Maging marahan sana
Ang hampas ng alon sa dagat
Ng buhay na ’yong lulusungin,
Nang hindi ka malunod sa ragasa
Ng problema na ’yong lalanguyin.Maging banayad lang sana,
Ang pag-agos sa ilalim,
Upang kahit papaano’y,
Maging madali lang sa ’yo,
Ang gagawing pagsisid sa reyalidad ng buhay,At kung mahirapan kang huminga,
Sa lalim ng sakit,
Sana malaman mong,
Hindi naman masamang umahon saglit.