo. Hmmm excited na kasi ako pumasok. " -

Halata nga. parang nagniningning mga mata nya sa saya.

"oh ano bang meron?" sabay kuha ng gatas na in can para sa kanya. Ganun kase lagi iniinom nya araw araw.

"Kmi na ulit ni Nica! :)) Sinabi nya na kaya sya nakipag break ay dahil sa mama nya. May sakit kasi ito kaya kailangan nyang alagaan. Baka daw mawalan sya ng time para sa akin" - sya

Bigla ko na lang nahulog ang hawak kong gatas dahil sa sinabi nya at napaluha. Ang sakit. Sobra. Ang sakit umasa. Nabigo na naman ako sa panglawang beses.

"oh bakit ka umiiyak Raine? May masakit ba sayo? -sya

"masakit? oo tong putang inang puso ko!" -ako

"bakit? ano sakit mo sa puso? dalhin kita sa hospital? -sya

"grabe! napaka manhid mo jeff! Mahal kita. yun yung totoo. Hindi mo ba napansin yun? Ang dami ko ng ginawa para sayo para lang maramdaman mo tapos wala lang pala sayo" sabi ko sa pagitan ng hagulgol ko. ang sakit ee. Kitang kita sa mukha nya ang gulat.

"ano?! bakit hindi ka makasagot?!" -ako

"sorry. :(( akala ko kasi kaibigan lang din ang turing mo sakin tulad ng turing ko sayo. oo mahal din kita pero bilang kaibigan lang. mula noon, ikaw lang ang naka close ko sa school na to dahil magaan ang loob ko sayo. Kaya ikaw lagi ang sinasamahan ko." -sya habang nakayuko

It hurts. Yun lang pala ang nararamdaman nya para sa akin. Bilang isang hamak na KAIBIGAN lang. Wala akong masabi. Ako lang pala ang umasa mula pa noon. Ako lang pala ang nag mahal sa aming dalawa. Masakit dahil hindi nya nagawang mahalin ako higit pa sa isang kaibigan. Nagtatakbo na lang ako papasok sa bahay papuntang kwarto. Dinig ko ang pagtawag nya sa pangalan ko. Hindi ko sya nilingon. 

alam ko darating din ang panahon na makakalimutan ko din sya. alam ko na balang araw may papalit na sa kanya dito sa puso ko.

*********

Pasensya sa ending. Rush lang kase. ahe. Sa susunod na lng. Give me your advise naman. ahe

-VOTE

-COMMENT

-FOLLOW

--Sharley17  :))

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kaibigan lang  (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon