Chapter 9: How to wake up Ezekiel Abenojar:)

23 7 0
                                    

Third person's Pov

Umaga na 8 ang mass nila kaya 6 palang nag handa na ang Mama ni K. Alam niya kasi na hindi talaga sasama ang anak niya kaya ngayon palang gigisingin na niya..

"Anak gising na mag sisimba tayo!" At kumatok siya sa pinto

"Ahm di ako sasama!" Sigaw ni Kiel

"Anak bangon na, malate pa tayo" katok parin ng katok ang mama nya

"Ma naman eh! Natutulog ang tao. Wag kang istorbo" inis na sigaw n Kiel "naman mga to bwisit, ka aga aga ng babadtrip" bulong niya

"Eh kung bumangon kana! Dali na!" Katok parin ng katok

"Ma sisirain mo ba ang pinto ko? Kayo nalang sabi!!"

"Ay bahala ka di kita titigilan!!" Kumatok ng kumatok ang Mama niya. Si Kiel naman ay nag headset nalang at matutulog ulit. After 3 minutes na pag katok umalis ang Mama niya

"Hay salamat nanahimik din. Makakatulog na ako" masayang sabi ni Kiel. After 15 minutes

Playing: Heaven (max volume of 3 speaker)

"Coz baby your all that I want----" di na naituloy ng Mama ni K ang pagkanta dahil sumigaw si Kiel

"MA, ANO BA PATAYIN MO NGA YAN. ISTORBO!!" Sigaw ni Kiel

"HA ANO ANAK SASAMA KANA?" tanong ng Mama nya , di sila mag kaintindihan dahil sa lakas ng speaker

"MHIE anong ginagawa mo?" Tanong ng Asawa nya

"GINIGISING ANG ANAK MO" Sagot nya

"KIEL BUMANGON KANA DYAN!" papa nya

"DI NGA AKO SASAMA!" sigaw ni Kiel

"BAHALA KA ANAK KUNG DI KA SASAMA DI KITA PAPATULUGIN!!" Sigaw ng Mama nya at umalis na para ihanda ang agahan at guess what patuloy parin ang pag tugtog ng Music haha si Kiel naman hindi alam ang gagawin para makatulog..

After 5 minutes...

"Good morning anak" masayang sabi ng Mama niya at hinanda na ang pagkain sa mesa

"Tsk! Anong maganda sa umaga?" Inis na tanong ni K

"Anak kasi kung gumising kana di sana hahantong sa ganyan haha" papa nya

"Tsk. Bakit kaya kaylangan pati ako sumama" bulong niya

"Ano yun anak?" Tanong ng Mama nya

"Wala" kumain na sila at nag handa para mag simba kaso si Kiel ang bagal maligo

"Anak 7:45 na malapit ng mag start ang Misa dalian mo!!" Sabi ng mama nya pag kapasok sa kwarto ni K

"Mauna na kayo susunod na ako" sabi ni Kiel

"Ay hindi laging yan ang sinasabi mo pero di ka naman pumupunta, Dhie yung duplicate na susi sa banyo dalhin mo dito,gusto yata ni Kiel na paliguan ko pa" sabi ng Mama nya at si Kiel na nasa loob ay mabilis na pumunta sa pinto para harangang makapasok ang Ina nya

"Ma oo na maliligo na" sabi ni K

"Dhie wag na pala haha kaylangam pala takutin eh" umalis na ang Mama niya. Si K ay naligo na at katapos ay nag ayos

"Anak ano ba ang tagal ha" kumakatok ngayon ang Mama nya

"To na patapos na" lumabas na si Kiel

"Anak nag papogi talaga?!" Biro ng mama nya

"Tsk tara na." Bumaba na sila at nag punta sa simbahan

"Late na tayo! Kiel kasi!!" Sabi ng Mama nya

"Sabi ko mauna na kayo!" Nag lakad na sila sa loob. Nakita agad sila ni Asher kasi mayat maya ang pag lingon niya sa pinto. Nang makita niya sila agad niya itong nilapitan

"Tita dito po" sabi ni Asher

"Oh iha pasensya na late kami ha. Si Kiel kasi eh" sabi ng Mama ni K

"Ayos lang po dipa naman nakakapag sermon ang pari. Tara po sa pwesto ko" nag lakad na sila papunta sa pwesto ni Ash.

"Buti iha nakapag reserve ka ng upuan" sabi ng papa ni K

"Hihi oo nga po eh." Masayang sabi ni Ash

"Nasa mass tayo wag kayong maingay" sabi ni K. Naiinis parin siya hanggang ngayon

"Tahimik na daw sabi ni EZEKIEL" sabi ng Mama nya. Nag tawanan lang sila. Madaling natapos ang mass

"Mano po tita, tito" sabi ni Ash at nag mano

"Buti pa ikaw marunong mag mano. Ang bait na bata" sabi ng Papa ni K

"K mag mano ka naman" sabi ni Ash kay K

"Ayoko nga" tsaka siya lumabas na ng simbahan

"Taray ng anak nyo po" sabi ni Ash

"Buti nga nabawas bawasan na salamat sayo Ash malaki ang pinag bago ng anak namin. Dati di man namin nakikitang tumawa yan at minsan lang naming makitang ngumiti. Ngayon naka tingin lang sa cp napapangiti siya at minsan nalang mag taray haha" masayang sabi ng Mama ni K. At yung sa cp ni K May picture doon si Ash yun ang tinitignan niya di nya nga rin alam kung bakit sa tuwing titignan niya yun napapangiti siya. Yung nung tumawa si K ng ginulat niya si Ash sa may hagdan. Di nya din alam kung bakit sya nag kakaganyan eh..

"Si God po ang pasalamatan nyo" masayang sabi ni Ash

"Tara saamin ka muna kumain "sabi ng Papa ni K

"Sige po" sabay sabay silang umalis. Doon kumain si Ash at masaya nanaman ang mag asawa dahil sa kabibohan ng dalaga. At si K din masaya..

A/N:
Ihh nakaka mental block na haha thank sa pag bibigay ng title wala talaga akong maisip @stupidoow salamat talaga..

A Little Too LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon