34 - Son

4.1K 61 1
                                    

Chapter Thirty-four

Charity

Nalaglag ang aking panga dahil sa sinabi ni Shaun. Alam niya! Alam niyang may anak kami!

He looked deeply into my eyes. "Oo, Cha. Alam ko na nagkaanak tayo. Sinabi sakin ng Mama mo. Pinakiusapan mo siyang ilihim sakin, pero naisip niyang karapatan kong malaman ang tungkol sa anak ko."

"Pero kung alam mo na may anak tayo, bakit hindi ka nagpakita sakin?! Sa amin ng anak mo?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Dahil wala pa akong maipagmamalaki sayo! I am just a fresh graduate, a new engineer na wala pang napapatunayan," he frustratedly answered. "Alam ng Mama mo na gustong-gusto ko ng bumalik sa buhay mo noon at maging ama sa anak ko, pero alam ko rin sa sarili ko na dapat ko munang ayusin ang buhay ko."

"Gustong-gusto kitang damayan noong naglilihi ka, gusto kitang samahan sa bawat check-up mo, pero naduwag ako!" Shaun continued. "But I was just there, looking at you from afar." I was bewildered when he held my hand and guided me towards a door.

Napasinghap ako ng buksan niya ang pinto! It was a gallery that is so full of our pictures.. me and our son! I looked at him, still can't find the right words to say.

He stared at me lovingly. "These pictures are the proof that I was there all the time, I witnessed everything that happened in your life."

Tiningnan ko isa-isa ang mga larawang nakadikit sa dingding ng silid. There was a stolen picture of me sitting at the lobby of a public hospital. That was my first prenatal checkup and I was waiting for my turn to be called. Ako lamang ang buntis na nakapila doon na nanay ang kasama at hindi asawa.

"Nandun ka pala, ba't hindi ka nagpakita sakin?! Alam mo bang inggit na inggit ako noon sa ibang mga buntis kasi si Mama lang ang kasama ko? Kasi yong nakabuntis sakin hindi ko alam kung nasaan?" sumbat ko sa kanya. "Pero kasalanan ko din naman kasi ginusto kong ilihim sayo." Shaun remained silent as I pent out my frustrations.

A large framed picture caught my attention. That was my baby's 3D ultrasound picture! "Pagkaalis mo doon sa clinic ay pinakiusapan ko yong OB mo na bigyan ako ng kopya ng ultrasound picture ng baby natin," ani Shaun. "Alam mo ba, masayang-masaya ako noong araw na yon? Kasi nalaman kong healthy ang baby boy natin."

Hindi ako nakapagpa-print ng 3D ultrasound picture ng baby ko noon dahil hindi ko afford. Yong sahod ko kasi bilang secretary ni David ay inipon ko para sa aking panganganak.

Mayroon ding stolen picture sakin si Shaun habang kumakain ako ng napakaraming saging. Yon kasi ang pinaglihian kong prutas. Minsan umuwi si Mama na may dalang isang basket na puno ng iba't ibang uri ng saging. Mayroon ding nakalagay sa malaking frame na stolen picture ko na naka-side view at kitang-kita ang napakalaki kong tiyan. Kabuwanan ko na yata yan.

"Shaun, ang pangit ko diyan! Ba't mo isinama yan?!" reklamo ko.

"Yan ang pinakamagandang litrato mo sa lahat, mahal. Kasi nasa sinapupunan mo ang anak ko, ang bunga ng pagmamahalan natin," saad ni Shaun. I can't help but blush with what he said. Hindi parin siya nagbabago, his words can still melt my heart.

Mas nawindang ako sa sunod na picture na aking nakita. It was a picture of me with my newborn baby on top of my chest, beside me was Shaun who was kissing my forehead! Nakatulog kasi ako dahil sa pagod matapos kong manganak. I delivered my baby via normal delivery.

"Sobra-sobra ang pagpapasalamat ko sayo noong araw na yon. Hanggang ngayon nagpapasalamat pa rin ako." Ginagap niya ang aking mga palad. "I know it wasn't easy getting through pregnancy and giving birth without me, but you did it. Thank you so much, Cha. Thank you for bringing my son into this world."

Naluha ako. "Nararamdaman ko din kasi noon na maraming bumabagabag sayo, kaya minabuti kong huwag nalang munang ipaalam sayo na buntis ako. Ginusto kong bigyan ka ng panahon para sa sarili mo. I don't want to give you more burden."

"You will never be a burden to me," kontra ni Shaun sa sinabi ko. "Kayo ng anak natin ang naging lakas ko kaya nagtagumpay ako. The thought that I already have a family fueled me to work harder."

Napakarami ding baby pictures ni Shaun sa anak namin, from newborn until now. One picture of them together caught my attention. "Nagkasama na kayo ni Noah?" I named our son Noah Ysmael Cruz.

He smiled at me. "Kilala ako ng anak natin, Cha. Nagpakilala ako sa kanya. Ako ang nagbabantay sa kanya kapag pumapasok ka sa trabaho. Kinuntsaba ko ang Mama mo."

"Kaya pala hindi nagtatanong sakin si Noah tungkol sa tatay niya.."

"Pero sinabi ko sa kanya na secret lang muna namin ang tungkol sa palaging pagbisita ko sa kanya dahil liligawan ko muna ulit ang mama niya," he said naughtily.

I slapped him. "Tinuruan ko pa ang anak kong maglihim sakin!"

"Anong magagawa ko, papa's boy si Noah ko." Umilag siya ng akmang hahampasin ko siya ulit. "Pero sorry talaga, mahal. Gusto ko kasing maging dramatic ang muling pagtatagpo natin."

I laughed sarcastically. "Oo, dramatic nga. Sobrang na-touched ako. Nag-aalala ako kung paano kita ipapakilala kay Noah kapag nagkita tayo ulit, pero kilala ka na pala niya." Napailing nalang ako.

I skipped when Shaun tried to kiss me again. He looked hurt and disappointed.

"Diba sabi mo sa anak mo, manliligaw ka muna sakin?" nakataas ang kilay kong tanong sa kanya. "Saan ka nakakita ng manliligaw na nanghahalik sa nililigawan niya?"

"Mahal naman! Maawa ka sakin! Sobrang na-miss kita!" parang batang reklamo ni Shaun.

I smirked. "No kisses from now on. Antayin mong sagutin muna kita bago ka makahalik ulit sakin. Halika na, ipag-drive mo ko sa bahay at gusto ko ng umuwi at hinihintay na ako ng anak ko."

"Damot! Ngayon pa ako binitin eh may anak na nga kami!" bubulong-bulong na reklamo ni Shaun habang pababa kami ng hagdan. Hindi ko na lamang siya pinansin. I want to take everything slow this time. Masyado kasi kaming nagmadali noon.

~~~

Don't forget to vote, comment and share. Thank you!

Bawal na Pag-ibig (SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon