Chapter 21

36 9 0
                                    

Kabanata 21: Longing

“Lize... Aalis na muna ako. Nakapagsaing na rin naman ako. Magluto ka nalang ng uulamin mo hmm?” nanay uttered while preparing her things.

Pupuntahan niya pa kasi si ate Frena dahil nakaconfine pa rin ito. Masakiting buntis kasi si ate at ang asawa niya naman hindi makakapagkatiwalaan.

“Opo nanay, ako na po ang bahala dito” Ani ko and I felt her kiss my cheek from the back of the couch.

“Umiyak ka lang kung gusto mo ha? Huwag mong pigilan ang emosyon mo” She uttered na nagpanguso sa akin. “Magiging okay ako nay! Ligawan stage pa naman iyon at saka healing takes time naman ih” I uttered and give her a reassuring smile.

Sige Lize, gaslight mo pa sarili mo.

“Oh siya sige, aalis na muna ako” ani ni nanay at tumayo naman ako para halikan rin siya sa pisnge before she truly take her leave.

Nang tuluyang makaalis si nanay ay naisipan kong maglinis na lang dahil bagot na ako sa panunuod ng telebisyon.

I cleaned everything inside the house kahit nga iyong pinakasulok kinalikot ko pa talaga para lang maabala ko ang sarili ko.

After I cleaned the whole living room ay ang pangalawang palapag naman ang nilinis ko. I diverted my self from using any gadgets dahil alam kong puno lang ito ng balita tungkol sa kasal na magaganap after a week.

It may has been a week pero tunog pa rin ang balita tungkol roon sa kasal kaya ayaw ko munang mag-open ng cellphone. Hindi naman sa pagiging bitter but I just don't want to be bothered by it.

These past few days too ay panay ang iwas ko sa magkakapatid kumbaga balik sa dati lang. I'm always with Evan pero ang gago ay nawawala kaagad parang may ibang inaabalahan.

When I finished cleaning my surroundings ay kaagad akong napahilata sa higaan ko. Nakakapagod rin palang maglinis.

It's already lunch when I finished cleaning and I don't have the energy to cook kaya naisipan kong mag-oorder na lang.  I immediately look for my phone dahil nalimutan ko kung saan ko ito inilagay but gladly nasa ilalim lang pala ito ng unan ko but a card got my attention too kaya kinuha ko rin ito.

It is tita Coleen's calling card. I bit my lip as I dialed her number. I don't know pero I just feel the need to talk to her or to see her.

Naalala ko iyong sinabi niya sa akin nung huli naming pagkikita na tawagan ko lang daw siya and that's what I am doing right now.

After a few ring someone answered it.

“Hello po? Sino po ito?” Tanong ng nasa kabilang linya and it confused me to hear an old voice.

“Hello po, number po ba ito ni miss Coleen Villegas?” I asked. “Ahh opo, bakit po? Ano pong sadya nila?” The woman asked back, “Maaari ko po ba siyang makausap?” I answered.

“Oh sya sige neng, tawagin ko lang muna si ma'am. Ano bang pangalan mo?” The woman asked. I don't sense any harm with her though since her voice is soft and gentle.

“Felize Villegas po. Iyan po ang pangalan ko” ani ko sa telepono at bigla na lamang tumahimik sa kabilang linya. “Hello po? Nandyan pa po ba kayo?” I asked dahil sa bahagyang pananahimik ng ginang.

“A-ah o-opo ma'am, teka lang po at tatawagin ko po si Coleen” Ani nito na parang aligaga at gulat.

Rinig ko pa ang boses niyang tinatawag ang pangalan ni ma'am Coleen na para bang excited siya o ano.

Minutes have passed ay may nagsalita na ulit sa kabilang linya.

“Lize? Is that you?” she asked and that made me smile, “O-opo, Hi po” I uttered full of excitement, “Why did you call? Ay teka lang ha— nay! Paki-ano po muna ng niluluto ko! May kausap pa po kasi ako!” ani nito mula sa kabilang linya na nagpangiti sa akin.

I Have Found the Almond Eyes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon