Ako si Elizabeth Parker, mahilig akong magbasa ng mga fantasy novels. Sa sobrang dami ko nang nabasang Fantasy Novels, minsan ko nang naisip na mapunta sa ibang mundo kagaya ng mga nababasa ko. I am even spending my free time, lost in the pages of my favorite books.
Nagbabasa ako, nang biglang tiklopin ng kung sino man ang aking libro.
"Pwede ba, Beth? Pumunta tayo ng Boracay, hindi para magbasa ka dyan, samahan mo rin minsan ang mga pinsan mo." Sabi ng babaeng may makapal na salamin at naka swimsuit.
Umirap ako saka humarap sa ibang direksyon saka binuksan muli ang aking libro.
"Sabi ko naman sayo Mommy na huwag mo na ako isama rito, ilang beses na tayong pumunta rito. Ilang Hotel pa ba ang gusto mong bisitahin?" Sabi ko saka ipinagpatuloy ang binabasa.
Nasa magandang part nako ng binabasa ko, which is the ending. I actually read this story five times na, sobrang ganda kasi talaga atsaka everytime na i-reread ko ang story na ito, ay parang na-appreciate ko lalo ang mga characters. From the heroine to other characters, their character development is beyond amazing.
Kudos talaga sa mga writers
Bukod sa makulit si Mommy ay sobrang kulit nya talaga, kaya nga hindi nako nagtaka nang hablutin nya ang libro at itinago ito sakanyang bag e.
"Mom? Give. It. Back" Sabi ko't inilahad ang aking palad sa harap nya.
"Huwag mo akong sinusubukan, Beth. Baka masunog ko ang kwarto mong puno ng mga libro mo?" napabuntong hininga na lamang ako dahil sa sinabi nya.
Kilala nya talaga ako't ang mga libro ko talaga ang weakness ko.
"Fine!" Pinal kong sabi't tumayo sa white sand saka pinagpagan ang aking pwetan.
"Good! Sumama ka sa mga pinsan mo dahil marurunong yan mag swimming, para naman matuto ka narin. Bente dos kana Beth, dapat sa edad mong-" hindi ko na sya pinakinggan pa, dahil kung ano anong pangaral nanaman ang sasabihin nyan.
Nagsimula na akong maglakad papunta sa mga pinsan kong ngayon ko nalang nakita, mga anak sila ng mga kapatid ng daddy ko. In short, they're my cousins sa side ng daddy ko. Hindi ko naman kasi choice na maging magisa lang at magbasa nalang sa outing na to. Ilang months tong pinaghandaan nila mommy no, hindi lang talaga kami close magpipinsan...
Huminto ako sa paglalakad nang makita ang mga pinsan ko, they're laughing and splashing water. They're having fun, tapos ako hindi parin sila close. Paano ba dapat? Should I say, Hi? Tapos pakilala ganon? They probably know me na, my family sponsored this outing e.
"Uy si Elizabeth!" awkward akong nakatayo sa gitna ng sand dahil sa pagtawag ng isa kong pinsan.
Si Erold yata yon?
"Tara! Sama ka samin!" Aya nito, ngunit ngumiti lang ako't nahihiyang naglakad papunta sa tubig dagat.
"Hindi, okay lang. Dito nalang ako, enjoy nalang kayo hehe" Sabi ko saka umupo sa seashore.
"Kj talaga neto ni Ganda!" sabi ni Erold saka nagtawanan sila muli.
Nakinig lang ako sa mga pinaguusapan nila saka nakikitawa rin minsan, ilang minuto na yata kaming nandito kaya naman naisipan kong tumayo na. Pinagpagan kong muli ang aking pwetan ngunit dumikit na ang buhangin dahil nabasa ito ng kaunti.
Kaya naman pumunta ako sa medyo malalim na parte ng dagat saka nilinis ng kaunti aking likuran na puno na ng buhangin. Sa sobrang focus ko sa ginagawa'y hindi ko namalayang naguusap na pala ang aking mga pinsan tungkol saakin.
BINABASA MO ANG
Against All Odds
FantasyThe story follows a woman who, after drowning, wakes up to find herself transmigrated as the heroine of her favorite book. She discovers that she has been given a chance to experience the amazing plot of the story. However, as she starts to explore...