Natapos ang panglimang period ng tahimik.
Sinabi ko na rin sa main adviser na hindi muna makakapasok si juliana ng isang buwan dahil kailangan ng magbabantay kay Nǎinai [ Grandma ].
Marami namang katulong sa kanila, malalaki ang bahay at may iba't ibang business sa ibang bansa pero, bakit si juliana ang kailangan magbantay.
Hayst.
Samantalang marami naman silang kamag anak duon na puwede.
Sabagay, nag iisang apo ni Nǎinai si juliana sa kaisa-isang anak niya na babae.
It means, si juliana ang heirs ng mga wang. Juliana Xedleigh Wang. Ang tagapagmana ng buong wang.
Only child lang si cakes, pagkatapos n'yang maipanganak sa mundong 'to hindi na ulit nagbalak na magkaroon pa ng anak sila Auntie at Uncle.
May one child policy ang china na kapag babae ang una mong anak, hindi ka na puwedeng magkaroon pa ng kasunod
Kaya spoiled brat din yan, but iba sa mga spoiled brat na kilala at nakikita n'yo.
Kilalang kilala ko na s'ya ng buo, pati ang buong angkan n'ya.
Pero. Ako.
Hindi n'ya pa lubusang kilala. Sa personality oo, pero buong history?. Hindi na muna.
Ang kaninang maingay at puno ng mga bubuyog ang classroom ang sila namang pagtahimik nila ng bumukas ang pinto at niluwal nito ang isang lalaki.
Diba s'ya yung?..
S'ya yung lalaki sa garden at sa cafeteria na kulang na lang mag speaker para marinig ang pagsip n'ya sa kape.
S'ya nga!.
Sira tuloy ang umaga ko dahil sa kanya! Sana alam n'ya 'yon!.
Kaso hindi e
Pero.
Anong ginagawa n'ya dito at bakit s'ya ang nandito.
Tumingin ako sa wrist watch ko, time na ng last period namin for this morning ah bakit s'ya ang pumasok at hindi si sir.
Pagsara n'ya ng pinto ay dare-daretso s'yang naglakad sa harap at naupo sa teacher's table.
Uh?. -.-
'Uyy bess, tignan mo. Ang pogi n'ya talaga!' Kilig na kilig lang?
'As usual. Lagi naman'
Landi.
'May girlfriend na kaya s'ya?'
'Sa tingin ko. Hmmm, wala pa.'
'Edi,, may chance pa pala ako!'
'Goo girl!. Bagay naman kayo'
'Sa ganda ko'ng 'toh? Sinong hindi maiinlove?'
Hangin naman. Lakas maka assume.
'Tanga na lang ang 'di marunong tumingin sa beauty mo!'
Huh?
Tumingin ako sa gawing kanan ko para makita yung dalawang kanina pa nagbubulungan, rinig din naman.
Gusto kong matawa sa itsura nila. Mukha silang sinuntok ng mga tambay sa kanto sa kapal ng make up. Tss.
Bumuntong hininga na lang ako, saka kinuha ang cp ko sa bag at head phone.
I turn my music up. Perfect. Yumuko ako sa table habang naghihintay ng oras.
Bakit nga ba s'ya ang nandito?. Na saan si sir ken?.
*ting*
I look at my phone screen.