Chapter 21 Transferee

42 1 0
                                    


SOPHIE'S POV


Naghihintay ako ng text ni Eros pero wala. Ano ba yan! Ang dami ko ng text sa kanya e hindi pa din siya nagrereply. Tss. Kakapikon! Hindi na nga niya ako sinamahan sumimba e.

Buwaya! <3


Huy Eros!


Reply :(

Pogi!


Kain na :)

Pssst.


Uso reply :(


Pauwi na.


Bahay na.

Galit ka ba?

Eros!

Pag usapan naman natin! Huy :(


Ganyanan na ba ngayon? :( Eros naman e!

Break na tayo!

Joke! ^___^

Tungunu! Wala pa ding reply! Akala ko makukulitan siya sa akin tapos magrereply siya! Pero hindi pa din! Hmmp! Ano bang nangyayari dun! Tinatawagan ko pero hindi naman niya sinasagot. Imposible namang wala yung load ee. OMG! Ano ba kasing nagawa ko?? Ano ba kasing nangyayari??

Makatulog na nga lang!


Goodnight Eros ko :*

5 minutes.


Wala pa din!! Urrggghhhh! Ge na nga matutulog na ko! Totoo na! Hmmp! Nakakagalit na e! Bahala siya sa buhay niya!


****

Wala akong ganang pumasok pero wala naman akong magagawa. Kelangan kasi malapit na ang exams. Huhu.

Ligo

Bihis

Done!


Pagkababa ko kumain na ako. Napansin yata ni mama na matamlay ako.
"Anak okay ka lang ba?" Pag aalala niya.

"Opo ma. Inaantok lang po ako." Pagsisinungaling ko. Sorry bro! Pero ang totoo nagagalit na ako kay Eros. Hindi man lang niya ako tinext! Grabe siya! Pero hindi ko pa din maiwasang hindi mag alala sa kanya. Napabuntong hininga na lang ako.

Nagpaalam na ako kay mama at lumabas na ng bahay namin.

Nagbabakasakaling hinihintay na ako ni Eros at makikita ko na ulit ang mga ngiti niya.


Pero paglabas ko si Erin lang ang nakita ko. Nasan ba si Eros. Haaaaay! Ngayon lang siya pumalya ng pagsundo sa akin :(

Putris ka Eros!!!! Ano bang nangyayari sayo! Alam mo bang alalang alala na ako sayo????? Ha????? Letche ka!

Syempre sa isip ko lang yan. Hayyyy! Letcheng buhay!


"Erin nasan ang pinsan mo? Bakit hindi mo siya kasama?Text ako ng text sa kanya e pero kahit isa wala akong narereceive na reply. Sabihin mo naman sa akin kung nasan siya oh? Parang awa mo na bes alalang alala na ako sa kanya. Baka mamaya nambababae na yun e!" Tanong ko kay Erin. Hindi na ako mapakali dito. Gusto ko na siyang makita! Agad naman siyang nag iwas ng tingin.

The Battle for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon