Taste of a liquor,
•||kiannah||•
Napatawa nalang ako sa sariling naisip nang sumagi na naman siya sa isipan ko, walang araw na hindi. Inubos ko na ang laman at tumayo mula sa pagkaka-upo sa pang dalawahang table pero naroon ako, nag-iisa. Inilagay ko ang baso sa dalang tray ng waiter na dumaan sa harapan ko, agad naman ako nitong ginantihan ng ngiti.
Dumaan ako sa dance floor para lumabas ng hotel, gusto ko nang umuwi. Hindi paman ako tuluyang nakaka-alis sa dance floor ay may humigit sa braso ko dahilan upang irita akong lingunin ito.
Pero lahat ng galit ko ay nawala nang makita ang nakangiti niyang mukha at mapang-asar niyang mga mata.
The bitch, Foxinne.
"Come on let's have a dance." napatawa ako dahil sa pagsigaw niya, hinatak niya ako sa literal na gitna ng dance floor habang inaakbayan ako na animo'y bar ang pinuntahan.
"Hoy hindi ito bar!"
"I miss you so much!" aniya at hinalikan ako sa pisnge, napatawa naman ako dahil sa inakto niya.
She's holding a liquor on her other hand while her other hand were headlocking me, hindi na siya naka-akbay-sinasakal niya na ako.
"They have an exclusive room at the second floor, all of Brylee's close friends are there, I got invited by Loxore—are you coming with me?" aniya habang nasa malapit ang bunganga niya sa tainga ko sakto lang para marinig ko ang sinabi niya.
Tinignan ko ang oras sa dala-dala kong cellphone, pasado alas nuwebe narin.
"It's already late."
"I'll drive you home, come on let's go!" wala na akong magawa kun'di mag-paubaya sa kaniya nang hilahin niya ang pupulsuhan ko paalis sa dance floor.
Mabilis ang yapak niya paakyat sa hagdan kaya halos malagutan naman ako ng hininga dahil ni-ultimo pag langhap ng hangin ay hindi ko na magawa. Binuksan niya ang doorknob na agad nagpatigil sa mga nagkukuwentuhan sa loob, sinalubong ako ng halo-halong amoy na may halong lamig na sanhi ng aircon.
"Hello everyone, she's Kiannah-the elder of Loviuste." pagpapakilala ni Foxinne sa akin, ka-batch lang pala sila?
"You're late Foxinne, have a shot." inakbayan siya ng lalaki kaya agad akong napalayo sa kaniya, agad niyang tinungga ang baso na inilahad ng lalaki-napapikit pa ito nang siguro ay gumuhit ang alak sa lalamunan niya.
"Oh shit! What kind of liquor is that." reklamo nito at tinaboy ang lalaki. "I don't like men, stay away!" sabay lang silang tumawa.
"Have a seat, Kiannah." umusog ang lalaki kaya nagpakawala naman ako ng ngiti at umupo sa tabi niya.
Habang pinagmamasdan silang nag-uusap ay halatang mga professionals na, ang iba sa kanila ay disente kung makipag-usap halatang may natapos na. Karamihan sa kanila ay ang usapan patungkol sa pasiyente, halatang mga doctor ang nandito.
They are four-years ahead of me, matatanda na at nag-uumpisa nang kumukuha ng sari-sariling panimula bago ang apelido.
"Huwag mo pormahan 'yan andito ang bayaw, Angelo." pasimple lang itong natawa sabay tingin sa akin, kaya nakitawa rin naman ako kahit hindi ko gets kung sinong bayaw ang tinutukoy ni Foxinne.
"Hindi ako nang poporma, Foxinne. I'm just implying the generosity."
"Wow! You even know what generosity is!"
"Naging mabait lang, binibigyan mo agad ng kahulugan." si Angelo.
"Hindi, nag-aalala lang ako na baka pormahan mo andito ang Loxore oh." natawa si Foxinne na tinuro ang lalaking tinutukoy, napataas naman ang kilay nito nang magtagpo ang mga mata namin.
YOU ARE READING
Under the Vast Celestial
RomanceI just have an abstraction about it: someone feels unrequited love with me, whereas I made someone feel the taste of unrequited love from me. To know what love is, does it require hurting someone intentionally? series i complete May 14, 2023 Kianna...