Si Pangit at Si Mapanlait (One Shot Story)

1.4K 36 16
                                    

"Ang panget mo!"

Ang linyang parati kong naririnig mula sayo sa tuwing makikita mo ako.

Marami namang nagsasabing maganda at may istura daw ako.

Pero para sa sayo, walang kagandahan ang mahahanap sa tulad ko.

Nung una ay hindi ko ito pinapansin.

Ngunit habang tumatagal nasasaktan na ang aking damdamin.

Habang tumatagal kasi mas masakit na ang pang-iinsulto mo sa akin.

Minsan nga'y napapahiya na ako sa buong klase at ibang taong nakapaligid sa atin.

Naalala ko noong araw ng dula-dulaan namin.

Pinuri ako ng isa sa mga kaklase natin. 

"Ang ganda mo talaga Yna. Bagay talaga sayo ang maging bida."

Natuwa ako sa kanyang sinabi, ngunit napawi ito ng may extrang nakisali.

"Si Yna? Maganda? San banda, pare?" Sabay tawa ng parang may sapi.

Nalungkot ako sa mga oras na iyon.

Dahil akala ko'y pupurihin mo na din ako sa unang pagkakataon.

Matagal na kasi kitang gusto.

Kaya pinapabayan ko lang ang pang-iinsulto mo.

Pero ngayon ay aking napagtanto, mali na ang iyong pagtrato.

Kaya gustong ko ng sabihin, tama na! Nasasaktan na ako.

Hindi ko naman alam kung bakit mo to ginagawa.

Marahil ba'y dito ka nagiging masaya?

Kung dito nga'y hahayaan na lang kita,

Para mapunan lang ang lungkot na iyong nadarama.

Sa tuwing inaasar mo ako.

Feeling ko ang layo-layo ko sayo.

Langit ka at lupa ako.

Di tayo bagay kahit anong gawin ko.

Ngayon nga'y ako ay nagbago.

Pananamit ng maayos at pagpapaganda ang ginawa ko.

Ngunit katulad ng dati, pinupuri din nila ako.

At ikaw, pagbabago ko'y binalewala mo.

Ng sarili ko'y mapuno at di na makapagtimpi.

Ika'y sinigawan ko sa abot ng aking pighati.

"Ano bang problema mo sa akin? Lahat naman ginawa ko para iyong mapansin. Ngunit parati mo na lang akong binabalewala at pilit na insultuhin?"

Ikaw ay humarap bigla sa akin.

"Malaki ang problema ko sayo." Sigaw mo din.

Luha ko'y unti-unti ng bumabagsak.

Sa sakit ng iyong sinabi na aking nalasap.

Parang milyon milyong kutsilyo at pako.

Ang tumusok sa puso ko.

"Di pa ako tapos" Dagdag mo pa.

Nakinatigil ng aking pagluha.

"Pasensya na sa aking pang-aasar. Ako'y nasasaktan lang, sa tuwing pinupuri ka, hindi naman kasi ako romantiko tulad ng iba. Naiinis ako dahil di ko magawang pasayahin ka sa mga salitang binibigkas ko. Pero sa atensyong nakukuha ko, sumasaya na din ako kahit papaano. Patawad sa pang iinsultong nagawa ko, di ko namalayang sumusobra na pala ako. Nasasaktan ko na, ang taong mahal ko." Paglalahad mo.

Ako'y nagulat sa huli mong sinabi.

Mahal mo ako, ang narinig ko sa sinabi mong panghuli.

"M-ma-maamahal mo ako?" Aking pag-uulit.

Baka mali lang ako at baka nabingi.

"Mahal kita, mahal na mahal!" Sigaw mo pabalik

Tama nga ang narinig ko, ikaw ay may pagtingin din.

Natawa lang ako sa iyong sinabi.

Pati na rin sa aking mga naiisip.

Noo mo'y kumunot.

Mukha mo ay nalukot.

"Bat ka natatawa sa aking pagtatapat? Kay hirap kayang sabihin niyan pag ikaw ang aking kaharap."

Napatigil ako sa pagtawa dahil sa iyong sinabi.

"Joke lang, wag ka ng magalit. Mahal din kita kahit ubod ka ng pangit."

"Hindi ako katulad mong pangit!" Pagsusungit mo sa akin.

"Pero sa totoo lang, hindi ka talaga pangit. Sinabi ko lang iyon para wala sa iyong maghumaling at para malaman mo na hindi lang mukha mo ang minahal ko ng totoo."

Natouch naman ako sa iyong sinabi. Kaya nahampas tuloy kita ng napakasakit.

Mahal din kita kahit ikaw ay mapanlait.

Si Pangit at Si Mapanlait (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon