-Inaayos ko ang iyong isipan
Ngunit hindi ka nakikinig"Stacey, please, let's talk." Pilit hinahawakan ni Darren ang kamay ko ngunit tinaboy ko lang ang kamay niya. Tumalikod ako sa kaniya dahil baka lalo pa ako mainis sa pagmumukha niya.
"There's nothing to talk about, Darren." Mahinahon kong sabi sa kaniya. "Just leave." Bulong ko pero sapat na para marinig niya iyon.
"No babe. I won't leave until you won't listen."
Fine! Humarap ako sa kaniya at pagalit na sinabi. "Ano bang hindi mo maintindihan na ayaw kitang maka-usap o makinig man sa mga paliwanag mo!" Ano bang hindi niya maintindihan na ayaw ko munang makita siya!
Naiinis ako sa kaniya hindi lang dahil sa pang-iwan niya sa akin kundi dahil nasapawan na naman ng business ang date namin kahapon. Akala ko tuluyan na akong magiging masaya ngunit meron na lang may biglang tumawag kay Darren at kailangan daw niyang pumunta sa kompanya dahil may emergency 'raw'. Akala ko ako ang pipiliin niya at ipapa-cancel ang meeting na iyon ngunit puro akala lang pala. Umalis siya at iniwan akong nag-iisang nagsi-celebrate ng monthsary namin.
Nararamdaman kong unti-unting nangingilid ang mga luha ko. Namalayan ko na lang na yakap-yakap na ako ni Darren.
"I'm so sorry, Babe." sincere niyang sabi.
Dala na siguro sa gulat ko ay itutulak ko na sana siya nang muli siyang magsalita na ikanatigil ko.
"I promise, it won't happen again like the yesterday on our next date." at hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. "Remember that I love you...so much." bulong niya sa tenga ko.
At tuluyan nang bumagsak ang kanina ko pang pinipigilang luha.
"I don't want you to promise." Because it's meant to be broken. "I want you to do it." And I hug him back.
-Lahat na ng bagay ay aking ginawa ngunit
Wala pa rin
BINABASA MO ANG
14
Teen FictionStacey Savarella and James Darren Villafuerte' Short Story ----- ----- -Novie- Srart: 05/28/15