33 - The right time

3.8K 60 0
                                    

Chapter Thirty-three

Shaun

Excited na excited ako sa pagdating ng araw ng 60th birthday ng Papa ko. Bukod kasi sa ito ang araw na ipapakilala niya ako sa lahat ng tao bilang kanyang nag-iisang anak.. ito din ang araw na napagpasyahan kong magpakitang muli sa babaeng pinakamamahal ko. Charity Cruz

Kahit hindi ako nagpakita sa kanya sa loob ng limang taon, hindi ako nawala sa kanyang paligid. Kaya alam ko ang lahat ng mga bagay na nangyari sa buhay niya. I also made sure to send her a bouquet of red roses, her favorite flower, everyday in that five long years.

Natagalan bago ako nagpasyang muling bumalik sa buhay ni Cha dahil maraming bagay ang aking isinaalang-alang. I worked hard to excel in my profession. Ayoko kasing makilala lamang ako dahil sa anak ako ng sikat at mayamang negosyanteng si Ysmael Aldeguer. I want to build my own name, and I started from scratch. Kaya naman ay pinakiusapan ko si Papa na ipagpaliban nalang muna ang pagpapakilala sa akin sa publiko. Three years ago, at 25 years old, ako ang tinanghal na richest young engineer of the Philippines. Tinuruan ako ni Papa ng mga pasikot-sikot ng kanyang negosyo upang ako ang pumalit sa kanya sa oras na mag-retire siya.

It was my idea to send an invitation to David Khan, Charity's boss. Alam na alam ko kasing hindi ito dadalo sa birthday party ng karibal nito sa negosyo, pero interesado itong malaman ang tungkol sa anak ni Papa. I predicted that he would send someone he trusts in behalf of him, and that's no other than Charity.

Kahapon palang ay na-brief ko na ang mga waiters ng tungkol sa plano ko kay Charity. I showed them her picture and let them memorize her face so that they would be familiar with her once she comes here now. Kahit ang receptionist ay kinuntsaba ko. Natawa nalang sakin si Papa sa pagiging aligaga ko para sa muling pagkikita namin ni Charity.

Literal akong napanganga when I saw her went out of a red Mercedes-Benz. She looks like a fairy! Yan ang first impression ko pagkakita ko sa kanya. Mas lumutang ang kanyang angking ganda dahil sa husay ng pagkakaayos sa kanya. She is wearing a bright red off-shoulder gown, revealing her luscious collarbones. When I looked down, my jaw clenched. Her gown has a side slit, revealing her flawless milky legs! Gusto kong tusukin ang mga mata ng mga lalaking tumitingin sa kanyang legs! Those were meant for my eyes only!

Napangiti ako ng magpalinga-linga siya sa paligid matapos matanggap yong bulaklak na ibinilin ko sa receptionist at mabasa ang note na isinulat ko. I know she already has an idea that I am here..

Hindi muna ako nagpakita sa kanya. I will wait for the perfect timing. Kaya naman ng tawagin ang aking ama papunta sa stage ay kabadong-kabado na ako. When he called my name, I gracefully walked into the stage. At the corner of my eyes, I saw Charity stared at me with wide eyes. Shocked much, my love?

Mabuti at nairaos ko yong speech ko kahit na damang-dama ko ang mga titig sakin ni Cha. Ganun pa rin ang kanyang epekto sakin, she can still make my knees weak just by staring at me intently. Nang maupo ako sa tabi ni Papa ay ikinuwento niya sakin na pinuntahan niya kanina si Cha at may ibinigay itong regalo sa kanya.

Pasimple akong sumulyap sa kinaroroonan ng babaeng mahal ko.. only to see her hurriedly escaping from the social hall. Mabilis akong nagpaalam sa aking ama upang sundan siya. I heard her asked the location of the CR from a waiter. Just like what I planned, the waiter directed her upstairs. Matalino si Charity kaya alam kong nagtataka siya kung bakit sa second floor na CR siya itinuro, but she still followed the direction. Ganyan nga mahal ko..

I silently followed her upstairs. That was the cue of my men, pumuwesto na sila upang magbantay sa ibaba ng hagdan.. to make sure that nobody will go upstairs while I am there with Charity.

Nakita kong nagpalinga-linga sa paligid si Cha, nagtataka kung bakit napakatahimik at walang tao. I slowly walked towards her and hugged her from behind. I felt her body stiffened, but it relaxed after a while.

"Shaun.." Napangiti ako. She is still familiar with my scent. Mabuti nalang hindi ako nagbago ng pabango.

"I missed you, mahal!" I whispered while I nuzzled her neck. Binitawan ko siya at pinihit paharap sakin. Sinalubong ako ng malamlam niyang mga mata.

Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili. I pulled her nape and hurriedly claimed her lips for a fervent kiss. I moaned when our lips touched for the first time after five long years. I missed her so much..

Pagkatapos niyang makabawi sa pagkagulat, iniyakap ni Cha ang kanyang mga braso sa aking batok. She opened her mouth to welcome my kisses. Yon ang nagpalakas sa aking loob. I probed my tongue inside her mouth, tasting its sweetness. Charity kissed me back with so much passion, showing me how much she missed me, too.

Pareho kaming hingal na hingal ng matapos ang halik na iyon. Ginawa ko ang matagal ko ng pinagplanuhan.. I slowly kneeled infront of Charity.

"Shaun!" she gasped in surprise.

Tiningala ko siya at hinawakan ang kanyang mga kamay. "Cha, I'm sorry. Patawarin mo ko kasi sinaktan kita noon, mahal. Alam kong walang katumbas yong sakit na idinulot ko sayo, pero gusto kong humingi ng pagkakataon upang makapagpaliwanag."

Biglang nawala ang emosyon sa kanyang mga mata kaya kinabahan ako. "Bakit ngayon pa, Shaun?! Bakit pinalipas mo pa ang limang taon?"

Napayuko ako. "Dahil ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob, Cha. Kahit na hindi ako nagpakita sayo, hindi ako nawala sa paligid mo. I was always there, watching you from a distance. Alam ko lahat ng mga nangyari sa buhay mo." Nanlaki ang kanyang mga mata sa huli kong sinabi, ngunit hindi siya nagsalita.

I continued. "I wanted to fix myself first. Hindi ko gustong umasa lamang sa kayamanang ipapamana sakin ng aking ama. Nagsumikap ako upang magkaroon ako ng sarili kong pagkakakilalan. I worked hard, I did everything.. para sa muli kong pagbabalik sa buhay mo, magawa ko na kayong ipaglaban ng anak natin.."

To be continued..

~~~

Ohh Eem Gee! Nagkita na sila! Ang pinakahihintay nating lahat! 🤗🥰

I need your votes and comments guys. Thanks! ❤

Bawal na Pag-ibig (SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon